CHAPTER 50

70 1 0
                                    

     Isang linggo ang lumipas na maayos at tahimik ang aming pamumuhay ni Judd. Walang Kassy at Jacob na nagpapakita ngunit hindi ko naman maiwasan ang mag alala para kay Kassy kahit na may nagawa itong mali sa akin sa nakaraan.

"I fired Doc. Sugie." Bungad ni Christine ng makalapit ito sa aming pwesto dito sa maliit na kubo sa harap ng bahay.

"Why did you do that?" Hindi makapaniwala na tanong ni Tita Jasmin sa kanyang anak. "Lahat naman ng tao nagkakamali." sunod na sabi pa nito.

"Look, halos lahat tayo ay mag alala sa sakit ni Sam tapos wala naman pala talaga siyang sakit." Nai iling na sagot pa ni Christine.

"Deserve." Anang boses ni Judd kaya agad ko naman itong siniko. Pasimple pang nagpunta sa may likod ko si Judd at niyakap ako. Hindi naman maiwasan na mapangiti ako dahil sa sweet gesture niya na ginagawa sa akin.

Yung akala ko na hindi ko na mararamdamang muli ang maging masaya sa piling ng tao na talagang hinangad mo buong buhay mo. Pero heto na, nasa harapan mo na at lubusan kang pinapasaya, pinaparamdam na importante at ikaw lang ay sapat na. Ngunit hindi pa rin ako napapanatag hanggat alam ko na nandyan lang sa paligid si Jacob. Wala naman kasing ibang kaaway na bukod dito. Kung si Kassy naman ang pag uusapan ay naaawa na lang siya dito dahil sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

"Daddy, momii!" Tawag sa amin ni Shayla habang naglalaro sa harapan namin. Kumaway naman kaming pareho ni Judd at natawa.

"Let's eat!" Sigaw naman ni Christine at lumapit kay Shayla bago binuhat.

"Big girl na po ako, Tita Christine. Don't make me buhat, okay?" Kumunot naman ng bahagya ang noo ni Christine dahil sa sinabi ng bata.

"Baby kita forever kaya bubuhatin kita hanggat kaya kita." sagot pa nito kay Shayla kaya hindi maiwasan na mapailing na lang.

Napuno naman ng tawa ang buo naming hapag ng irapan ni Shayla ang kanyang Tita Christine. Wala na namang nagawa at hindi na nakaimik pa si Christine ng kulbitin ito ni Judd at sinamaan ng tingin.

Masaya naman kaming kumain hanggang sa matapos na kami at si Tita Jasmin na ang naghugas ng pinggan upang ma' exercise naman raw ang kanyang katawan at mas lumakas pa. How I wish na sana buhay ang aking mga magulang para makita kung gaano kami kasaya, kung gaano na kalaki ang apo nila. And Judd is expecting na magkakalaman na ulit ang aking tiyan in just one week and take note walang palya tuwing gawi ay lagi din kaming nag e' exercise.

"Momii, let's go to the park." Yakag sa akin ni Shayla habang nakaupo kami dito sa may kubo, si Judd naman ay nakahiga at nakaunan ang ulo sa binti ko.

"How about daddy? Hindi mo isasama?" Naka pout na tanong naman ni Judd sa anak namin.

Anak namin, ang sarap lang sabihin at pakinggan.

"Of course, kasama ka po. Also in amusement park, daddy I want there too!" Sabi pa ni Shayla sa amin.

Nakatinginan naman kami ni Judd at marahan itong tumango sa akin, na parang sa pamamagitan ng tinginan ay nagusap kami at nagkaintindihan.

"Go, princess and we're going to change your clothes." Bakas naman ang kasiyahan at ang kislap sa mga mata ng anak namin ni Judd. Ngayon ko lang na masasabi na basta sa kasiyahan ng anak at kaya naman nating ibigay ay go lang. Dahil ang kasiyahan na 'yon ay hindi mapapalitan ng kahit na anong bagay sa mundo.

Umakyat kami ni Shayla sa kwarto nito at doon ay aking binihisan. "Wow, dalaga na ang aking prinsesa." Nakangit kung pahayag. Umikot naman ng bahagya si Shayla dahil sa kanyang magandang bistida na suot.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon