CHAPTER 7

114 2 0
                                    


  Hindi ako mapakali sa pwesto dahil sa presensya ng tao na hindi ko inakala na makikita ko ulit. Sa lahat ng pwede naming puntahan ni Judd ay dito pa talaga?

Akala ko ako na ang isa sa pinaka swerte na babae sa balat ng lupa kasi nasolo ko ang mismong asawa ko dito sa isa sa mamahaling restaurant at kasabay na kumain. Ngunit mali ako, sadyang pinagkaitan ako ng tadhana.

Hindi talaga dapat tayo magsaya o matuwa sa isang bagay dahil babawiin din ito agad at doble pa ang sakit.

"You two stayed together?" Patanong na sabi nito, ngunit hindi ako umimik at nanatili lamang na nakatungo, nakatingin sa pagkain habang bahagya na ngumunguya.

Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain, dahil pakiramdam ko ay hinuhusgahan na ako ni Kassy sa paraan ng bawat pag tingin niya sa akin. Parang unti-unti nitong binubuklat ang buo kung pag katao para pulaan at may masabi sa akin.

"When have you been back?" Napa angat ako ng tingin dahil sa pag iiba ni Judd ng usapan, halatang ayaw niyang mapag usapan ang tungkol sa amin.

Dahil sino ba naman ako upang ipag malaki niya? Asa ka naman Samantha.

"I need to fix something." She said at bahagya itong ngumiti at lumingon sa akin.

"Ahh." Sagot lang ni Judd.

"Gusto ko lang ibalik kung ano ba ang dapat sa akin." agad nitong sagot muli na nakapag patigil sa akin.

Binigyan ko ito ng tipid na ngiti. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya, kung ano ang ibig nitong sabihin at sana mali ang hinala at nasa isip ko. Pero mukhang sa pagkakataon na ito ay tama ang kutob ko, hindi rin naman ito basta basta magpapakita lang kung walang ibang pakay dahil basta lang din ito umalis noon ng hindi man lang nagpapaliwanag o dininig ang side ni Judd.

Naglaho na lang din ito ng parang bula kaya ganito ang naging impact ng kanyang kinahinatnan sa kamay ni Judd.

"I'm just going to the bathroom. Excuse me." Yun lang ang nasabi ko at kumuha ng tissue sa gitna ng table bago pinunasan ang labi at nagmadali na tumayo at sinukbit ang slingbag na dala.

I held back the tears that wanted to escape in my eyes. Lakad at takbo ako na lumabas ng restaurant, narinig ko pa ang pagtawag ni Judd pero hindi ko yun pinansin.

Kulang nalang ay lamunin ako ng lupa dahil sa kagagahan, mali yung dinaanan mo Veron! Sa cr ka pupunta hindi sa kung saan!

Hindi ko din alam pero ang sakit parin, hindi ko magawang sanayin ang sarili pero siguro iba talaga kapag yung taong mahal mo na ang kaharap mo. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kasabik si Judd kay Kassy. The way he looked at her, parang walang nangyari sa nakaraan.

Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon, I even looked at Judd who had a dark aura as he shook his head while looking at me.

Alam ko na galit na galit na naman ito at hindi malabo na saktan na naman ako mamaya kapag nakauwi ito sa bahay. Ganon naman kasi palagi, konting pagkakamali ko ay kanyang palalakihin hanggang sa pagbuhatan nito ako ng kamay.

"Kung ngayon nahihirapan ka, darating din ang araw na mawawala ang paghihirap mo at magiging masaya ka." Napalingon ako kay manong ng bigla itong magsalita, hindi ako kumibo o nagsalita bagkus ay nginitian ko lamang ito.

Buti pa si manong nararamdaman ang mabigat na dinadala ko. Pinahid ko ang luha na umalpas sa mga mata ko bago huminga ng malalim.

"Keep the change po, manong." Magalang na sagot ko at tumango naman ito bago magpasya ako na bumaba.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon