CHAPTER 42

49 2 0
                                    

     Kahit na naguguluhan ay mas pinili ko ang tumalikod at hindi sila lingunin. Naglakad ako palayo sa kanilang pwesto at hinanap si Christine. Iwinakli muna ang nasa isip bago tahakin ang patungo sa cr dito sa mall at naabutan ko ang sumisigaw na si Christine mula sa loob ng isa sa mga banyo doon.

Hindi talaga siya makakalabas dahil sa map na nakatuon sa hawakan ng pintuan.

"Oh God!" Bungad sa akin ni Christine na halos na iiyak na. "Sorry kung pinaghintay kita Sam." Dugtong pa nito sa akin ngunit niyakap ko lang siya at inalo dahil sa kanyang tuluyang pag iyak.

"It's okay, bakit ka ba nakulong dito?" Tanong ko.

"Diba sabi ko iihi lang ako, then narinig ko na may pumasok so akala ko ibang tao lang din na mag ccr pero agad din silang lumabas." Paliwanag niya sa akin, ako naman ay inalalayan siya sa paglabas. "Pero ang ganda mo sa wig mo, bagay." Hindi naman maiwasan na mapatawa dahil sa komento niya.

"Nasa ganyang ka na ngang sitwasyon nakuha mo pang pulaan ang wig ko." Natatawa kung sabi naman.

Imbis na makapasok pa ako sa cafe ay minabuti kung tawagan na lang si Ma'am Carmen upang sabihin na hindi na talaga ako makakapasok at kinabukasan na lang. Niyakag ko naman pauwi si Christine ngunit tumanggi ito at gusto raw bumawi sa akin kaya heto ang ending, nag uuli pa kami sa loob ng mall at pinagsawalang bahala ang tagpo na nangyari kanina.

"Sam." Tawag niya sa akin habang ako'y namimili ng damit.

"Hm." himig naman na sagot ko.

"Mahal mo pa ba si kuya?" Natigilan naman ako sa naging tanong niya sa akin at agad siyang nilingon. Namimili rin ito ng damit kagaya ko ngunit tumigil din ng maramdaman siguro ang hindi ko agad pagsagot at tiningnan ako. "Natanong ko lang naman." Ngiti na dugtong niya sa akin.

"I know why you asked me like that." Natatawa kung sagot. "You're in love with him." dugtong ko pa.

"Kay kuya? Ako? Magkapatid kami Sam." mabilis na sagot niya sa akin ngunit mas napatawa ako sa kanyang itsura.

"Hindi, baliw ka talaga. I mean kay Justine." Sagot ko at halata na ngayon ang pamumula ng kanyang dalawang pisngi at ang pag iwas ng tingin niya sa akin.

"H-hindi ah. H-hindi ako mag kakagusto s-sa lalaki na 'yon." Pagtatanggol pa niya sa kanyang sarili ngunit mas pinili ko na lang ang hindi sumagot dahil alam ko naman na itatanggi lang din niya.

Nakapamili lang naman kami ng ilang damit hanggang sa mapagpasyahan ko na paunahin na lang si Sam at maisipan na dumaan sa cafe.

Wala lang parang ang sarap lang kausap ni Ma'am Carmen, nakakagaan ng pakiramdam na masayang ulit-ulitin na kausapin ito even though may pagkakahawig sila. Nah! Nevermind.

"Magagalit talaga sa akin si Kuya kapag hinayaan kita mag isa." Nakangibit na sabi ni Christine sa akin habang kami ay nandito sa parking lot ng mall.

"Dadaan lang akong madali sa cafe na pinagtatrabahuhan ko, tsaka alam ko na naman ang daan pauwi." Nakangiti ko pang sagot bago hinintay na makasakay ito ng kotse kahit bakas ang pagdadalawang isip sa kanyang mga mata at tinanaw ang sasakyan na umalis.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng parking lot at pumara ng taxi.

"Ayos lang po ba kayo ma'am?" Tanong sa akin ng taxi driver. Tumango naman ako bilang tugon at marahil ay nakaramdam si manong driver ay hindi na ito muling nagtanong pa. Hanggang sa makarating ako sa cafe na aking pinagtatrabahuan at pumasok doon.

"Ma'am Carmen!" Tawag ko mula sa hindi kalayuan sapat lang para hindi makaagaw pansin sa mga tao sa loob. She waves her hand at me bago ganun din ang ginawa ko., ngumiti siya ng pagkakatamis sa akin bago itinuro sa akin ang bakante na upuan sa isang sulok. Tumango ako bilang sagot kanya.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon