CHAPTER 43

53 1 0
                                    

     Lahat ng pangyayari na dumaan at dadaan pa sa ating buhay, mahirap man o madali ay hindi natin dapat takasan, pwede naman tayong magpahinga ngunit paghandaan ang pagdating ng panahon na masasabi na nalagpasan natin ang lahat ng pagsubok na nagpahirap sa buhay natin.

Nagising si Samantha na ang puting kisame ang bumungad sa kanya. Marahan siyang kumurap ngunit ang mga katawan niya ay hindi niya agad maigalaw.

"Hey, are you okay?" Ani ng isang boses habang hinahaplos ang kanyang buhok. Nang tingnan naman niya ang lalaki ay hindi niya kilala kung sino ito.

"Christine, call the doctor now!" taranta na sigaw ng lalaki ngunit nananatili pa rin siyang nakatingin sa kisame.

Chineck siya ng doctor at tinulungan na makaupo. May ilang tao na nakapalibot sa kanya habang napukaw ng mga mata niya ang isang lalaki na maiging nakikipag usap sa doctor.

"Sino sila, doc?" Halata na natigilan ang lahat dahil sa kanyang sinabi.

"Sam. What are you saying?" Tanong sa akin ng isang lalaki.

"Me? I'm just asking, sino ba kayo? At bakit kayo nandito?" Naguguluhan niya na tanong.

"Shit!"

"God! Sam." Rinig niyang banggit ng ilan.

Napalingon naman ako sa lalaki na ngayon ay marahang naglalakad papalapit sa aking pwesto.

"Hey, wifey." Napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ng lalaki at marahan pa nitong hinaplos ang aking ulo. "It's me, Judd your husband." Dugtong pa niya at ako naman ay umiling.

Ngumiti ako ng tipid bago tumawa.

"Wala akong asawa." Imik ko at nakita ko pa ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. I look at the girl na halos maluha na. Nakayakap sa kanya ang isang lalaki na mariin ding nakatingin sa akin.

"Doc, paanong nangyari na hindi niya kami maalala?" Naguguluhan pa na tanong ng lalaki na nagpakilala sa akin na asawa ko raw kuno.

"Follow me, Mr. Harrison. Ipapaliwanag ko sayo." Rinig ko pang sabi ng doctor at lumabas sila ng pinto. Hindi naman ako nag abala na lingunin ang ilang titig na binabato nila sa akin. Marahan kung inabot ang tubig na nasa side table malapit sa hinihigaan ko ng tulungan ako ng isang babae.

"I'm Christine." Imik niya kahit hindi ko naman tinatanong ang kanyang pangalan. Ipinagsalin niya ako ng tubig sa isang baso bago iniabot ng maayos sa akin.

"Thank you." Sagot ko lang bago ininom ayon. Hindi na siya muling umimik pa kaya nanatili na lang akong tahimik.

Ayokong gawin pero kailangan, sa ngayon ito na lang ang tanging paraan na kailangan ko upang kumilos at tapusin na ang nasimulang gulo walong taon na ang nakakalipas. Nakakapagod at nakakasawa na sa tinagal ng panahon ay hanggang ngayon hindi pa rin nasusolusyunan ang aming problema. Ang masama pa nito ay nakatakas si Jacob.

Yes, tandang-tanda ko ang lahat at sorry na lang kung may masasaktan man ako dahil dito.

Muling pumasok si Judd habang ang mga mata ay nakatuon sa akin. Tinitigan ko siya pabalik at ipinakita ang pagkawalang interest at buhay kung mga mata. Kahit papaano ay ayokong mabuko.

"Nagugutom ka ba?" Bungad na tanong niya sa akin. Umiling naman ako at inirapan siya.

"Makakaalis na kayo, hindi ko kayo kailangan." Gumatla ang gulat sa kanyang mga mata na akala mo'y hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Hindi mo ba talaga ako naalala?" May pagsusumamo na kanyang tono na sabi.

"Umalis kana, pero kung gusto mo ako na lang ang mag aadjust. Ako ang lilipat ng room." Nakataas na kilay na ani ko. Halos maiyak siya sa aking sinabi base sa pangingilid ng kanyang luha at pamumula ng buong mukha. Agad naman siyang tumayo at agad ng lumabas. Sumunod naman sa kanya ang dalawa ni Christine at Justine.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon