CHAPTER 17

86 3 0
                                    

     "Did you forget something?" Patay malisya kong tanong sa kanya at binigyan ito ng isang tipid na ngiti na nauwi sa ngiwi dahil hindi magkamayaw ang aking puso sa lakas ng tibok nito na akala mo'y lalabas na doon.

Nakita niya kaya?

Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti ito sa akin at tumango.

"Those papers." Saad ni Judd at inginuso ang kanyang desk bago nagtungo doon upang kunin yon. He even kissed me on the lips before he left his own office.

Napahilot ako sa nuo at ikinalma ang sarili pinaniwala na wala lamang ang lahat ng ayon. Pero kung makikita ang itsura ni Judd kanina habang nakatingin sa akin ay pakiramdam ko na gusto na nito akong kainin ng buhay o sadyang guni-guni ko lang? Pero bakit pakiramdam ko na kanina pa siyang nakatayo doon at hinayaan niya lang ako?

Erase that shit, Sam!

Mahigit kalahating oras na akong naka upo sa sofa dito sa office ni Judd kung tutuusin ayoko ng mag uli sa loob ng office na ito dahil baka kung ano na naman ang makita ko, ng puntahan ko naman si Maricriss sa labas ay wala ito doon marahil kasama siya ni Judd o baka may pinuntahan lang saglit.

Maya't-maya namang sumasagi sa isip ko ang nakita sa secret room na ayon. Iniisip kung ano ang dahilan at bakit ito may ganong bagay dito sa loob ng kanyang opisina. Daig pa ang isang bahay kung ituturing ang loob noon, mula sa mga kasuotan at iba pang gamit na na angkop sa isang bahay. Nakakapagtaka lang na may mga armas na nasa loob noon.

"Ma'am, Sir Judd still has a meeting, and if you want to talk to him you have to set an appointment first."

"Tell him his girlfriend is here, now!"

"You can only talk to him when he finishes the meeting, and please sit in the waiting area first."

"Waiting area? I'm his girlfriend so I have to wait in his office. I will tell him to fire you. You don't fit here in Judd's company. "

Ilang boses ang na rinig ko mula sa labas, akmang lalapit na sana ako sa pintuan upang silipin ng bumukas ayon at iniluwa noon ang babae na ayoko na sanang makita pa, with a fake smile and his artistic aura. Akala mo'y nanalo sa lotto ang bruha.

"Well, you are here." Maarte na bungad niya ng makita ako. Halata ang pagka disgusto sa mukha nito at halata ang pagkagulat ng makita ako. Great actress, hindi maalam magpa halata.

"No, I just a replica." sagot ko at nakarinig ako ng hagikhik sa gilid at ng tingnan ko yon ay ang bungisngis na bungisngis na si Maricriss. Loka talaga ang babae na 'to.

"Bitch." Naiinis na sabi ni Kassy at nginitian ko lang ito. Mas bitch kasi siya kesa sakin.

Tiningnan ko naman ito mula ulo hanggang paa, nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Suot pa lang alam na niyang gusto lang nitong akitin si Judd, halos lumuwa na ang utong nito at tanging umbok lang ng pwet niya ang natatakpan ng manipis na tela. Mali yata ng pinasok ang bruha.

"Leave us Maricriss, we just have to talk." Taas nuo kong sambit at nag aalinlangan man ay nagpasya pa rin ito na lumabas pero bago yon ay sumenyas muna siya sa akin na nasa labas lang siya ng pinto at nakikinig.

Tumango naman ako bilang sagot.

Hindi naman siguro masama ang makipag sagutan sa bruha na ito lalo't nasa tama ako. Pero kung maari ay sana usap nga lang ang mangyari. I have rights na ipaglaban kung ano ang akin.

"Nakalabas ka na pala sa kulungan mo."

Bahagya akong napatawa sa sinabi ni Kassy. Maka kulungan naman, at least walang ipis.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon