"Yes, Victor you should see your grandchild. Kailan mo ba kasi balak magpunta dito."
"I know, I know. Miss ka na rin ng anak mo natitiyak ko."
"Okay, sure. Goodbye."
Hawak ang dibdib habang nakasadal sa pader, huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa sala suot ang malawak na ngiti ngunit isang pilit na ngiti lamang.
Pansin ko ang mga tingin sa akin ni Mommy Jasmin at tama nga ang sinabi ni Shayla na may nakakausap itong Victor na siyang kapangalan pa ng daddy ko.
"Sinong kausap niyo mommy? Mukang ang saya niyo po ah." Pansin ko na natigilan ang ginang at tumikhim pa muna bago nagsalita.
"Some of my closest friend, hija." Sagot niya sa akin at nag iwas ng tingin. Heto na naman ang puso ko na nag haharumintado dahil sa kaba, kaba na hindi ko magawang mapangalanan kung ano yun dahil pakiramdam ko ay merong itinatago si Mommy Jasmin.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
Nagtungo na lang ako sa hardin at doon naupo sa may kubo, umalis kasi si Shayla kasama ang kanyang Tita Christine at si Justine. Araw-araw na lang ay napapansin ko na palagi silang lumalabas mag-tita at syempre kulang na lang ay maghakot ng laruan ang bata pauwi dito sa bahay.
Tumigil lang din kasi ako saglit sa pag aayos ng gamit upang mauna ng mapadala doon sa bahay namin ni Judd. Inalagaan naman ayon ni Nay Loleng pero luma na ang mga pintura kaya mas pinaigi ko na baguhin yun once na makalipat na kami.
"Nay Loleng, napansin niyo po ba na lumabas si Judd?" Tanong ko sa matanda ng dumaan siya dito sa kubo at may kinuhang basahan.
"Naku hija ay parang siya ang napansin ko kanina na lumabas. Hindi ba nag paalam sayo?" Sagot niya sa akin at bahagya naman akong umiling. "Hindi po siya nagsabi eh." Sagot ko naman sa kanya. "Baka may pinuntahan lang saglit, hija. Iyo na lang hintayin." Sabi pa niya sa akin kaya tumango lamang ako bilang sagot.
Ilang minuto pa ako akong naghintay at nakita ko naman si Judd na mabilis na bumaba sa kanyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Mabilis rin namang lumabas ng kubo at sumunod kay Judd nakita ko siya sa may sala at nakabukas na rin ang TV.
Halos tumigil ang aking buong mundo sa nakita at ibinaling ang mga mata kay Judd na ngayon aay ang kanyang mga palad ay nasa kanyang mukha.
"Hindi ako ang may gawa." Rinig kung bulong niya. "I didn't do it. Hindi ako ang pumatay sa kanya." Bulong pa niya sa sarili at halata sa kanya ang pagkabalisa.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng may katamtamahang higpit, hinaplos ko ang kanyang likod upang siya ay pakalmahin.
"Shh, kumalma ka please husbie." Imik ko sapat lamang para marinig niya.
"Maniwala ka sakin wifey hindi ako ang may kasalanan noon." Sabi niya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumango.
Sa nakikita ko ngayon ay ibang-iba si Judd sa kanyang kinikilos akala mo'y hindi siya ang kaharap ko na matapang at anytime ay pwedeng pumatay kung gugustuhin. Ngayon siya'y naaktuhan sa scene para siyang tumiklop at takot na takot makulong.
Umakyat kami sa taas at doon ko pinagpahinga si Judd, halata na kulang siya sa tulog at mukang hindi rin siya nakatulog ng maayos kagabi.
Patay na si Ma'am Carmen, si Judd ang naaktuhan sa pangyayari sa pagkamatay nito at mas lalong ako ay hindi ko kayang paniwalaan na nagawa yun ng asawa ko sa kapatid ni Kassy dahil walang dahilan para gawin yun ni Judd.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...