CHAPTER 19

82 4 0
                                    

     Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin matanggap ni Sam ang mga nangyari. Walang bakas ni Judd ang naiwan, hindi na rin sya bumalik sa dati nilang bahay dahil maaalala 'nya lamang lahat ng nangyari sa bahay na ayon. Ngunit nagbabaka sakali pa rin na isang araw ay bigla na lang magpapakita sa Judd upang ipaliwanag ang lahat at maayos ang namamagitan sa kanilang dalawa alang-alang na rin sa magiging anak nila.

Hinaplos 'nya ang umbok na tiyan, ilang linggo pa ang lumipas at ngayon ay ika-5 buwan na ang baby bump nito. Hindi ko lubos akalain na aalis si Judd ng wala man lang salita na binitawan sa kanya.

Hindi rin n'ya maintindihan ang gustong iparating ng kanyang ina tungkol sa pagtitiwala sa kanyang asawa, dahil simula noong araw na malaman na n'yang patay na ang kanyang ama ay hindi na sila nagkakausap pa ng kanyang ina, dahil kung maaari ay ayaw muna nya itong kausapin.

Kinuha nya ang phone sa ibabaw ng side table sa gilid ng kama. Mabuti na lang at naka save dito ang number ni Justine kaya agad 'nya itong tinawagan.

"Hey." Bungad ng sagutin nito ang tawag, napalayo pa sa tenga niya ang phone dahil sa lakas at ingay sa kabilang linya.

"Justine?" Imik niya at halos mapangibit dahil sa ingay na kanyang naririnig.

"Sam, why?" Tanong nito.

"Where are you?" She asked bago nag lakad patungo sa may bintana ng kwarto niya at dumungaw doon.

"At the bar!" Rinig 'nyang sigaw sa kabilang linya.

Bar?

"Anong address?" Tanong pa nya ulit.

"Susunduin kita, wait me." Dahil sa sinabi ni Justine ay agad ng napailing si Sam kahit hindi naman sya nito nakikita.

"No. Text me the address, ako na lang ang pupunta." Saad ko at pinatay na kaagad ang tawag.

Agad namang tumunog ang phone 'nya, "RED CLUB" Yun ang nakalagay sa message ni Justine.

Napabuntong hininga ako sa mensahe nito, saan ko naman kaya hahanapin ang Red Club na ito, sinulyapan naman nya ang orasan sa taas ng pinto ng kwarto niya at alas dyes pa lang ng umaga. Seryoso?

Ganitong oras nasa Bar siya? Kainitan pa talaga?

Naiiling s'yang nag ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto, nagpalinga-linga pa ito upang hanapin ang kanyang ina ngunit hindi matagpuan ng kanyang mata kaya lumabas na ito ng bahay at pumara ng taxi.

"Kuya, sa Red Club nga po." Sabi niya sa taxi driver at agad naman ayong tumango. Marahil ay alam nito kung saan ayon kaya hinayaan lang nya si manong kung saan ito dalhin.

Agad naman silang nakarating sa sinabing lugar at halos mamangha si Sam sa nakikita, sa labas pa lang ng Club ay halata mong hindi lang basta-basta ang may ari nito.

Tsaka ganito kaaga ay bukas na agad ang bar?

"Sino po ang hanap ma'am." saad ng nagbabantay sa labas ng club.

"Justine." Sagot ko, hindi ko rin naman kasi alam ang apelyido nito.

"Last Name? Maraming Justine ang nasa loob Ma'am." Sabi pa nito kaya napakamot sya sa kanyang ulo.

"Pwede bang pumasok na lang ako?" She asked at tiningnan sya ni kuya mula ulo hanggang paa.

"No, because you're pregnant." Sagot pa nito at itinuro ang nasa gilid ng pinto na hindi allowed ang buntis dito.

"What's the problem?" A manly voice interrupts.

"Gusto nyang pumasok sir, at hinahanap ang pangalang Justine." Saad ng lalaki sa bagong dating.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon