Ilang araw na ang lumipas simula noong birthday ng anak ni Judd at Kassy. Wala akong ibang ginagawa kundi ang mag pauli-uli sa loob ng aming bahay. Wala rin naman kasi akong lakad kaya no choice kundi ang tumambay lang muna dito.
Napagpasyahan ko rin kasi na ulukan si Justine na lumipat muna kami sa bahay namin dati at pumayag naman s'ya. Mas ginusto ko na dito na lang muna kami kahit pansalamantala dahil kapag nakamit ko na naman ang gusto ko para sa mga magulang ko ay may kanya din namang daan na gustong tahakin si Justine, kaya hindi ko na s'ya kailangan pang harangan para doon.
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung paano ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko, at hindi rin ako naniniwala na patay na ang anak ko.
Lahat naman siguro ng ina ay iisipin o mananalangin na buhay ang kanilang anak lalo't sa ganitong mga pangyayari, di'ba?
Pero 5 na buwan pa lang noon ang baby bump ko, hindi malayo na patay na nga ito pero sana may puso si Judd ng mga araw na yon at nagawan ng paraan. Pero malabo parin, kahit 5 % umaasa ako na buhay si Shayla, dahil ilang araw ko na rin itong napapanaginipan.
The next morning, dahil sunday naman ngayon ay napagpasyahan ko na bisitahin ang puntod ni mommy at daddy, pati na rin ang kay baby Shayla.
Ako lamang mag isa dahil wala si Justine at kailangang bumalik ng US dahil may inuutos rito si Tita Josephy, ang kanyang mommy.
Agad akong naligo at nagbihis bago agad rin umalis ng bahay tsaka nag para ng taxi.
"Manong dito na lang po ako." Magalang na sabi ko sa driver at agad naman itong gumilid sa daan at tumigil. "Keep the change nalang po." Nakangiti ko pang pahabol na sambit.
"Maramng salamat po, ma'am." balik nitong sabi sa akin.
Tumango lamang ako bago bumaba na sa sasakyan. Pagkababa ko ng sasakyan ay humampas sa mukha ko ang hindi kalakasan na simoy ng hangin, mukang uulan na naman dahil sa dilim ng kalangitan.
Pakiramdam ko ay sa tuwing pupunta ako dito sa puntod nila ay kasunod ng pag iyak ko ang malakas na ulan. Marahil ay nakikisabay ito sa lungkot ng aking buhay.
Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa puntod ng aking mga magulang ay may napansin akong pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nakasuot ito ng kulay itim na t-shirt at jeans meron din itong cap sa ulo n'ya habang nakayuko sa harap ng puntod ng kanyang anak at magulang.
"What are you doing here?" I asked. Sa lahat ng lugar na pwede kaming magkita dito pa talaga?
Paano n'ya nasisikmura ang magpunta dito gayong siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang kanyang magulang at anak?
"Bumibisita lang." Simple nitong tugon sa akin.
"Wala kang karapatan, Judd." Mapakla kong sabi dito.
Rinig ko ang paghinga nito ng malalim bago nag salita. "Samantha." Yon lang ang lumabas sa bibig nito.
"Umalis kana. Wala akong panahon para makipag usap sa kagaya mo, mamamatay tao." Sigaw ko sa pagmumukha nito at bakas sa mukha ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.
Ibinaba ko ang bulaklak na dala at inalis naman ang maliit na bouquet ng bulaklak na nasisiguro ka na siya ang may dala nito. "Sobrang kapal na ng mukha mo para bumisita pa sa puntod ng magulang at anak ko kahit ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito." Nanginginig ang aking labi habang sinasabi ang mga kataga na ayon.
"Do you think na ginusto ko ang lahat?" Pinunasan ko ang luha na namamalisbis sa aking pisngi bago umayos ng tayo at humarap dito.
"Kung hindi mo ginusto bakit maayos ang pamumuhay mo ngayon? Masaya kasama ang bago mong pamilya. T-tapos ako heto, hanggang ngayon iniisip kung paano mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila!" Mahinahon pero may diin na sikmat ko dito. Napailing nalang ako dahil sa pagsikdo ng puso ko.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...