CHAPTER 57

45 1 0
                                    

     Si Judd ang nag presinta na oorder ng aming kakainin. Ang ipinagtaka ko ay hindi ko siya matanaw man lang at kanina pa itong wala.

Kinakabahan naman ako dahil kahit saan ako lumingon pakiramdam ko ay may mga mata na nag mamatyag sa amin. Minabuti ko na lang na tabihan si Shayla sa kanyang upuan. Nanunood pa rin kasi siya sa kanyang tablet, nakipag exchange din ako ng upo sa kanya dahil siya ang malapit sa glass kung saan tanaw ang mga building at nag dadaaanan na mga tao.

Ilang minuto pa'y dumating na si Judd, daig pang dalawang pamilya ang kakain ng kanyang dala kasunod ang tatlo pang crew na may bitbit ding pagkain.

"Ang dami naman yata ng order mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Malay mo maubos natin." Simple na sagot niya sa akin.

Kumain lang kami hanggat kaya namin ngunit talagang madami ang order ni Judd kaya hindi namin ito naubos. Isang bata naman ang tumapat sa amin mula glass na aming pagitan. Umalis si Judd bitbit ang ilan sa aming pagkain at napangiti ako ng abutan niya ang bata ngunit hindi lang isang bata pala ang nandoon. Kundi may mahigit sampo na bata ang nagsilapitan kaya umorder ulit si Judd ng para sa iba pa.

Sa buong buhay ko ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Judd. Malapit siya sa bata at halata na nawiwili siya na samahan ang mga ito sa pagkain sa isang gilid kaya hindi ko na muna sila inabala at nagpatuloy kami sa pagkain ni Shayla.

Halos hindi makahinga sa kabusugan. Kulang na lang ay matulog ako sa loob ng Jollibee pagkatapos ng kain na ayon.

"May pupuntahan pa ba tayo?" Tanong ko kay Judd.

"Bakit may masakit ba sayo?" Agad niyang tanong, kanina pa kaming nasa byahe at hindi ko alam kung may dulo ba ang aming pupuntahan. "Pwede ka namang mahiga sa tabi ni Shayla doon sa likod, gigisingin ko na lang kayo kapag nakarating na tayo." Sunod pa niyang sabi.

Itinabi naman muna ni Judd ang sasakyan. Inalalayan pa niya ako na makalipat sa backseat. Ang backseat kasi nito ay pwedeng ihiga ang sandalan kaya makakatulog ka talaga lalo na kung mahaba ang byahe.

"Salamat husbie." Pasasalamat ko habang nakahiga at nagsimula na ulit siyang magmaneho.

Nginitian lang ako ni Judd at tuluyan na nga akong nilamon ng antok.

NAGISING ako dahil sa marahan na yugyog sa aking balikat. Sa pagmulat ng aking mata ay si Judd ang bumungad sa akin at hinalikan ako sa aking labi.

"Were here." Usal niya at hinawakan ang kamay ko. Tinulungan niya akong makatayo at napansin na wala si Shayla sa aking tabi. "Actually, kanina pa tayong nandito, kaso sobrang himbing ng tulog mo kaya hinayaan muna kita." Sunod niyang sabi sa akin.

"Where's princess?" Tanong ko.

"Nandoon sa kanyang Tita Christine." Magaan na sagot sa akin ni Judd.

Pagkababa ng sasakyan ay humampas agad sa akin ang sariwang hangin. Natanaw ko naman ang malawak na karagatan at ilang mga tao na nanliligo sa baybay gilid ng dagat.

"Bakit tayo nandito? Wala pa naman tayong dalang gamit." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry, ipinahanda ko yun kay Nay Loleng pati na rin ang gulay na niluto niya sayo ipinadala ko na rin." Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa kanyang sinabi. Naglakad lang kami ng ilang minuto hanggang sa marating namin ang cottage, halos lahat nandito ultimo kanyang mga kaibigan at sa tabi ng mga ito ay siyang nag gagandahang babae.

"Anong meron?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Nag request kasi si Shayla, so sino ba naman ako para hindi tupadin yon. Mas marami, mas maganda." Sagot sa akin ni Judd. "Without knowing me?" Nakataas kung kilay na tanong.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon