CHAPTER 54

52 1 0
                                    

     Nagising ako dahil sa kaluskos na naririnig mula sa labas. Sa pagmulat ng aking mata ay dilim agad ang bumungad sa akin kaya kinapa ko naman ang lamp sa may side table.

Chineck ko pa ang aking cellphone kung anong oras na at alas syete na pala ng gabi. Masyadong napahaba ang aking pagtulog at hanggang ngayon ay wala pa rin si Judd sa aking tabi.

Ipinilit ko naman ang sarili na maisakay sa wheelchair bago napagpasyahan ang lumabas ng kwarto kahit mabagal at mahirap. Ngunit naisip ko rin na mahihirapan ako sa hangdan at baka mausisa pa ay mahulog lamang ako at mabalian na naman.

"Mommy!" Tawag ko ngunit wala namang sumasagot. Madilim at halos hindi ko makita ang nasa baba ng hagdan. "Judd!" Tawag kung muli ngunit halos magitla naman ako sa presensya ni Bryle.

"Saan ka galing? Bakit ka nandito? Nasaan sila mommy at Shayla?" Madami kung tanong kay Bryle bagkus hinawakan lang niya ang aking likod upang alalayan. Binigyan rin niya ako ng sapat na pwersa upang makatayo at inakay pababa ng hagdan. "Saan ba tayo pupunta? Pwede bang umimik ka naman?!" Sikmat ko at narinig ko lamang ang mahina niyang pagtawa hanggang sa makababa kami ng hagdan.

Bigla naman akong napahawak kay Bryle ng biglang bumukas ang ilaw kasabay ng putukan. Bahagya pa akong napapikit at sa muling pagmulat ng aking mata ay si Shayla ang una kung nakita. May ngiti siya sa kanyang labi bago lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Iginaya pa ako ni Bryle sa sofa at pinaupo doon.

"Hi sa pinakamagandang momii sa whole world." Hinaplos naman ang aking puso sa imik ni Shayla.

"Ano na namang plinano niyo ni daddy?" Nakangiti kung tanong pero malakas na humagikhik ang bata.

"Napalingon pa ako ng marinig ang pagbukas ng pintuan at nakita doon si Judd, maayos ang tindig at may dalang isang bungkos ng rosas. Napatungo naman ako at napakagat sa aking labi dahil sa kilig na nararamdaman.

Para tuloy akong isang teenager na kinikilig dahil pinansin lamang ni crush. Kusa na lang nagbadya ang aking luha ngunit pinilit ko ayong pinigilan hanggang sa makarating na si Judd sa aking pwesto.

"Why are you crying wifey?" Halata ang pag aalala sa kanyang mga mata. Pag aalala na anytime ay parang maiiyak na rin si Judd dahil sa nakikita.

Si Judd na akala ko noon ay hanggang kaibigan ko lang, na hanggang asawa ko lang sa papel na hindi ako kayang mahalin. Pero tingnan mo naman ngayon akala mo ako'y isang ginto na kanyang iniiangatan at hindi pwedeng saktan o hawakan ng kahit na sino.

Umiling ako ng bahagya bago pa naka sagot sa kanya. "Masaya lang ako." Sagot ko at natawa naman siya sa aking sinabi.

"Kahit hindi ka nakakalakad ng maayos, masaya ka pa rin?" Tanong pa niya sa akin.

"Oo naman, dahil sa wakas maayos na ang pamilya natin kahit na hindi pa tapos at hamon ng tadhana para sa atin hinihiling ko pa rin ang kalakasan at katatagan ng isa sa atin upang makamit natin ang tagumpay sa laban na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin matapos-tapos." Paliwanag ko at tinitigan lang niya ako sa mukha na akala mo'y kinakabisado ang bawat parte noon na anytime ay pwedeng mawala sa kanya.

Kinuha ni Judd ang aking kamay at dinala ayon sa tapat ng kanyang labi bago hinalikan. Ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa akin habang may supil na ngiti sa kanyang labi.

Naramdaman ko ang mainit at maliit na kamay na humahaplos sa aking likod. Tinatapik ng bahagya ni Shayla ang aking likod tanda ng pagpapatahan. Niyakap ko naman ng mahigpit si Shayla pati na rin si Judd.

"I promise that I will be a great dad in a whole world, sabay nating palalakihin ang ating mga anak at hindi na maghihiwalay pang muli." Sabi ni Judd at niyakap kaming mag-ina ng may katamtamang higpit.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon