CHAPTER 30

99 2 0
                                    

Nagising ako at bumungad sa aking mga mata ay ang puting kisame, ilang beses pa akong napakurap bago inilibot ang paningin sa kabuuan. Tumama ang aking mga mata sa lalaki na nakahiga sa upuan doon, mahimbing ang pagkakatulog at may ilang sugat sa mukha.

"J-justine." imik ko ngunit hindi ito agad nagising.

"J-Justine." Bigo pa rin ako sa pagtawag dito sa padalawang beses.

I was immediately distracted ng magbukas ang pinto at lumabas doon ang lalaki na hindi ko inaasahan na makikita. Suot nito ang tipid na ngiti sa labi habang may bitbit na basket na naglalaman ng iba't-ibang uri ng prutas.

"W-why are you here?" Mahinang boses na tanong ko.

Humakbang naman ito palapit at nilagay ang basket na dala sa side table malapit sa hinihigaan ko.

"Does anything hurt? Tatawag ba ako ng doctor?" Magkasunod na tanong n'ya sa akin. Halata sa mga mata nito ang pag aalala kaya umiling naman ako at nakita ko ang paghinga niya ng maluwag.

"Bakit ka nandito?" Mahina pang tanong ko.

"He saved us, Sam." Napalingon naman ako sa gawi ng may magsalita and that is Justine who is sitting properly now and still with his arms crossed. "You painted, at wala akong choice kundi ang tawagan s'ya upang maligtas tayong dalawa. Mahal ko pa ang buhay ko syempre." Hindi ako makapaniwala sa narinig.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil naligtas kami o dahil maiinis kasi buhay lang niya talaga ang inintindi nito.

Kung hindi lang masakit ang katawan niya ay masisipa ko talaga sa mukha ang lalaki na ito, so buhay lang n'ya talaga ang inintindi n'ya? Tanong ko sa sarili.

"Humanda ka talaga sa akin kapag nakabangon ako dito." May diin ko na sambit at inirapan sa kawalan si justine na ngayon ay may ngiti sa labi.

Tumayo naman at humakbang palapit si Justine bago tinapik ang braso ni Judd. "Ikaw na ang bahala par." did I hear him whisper or did he just let me hear it?

"Don't leave me here, Honey." Kinakabahan man habang may diin ang huling salita.

"Don't worry, Honey. Alam naman niya ang lahat." Halos mag rambulan ang braincells ko sa utak ng marinig ang sinabi nito.

Pinaglaruan lang ba nila ako?

"Justine! Bumalik ka dito!" Sigaw ko at ang loko ay nag wave pa ng kamay bago isara ang pintuan.

"See you later, Honey." Natatawa pa nitong salita na dinig na dinig ko mula sa labas pati ang pag hagalpak nito ng tawa.

Anong gagawin ko ngayon?! Paano na ang lahat ng luha na nailuha ko? Masasayang lang? Ang aking plinano na palpak pala kasi ang isinama ko sa pagpaplano ay naisahan din ako.

Halos isumpa na niya si Justine sa kanyang isip sa mga oras na ayon. Tiningnan lang niya si Judd na prenteng nakaupo malapit sa hinihigaan n'ya.

Agad naman akong tumalikod sa pwesto nito dahil sa totoo lamang ay hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng hiya sa mga oras na ito.

Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako, hindi man lang sila nag bigay ng sign para naman maging handa ako. Yung kaisa-isa na pinagkatiwalaan ko ay lolokohin lang din naman pala ako.

"Can you face me? Ganon na ba ako kapangit para talikuran lang?" Napakagat ako sa labi ng magsalita si Judd.

"Puwede ka naman kasing umalis." Maarte ko na sagot. I'm ashamed of him, why? E sino bang hindi mahihiya kung ang lahat ng pagpapanggap ko simula noon ay alam pala ng lalaki na ito?

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon