CHAPTER 47

49 2 0
                                    

     Masaya niyang pinagmamasdan ang kanyang anak na si Shayla habang nakaupo sa isang maliit na sofa at naglalaro ng laruan na kanyang dala-dala.

Gabi na sa labas at napagpasyahan niya ang umuwi na. "Ayaw mo bang magpalipas muna ng gabi dito?" Tanong sa kanya ng kanyang tiya Jasmin.

Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung didito muna o hindi. Ngunit kalaunan ay pinigilan siya ng kanyang anak na gusto siya nitong makatabi na matulog.

Itinext niya din si Luigi na pumasok dito sa loob kapag naka tyempo na wala na si Jacob.

Mukha kasing nagkakasundo ang dalawa at hindi na magtataka si Samantha kung pati si Luigi ay makaaway niya.

"Saan siya natuloy ngayon?" Tanong niya kay Luigi.

"Medyo malayo naman mula rito at doon kami nagpunta kanina." Seryoso niyang sabi. "May pupuntahan ito bukas ngunit hindi niya nasabi kung saan. And I heard him talking someone at his phone at may nabanggit na pangalang Julius." Natigilan naman siya sa sinabi ni Luigi.

"Julius?" Paninigurado pa niya.

"Yes, at mukang galit na galit." Kumalabog naman agad ang kanyang dibdib sa sunod nitong sinabi.

"Seryoso ka ba diyan?" Paninigurado pa niya at tango naman ang naging sa kanya ni Luigi.

"Bago ka matulog. I park mo sa harap ng bahay ang kotse. Iuuwi ko sila bukas sa aking bahay. Then sundan mo si Jacob at alamin lahat. Baka kasi malusutan tayo at makita kami." Kinakabahan niyang pahayag. "This is the money, daan mo na lang sa bahay bukas ang kotse." Inabot naman ni Luigi ang iniabot niyang pera.

"Ayaw mo ba na iparabaho siya sakin." Napatitig naman siya dito at nag isip pa bago muling makabawi at muling nagsalita. "Ayoko ng madamay ka pa sa gulo ng buhay ko. Once na maiuwi ko sila sa bahay tapos na ang trabaho mo." seryoso niyang sabi bago tumayo at umalis na sa harapan ni Luigi.

Parang may kakaibang nararamdaman si Samantha sa ikinikilos ng lalaki. Para kasi itong may alam sa mga nangyayari sa kanyang buhay o sadyang guni-guni niya lang ayon. Ayaw rin naman niya na mas dadami pa ang nanghihimasok sa kanyang buhay at may madamay pa kapag nag kamali sila ng hakbang.

Sinulyapan naman niya ang kanyang tiya Jasmin na mahimbing ng natutulog sa maliit na sofa sa loob ng kwarto. Mukang pagod ito at kulang sa tulog kakaalaga sa anak nila ni Judd.

Ang hirap lang talaga isipin at paniwalaan na nangyayari ang lahat ng ito sa kanilang buhay ngayon. Pero konting tiis na lang at matatapos din ang lahat ng ito.

Tumabi siya sa pagkakahiga kay Shayla ng bigla itong gumalaw at humarap sa pwesto niya. Mumukat-mukat naman ang bata na siya'y tiningnan at kumawala ang magaan na ngiti sa labi ni Shayla.

"I miss you mommy." Napakurap naman siya sa sinabi ng kanyang anak. Nag alpas naman ang masaganang luha sa kanyang mga mata at parang may kung anong humaplos sa kanyang puso ng marinig ang maliit na tinig mula sa kanyang anak. "I miss daddy too. "Parang may bumara naman sa lalamunan ni Samantha ng banggitin nito ang ama.

Hindi naman maikakaila ni Samantha ayon sa bata dahil sa si Judd ang kasama nitong lumaki at hindi siya.

"Makikita mo rin ang daddy mo, soon." Naka ngiti niyang sagot at mahigpit siyang niyakap ni Shayla. Ginantihan niya ito ng isang katamtamang higpit ng yakap bago nahulog sa mahimbing na pagkakatulog.

MAAGANG nagising si Samantha, sa pagmulat ng kanyang mata ay hinagilap agad ng kanyang mga mata si Shayla na ngayon ay wala na sa kanyang tabi. Agad siyang nagsuot ng sandals at lumabas na ng kwarto. Nakarinig pa siya ng iilang munti na tawa hanggang sa siya ay nakarating sa kusina.

"Lola, stop!" Tumatawa na sabi ng kanyang anak.

"Oh, hija. Gising kana pala. Halika at magkape." Yaya sa kanya ng kanyang mommy Jasmin.

Minsan kasi ay trip sadya niya na tawagin itong tiya o mommy sa isip niya. Pero kapag kaharap ay sadyang mommy Jasmin ang kanyang bigkas.

"Napansin niyo po ba si Luigi?" Hindi naman niya maiwasan na tanong.

"Ay oo, may ipinapagawa ka daw sa kanya." Sagot pa sa kanya nito.

"Marami po ba kayong gamit? Halina po kayo at i impake natin." Naguluhan naman ang kanyang mommy Jasmin na napatingin sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong pa nito sa kanya.

"Mas mabuti pa sa, sasakyan ko na lang ipapaliwanag mommy. We need to hurry." Kinakabahan pa na sabi niya dito.

Nagpasalamat naman siya dahil agad namang sumunod ang kanyang titaa Jasmin sa kanya. Ngayon ay lulan sila ng sasakyan at tinatahak ang daan pauwi sa bahay ni na Samantha.

"Kabilin-bilinan ni Judd na wag kaming aalis sa lugar na ayon dahil baka makita kami ni Kassy." basag naman ng ina ni Judd sa katahimikan. Ngayon si Shayla ay mahimbing ng natutulog habang nakaunan ang ulo sa hita ng kanyang lola.

"Kailangan niyo po siguro kausapin muna si Judd, pero huwag muna ngayon." Sagot niya habang nakatutok ang mga mata sa dinadaanan. "Ang importante po sa ngayon ay maialis ko kayo sa lugar na ayon." Dugtong pa niya at nakita nalang niya sa mirror na napalunok ang matanda sa kanyang sinabi.

Dahil ang totoo niyan ay kinakabahan din siya habang nag mamaneho, na baka masundan sila ng kung sino mang tauhan ni Jacob kaya hindi na siya makaimik pa sa mga bagay na sinabi ng kanyng mommy Jasmin.

Nakahinga lang si Samantha ng maluwag ng mag park ang kotse sa garahe ng kanyang bahay. Agad silang pumasok sa loob at naupo sa sofa doon sa sala.

"Mommy, anong gusto mong kainin. Ipagluluto ko po kayo. Mabuti pa magpahinga muna kayo saglit at pakiliguan si Shayla para naman maging presko po ang inyong pakiramdam." Sabi niya sa ina ni Judd. "Malilintikan talaga sa akin si Judd dahil sa ginawa niya sa inyo." Napatawa naman ang matanda sa sunod niyang sinabi.

Nawala na rin ang pagtatambol ng kung ano sa kanyang dibdib, i tinext muna niya si Luigi na nakauwi na sila sa bahay ng maayos. Binuklat niya ang ref at sunod na nagluto ng sinigang na isa sa paborito ni Judd. Hindi rin naman niya alam kung ano ang paboritong pagkain ni Shayla kaya heto na lang ang niluto niya.

Naghahayin siya ngayon sa mesa ng makarinig naman siya ng doorbell. Chineck pa niya ang cctv at nanlalaki naman ang kanyang mga mata ng si Judd ang nakatayo sa harap ng kanyang gate.

'Ngayon na ba talaga agad?' hindi maiwasan na tanong niya sa isip. Kadadating lang ng mag-lola then magkikita agad sila?

Mabubuking siya pag nagkataon! 

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon