CHAPTER 35

47 1 0
                                    

     Nagising ako bandang alas-nueve na nang umaga. Nag inat pa bago napagpasyahan ang bumangon ng maramdaman ang pangkalam ng aking sikmura, napasapo naman ako sa aking tiyan at napangibit.

Kumain naman kami ni Justine kagabi pero heto at nagugutom ako.

Hindi naman maiwasan ang malungkot dahil sa na receive na email kagabi. Hindi yun totoo, si Kassy lamang ang nag send noon upang saktan na naman ako.

Kinagat ko ang pangibabang labi upang hindi umalpas ang aking hikbi. Isinuot kung muli ang damit na suot ko kahapon at lumabas na ng unit. Pumunta ako sa katapat na unit bago kumatok ng tatlong beses. Halos mangalay ako kakakatok dahil sa tagal kumabas ni Justine.

Nakalutang naman sa ere ang aking kaliwang kamay ng biglang nagbukas ang pintuan kaya agad ko ayong binaba. Nag iwas naman agad ako ng tingin ng makita na walang saplot pang itaas si Justine.

"What?"masungit na tanong niya sa akin.

"Gutom na ako, magdamit ka muna." Sita ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pag alis niya sa pwesto kaya marahan akong lumingon.

"Come in, nakapag damit na ako." Sigaw niya sa kung saan kaya pumasok naman agad ako. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya pa sa akin.

"Kahit ano na lang." Maikli kung sagot sa kanya at inilibot ang paningin sa kabuuan. Walang pinagbago sa unit na kanyang tinutuluyan. "Ilang araw tayo dito? Bakit dito mo ako naisipang dalhin?" Dugtong na tanong ko ngunit ngumiti muna siya bago sumagot.

"Sooner, later malalaman mo rin." sagot lang niya sa akin. Hindi na naman ako umimik at naupo na lang ako sa harap ng mesa at pinanood siya sa kanyang ginagawa.

"You receive my text?" Basag ni Justine sa katahimik at bahagya naman akong tumango upang maging sagot.

"And I receive an email." Napatigil naman sa pagkakanaw ng itlog si Justine.

"What email?" He asked kaya napabuntong hininga naman ako.

May part na masakit kasi at pinaniniwalaan ko yung litrato pero hindi ko din alam kung rason lang ba yun ni Kassy para hindi ko na hanapin si Shayla at Judd.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking bistida bago ini-open at ipinakita ayon kay Justine. Kagat ko naman ang sariling labi habang nakatungo.

"So, what's the plan?" he asked kaya napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"I don't know." Naguguluhan ko naman na sagot.

"Then let's find out, later. Ang importante ay magkalaman yang tiyan mo." Sagot niya sa akin bago itinuloy ang pagkakanaw ng itlog at tinalikuran ako.

Huminga ako ng malalim at nanatiling tahimik hanggang sa makatapos si Justine ng kanyang pagluluto.

"Pasensya na ito lang ang aking naipa deliver kanina. Bawi na lang tayo mamaya sa labas pagkatapos nating mamili ng ilang damit mo." aniya naman ni Justine habang sumusubo ng pagkain at nakatutok ang mga mata sa kanyang plato.

"Kalilibing lang ng mommy ko kahapon, pero hindi naman pagsasaya ang tawag dito diba?" Tanong ko at nag angat ng tingin dito na ngayon ay mariin na ring nakatingin sa akin at ibinaba ang kanyang kutsara at tinidor.

"Sabi mo tulungan kita, kaya kita dinala dito. Ayoko na lang sadya patagalin pa ang pagtulong sayo." Walang buhay nitong sabi sa akin bago tumayo at tinalikuran ako.

Agad ko namang pinahid ang ilang butil na pumatak mula sa aking mga mata at tinapos na ang pagkain. Hinugasan ko na rin ang aming pinagkainan bago lumabas na ng kanyang unit at hindi na siya hinintay pa.

Bumaba ako ng groud floor bago naglakad ng mag isa sa tabing dagat. Kahit papaano ay tinatangay na din ng malakas na hampas ng hangin ang lahat ng masasakit na ala-ala pero patuloy pa ring bumabalik.

Hindi naman niya alam kung maasahan pa ba si Justine o hindi dahil alam naman niya na napipilitan na lang ito base sa kanyang mga pinapakita sa akin na hindi ko rin naman maintindihan kung bakit siya nagkaganon.

"Hi miss." Isang magaan na boses ang nakapagpalingon sa akin.

Nakita ko naman agad ang isang lalaki at halata na may lahi ito base na rin sa kulay ng balat, mata at kanyang buhok.

"Hello." Magalang ko namang tugon dahil kahit papaano ay ayaw ko namang maging bastos kung hindi ko siya papansin.

"Naliligaw ka ba? Gusto mo i tour kita?" Mabait naman nitong tanong sa akin. Mukha namang hindi masamang tao ang lalaki kaya agad akong napatango sa kanya.

"Ano nga palang pangalan mo? Kanina pa tayo nag kukwentuhan pero hindi ko pa din alam." Nakangiwi ko namang tanong, take note pa ha. Sumama agad ako kahit hindi ko pa nakukuha ang pangalan.

"Alvin. Alvin Roqueza." Nakangiti niyang sagot sa akin at tumango naman ako bilang pangsang ayon.

Kung saan-saan ako inilibot ni Alvin, inabot na kami ng alas tres ng hapon kakagala sa kung saan. Hindi ko rin naman nadala na ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa doon sa unit ni Justine, at kahit ang bumili ng aking damit ay hindi ko na rin nagawa dahil sa kaaliwan at masayang kasama si Alvin.

Napatingin naman ako sa relo na hawak at ala-singko na pala ng hapon at palubog na rin ang araw, tiyak ko na kanina pa ako hinahanap ni Justine.

"Saan na bang lugar ito Alvin?" Tanong ko ng mapansin na puro puno na lang at wala ng bahayan ang aming nasa paligid. Tahimik at ang hampas lang ng mga alon ang maririnig.

"Malapit na tayo, Sam." Sagot niya sa akin at napaigtad naman ako ng hawakan niya nag aking palapulsuhan at hilahin.

"Kailangan ko ng bumalik, tiyak na hinahanap na ako ng kasama ko." Medyo may kaba na ani ko ngunit si Alvin ay tumawa ng pagkakalakas na halos mag echo sa buong lugar.

"Alam ko naman na kagaya ka lang din ng ibang babae dyan kaya halika na." Napakagat ako sa sariling labi ng hilahin pa niya ako papasok sa isang kubo.

"Hindi mali ka ng iniisip, mauuna na ako." Pagpupumiglas ko ng hindi sinasadya na matalisod ako at tumama ang tuhod ko sa malalaking bato.

Napangibit naman ako dahil sa sakit at ng makita ang tuhod ay mayroong malaking sugat doon.

Nataranta naman ako ng hilahin niya ako sa paa at itinaas ang aking bistida.

"Nice legs." Kitang-kita ko ang panlilisik ng kanyang mata at agad akong kinubabawan. Pinigilan niya ang aking dalawang kamay at itinali agad ayon.

Lumuhod siya habang ako ay nasa pagitan ng kanyang mga hita at tinatagtag ang belt ng kanyang maong pants.

"Alvin, maawa ka please." Naiiyak kung pakiusap sa kanya.

"Not today, baby." Natatawa niyang sagot sa akin.

"Tulong! Justine!" Sigaw ko at nagbabakasakali na may makakarinig sa akin. Napapikit naman ako ng hahalikan na ako ni Alvin ngunit isang malakas na sigaw ang aking narinig.

"You mother fvcker!" Galit na sigaw ng kung sino at pinaulanan ng malakas na suntok si Alvin.

"Stop! Tama na." Rinig ko pang pagmamakaawa ni Alvin. Nangingilid ang aking luha at nag ulap na ito sa aking mga mata kaya hindi ko makita kung sino ang lalaki na tumulong sa akin.

"May sira ulong lalaki na nagtangkang gahasain ang asawa ko. I send you the address, make it fast." Rinig kung sabi ng lalaki at naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa akin at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.

"I'm sorry," Judd said while caressing my hair. 

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon