CHAPTER 2

163 5 0
                                    

   Paulit-ulit na bumabalik sa aking ala-ala kung saan nag-umpisa ang lahat. Simula sa kung paano kami nagkakilala.

"Hi." A baritone voice interrupts while I'm busy talking with my classmates.

Nung una hindi ako humarap dito dahil baka hindi ako ang kinakausap niya. Ngunit isang kulbit ang naging dahilan upang humarap ako sa gawi ng nagsalita at isang magaan na ngiti ang sumalubong sa akin.

Gwapo, matangkad, maputi, may makapal na kilay at makapal at mahabang mga pilik mata, may mapupulang labi na natitiyak kong kinahuhumalingan ng kababaihan.

"Hello," I replied and I smiled at him.

"Can you be my friend?" He asked, at walang ibang ginawa ang aking mga kaklase kundi ang tuksuhin kami.

Napailing ako at napatawa kaya tumango nalang ako.

Hindi ako yung tipo ng babae na maarte, just go with the flow. Hindi porket panget iiwasan na, lahat pantay pantay sa paningin ko. But like I said earlier, his handsome.

"Of course," I answered.

"I'm Samantha but you can call me, Sam." Nakangiti kong dugtong.

"Judd." He said at ngumiti ulit ito ng sobrang gaan. Ngiti na siyang nakakagaan ng problema.

-----

Siya ang unang lumapit, siya ang unang nangulit.

Pero heto ako ngayon, ako yung pilit na ipinipilit ang bagay na hindi naman dapat.

Pero kasalanan ko ba bilang babae ang mahalin siya? Ang mahulog ang loob ko sa bawat kilos niya?

Minsan talaga hindi ko na lang maintindihan kung hindi ko lang ba nakita noon ang tunay na ugali niya o ganito na sya sadya noon pa. Magulo at pabago-bago.

And now I'm standing near at the veranda dito sa taas ng kwarto namin, habang humihigop ng kape.

Huminga ako ng malalim nang may katamtamang lakas ng hangin ang sumimoy at tumama sa balat ko bago niyakap ang sarili.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong ka presko na hangin, pero kailan din kaya gagaan ang aking nararamdaman sa bahay na ito? Presko ang hangin, pero daig pa ang bilanggo.

I heard a voice at alam kung boses ito ni Judd, sumilip ako sa baba at ang marahan na paglalakad ni Judd ang nasubaybayan ko habang nakatalikod sa gawi ko.

Tinititigan ko lang si Judd na abala sa pakikipag usap sa kung sino sa phone niya at kunot ang makakapal nitong kilay at hindi maipinta ang buong mukha.

Mas naging matikas ang pangangatawan nito ngayon kaysa noon, kahit ang paglakad ibang-iba sa noon at tinangay ng pag-iiba nito ang

pagbabago ng ugali niya pag dating sa akin. Napa buntong hininga ako.

Siguro may kung ano na naman ang nangyari sa kompanya kaya ganyan kasama ang kanyang mukha. HIndi na rin ako magtataka kung mamaya ay ako na naman ang pagpupuntunan ng galit niya.

Napapaisip din naman ako.

Kung bakit minahal ko s'ya when I was supposed to be just a friend?

Why did I consent to this marriage?

Kung bakit nga ba ako pumayag na matrap sa malaking bahay na ito na halos ako lamang din ang tumatao.

Hanggang kailan ako magtitiis upang makabayad ng kasalanan ko sayo Judd? Ganun ko ba talaga nasira ang kasal na plinano mo?

Mas lalong umaasa ako sa inasta nito, ngunit paraan lang niya pala 'yon para saktan ako dahil noong araw na kinilig ako sa kanya dahil gumising ako na maayos ang bawat litrato na sinira ko, may nakahandang pagkain sa hapag na s'ya pa mismo kuno raw ang nagluto pero hindi naman pala kasi nakita ko 'yong plastic ng pinaglagyan nito sa basurahan.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon