CHAPTER 61

61 1 0
                                    

     Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw.

"So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inilagay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya.

"But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang sasakyan.

Napayakap na lang ako kay Judd ng hindi ko na matanaw ang sasakyan ng aking ama. Inakay niya ako papasok sa loob ng bahay at iniakyat sa taas. Si Shayla naman ay natutulog na rin sa aming kwarto dahil sa pagod at pakikipaglaro sa kanyang lolo kanina, talagang inispoiled siya ni daddy dahil sa mga laruan na dala niya para sa kanyang apo.

"Ipagtitimpla lang kita ng gatas, wait me." Basag ni Judd sa katahimikan, hindi na niya ako hinintay na makasagot at lumabas na siya agad sa aming silid. Lumapit ako sa kama ni Shayla at marahan na naupo. Hinaplos ko ang kanyang buhok at bahagy na yumuko upang mahalikan siya sa kanyang noo. Bahagya siyang gumalaw at mumukat-mukat na iminulat ang dalawa niyang mata. "I love you, mommy." She uttered. "I love you too princess." Sagot ko bago tumagilid ng muli si Shayla sa kanyang pagkakahiga at nagsundo ng tulog.

I place my hand on my tummy and caressed it. Kapa ko na rin ang medyo matigas sa parteng puson ko at hindi maiwasan na mapangiti. Pipilitin at sisiguraduhin ko na magiging maayos din ang lahat, wala ng mawawala na kahit sino sa myembro ng aming pamilya.

Pagkatayo ko ay siya namang pagbukas ng pintuan at niluwa noon si Judd na may dalang baso na naglalaman ng juice gaya ng sinabi niya kanina. I smiled at him at nagkusa na ring lumapit sa kanya. Pero imbes na kunin ang dala niyang gatas na para sa akin ay yumakap ako sa matipuno niyang katawan. Bahagya pa akong tumingkayad upang manakawan siya ng halik sa kanyang mapupula na labi.

"Is there any problem?" He asked at bahagya naman akong umiling. Nag angat ako ng tingin sa kanya bago ngumiti, kinuha ko naman sa kanyang kamay ang baso na hawak niya at ipinatong yun sa side table. Kinuha ko rin ang aking cellphone at pinindot ang music bago pinatugtog ang isa sa mga paborito kung kanta.

Nakangiti akong lumapit muli kay Judd at yumakap sa kanya. Bahagya akong sumayaw na sinundan naman niya, niyakap ako ni Judd ng may katamtamang higpit pero may pag iingat pa rin upang hindi mapirat o mapwersa ang yakap niya sa aking tiyan.

"Pwede mo ba akong samahan husbie?" Tanong ko sa kanya sa pagitan ng aming sayaw. "Saan ka naman pupunta wifey?" Tanong naman niya sa akin. Nag angat ako ng tingin at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. "I want to hear his heartbeat." Nakangiti kung sagot sa kanya.

Kulang siguro ay langgamin kami sa kasweetan kahit hangin ay mahihiya na ring makiraan sa aming pagitan. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan ng aking asawa lalo na't nakasando ito.

"His?" taka na tanong niya sa akin. Nagbigay naman ako ng isang nakaka-loko na ngiti sa kanya. "Gusto ko kasi, boy version mo naman." Hagikhik ko na siya rin namang ikinatawa niya. "Okay then." He answered and claimed my lips.

KINABUKASAN ay nagising ako na wala na si Judd sa aking tabi, ultimo si Shayla ay wala na rin at marahil ay gising na sila at hinayan na nila akong matulog muna. Nilingon ko ang oras malapit sa pintuan at ng tingnan ko yun ay pasado alas dyes na nang umaga. Napagpasyahan na tumayo na at magtungo sa banyo to do my things.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon