CHAPTER 3

155 4 0
                                    

I'm just an ordinary girl, na naghangad na ang isa sa mga inaasam ay mapasa akin. Ngunit parang hinaharangan 'to ng tadhana, kasi binigay nga sa akin ngunit napakahirap pa ring abutin kahit sobrang lapit na sa akin.

Hindi ko rin kasi alam kung mag sisisi ba ako dahil ipinilit ko pa at heto yung naging ending ko sa kanya.

I was looking at him, may maamong mukha habang may kausap. May ngiti sa mga labi na akala mo'y walang sino man ang may kaya pang tumbasan ang mga ngiti na umaalpas sa kanyang mga labi. Matapos mangyari ang insidente noong nakaraang araw ay balik na ulit sa dati, parang wala na ulit itong pakialam at wala lang ang nangyari.

Mapait ako napapangiti habang pinapanood si Judd at ang isang babae na akala mo'y isang linta kung makakapit sa asawa ko. They are kissing like there's no tomorrow. Parang uhaw na uhaw na sanggol, sino ba naman ako para sirain ang kanilang kaligayahan?

Sa pagkakataon na ito ayoko na ulit maulit ang ginawa ko noon, na alisin at sirain ang kasiyahan ng nag iisa kong kaibigan. Kahit asawa niya ako ngayon, ay tinatanggap ko naman na hanggang kaibigan lang talaga. Ngunit dahil sa nagawa ko sa kanila ni Kassy noon kahit pagkakaibigan namin ay nawala na rin.

Ayos na ako dito, ang tanawin sila na masaya ay ayos na ako.

I'm just his wife, kaso sa papel nga lang. Taong bahay lang at siguro kahit ang babae na kasama nito iisipin na katulong lamang ako sa malaking bahay na ito.

Kahit naman sino siguro ay masasaktan sa ganitong eksena, hindi ko maiwasan pero ano bang magagawa ko? Should I say to him that I love him since high school? Pero para saan naman kung sasabihin ko 'yon, for sure pagtatawanan lang ako nito.

Mapait akong ngumiti ng makita na napatingin sa gawi ko si Judd, umiling lang ako at binigyan ito ng isang tipid na ngiti bago pumasok na ulit sa loob.

Isang bangunot na naman ang tatapusin ko ngayong gabi. Bangungot na gusto kung maiwasan pero hindi ko magawa. Kahit saang sulok ng bahay ako dalhin naririnig ko lahat na akala mo'y pag aari lang nilang dalawa ang mundo na ginagalawan ko.

Na para bang sila na lang ang mundo ko sa buong magdamag at halos walang kawala, hindi matakasan kahit sa labas ng bahay ay madidinig talaga ang lahat ng ungol na kumakawala sa kanilang bibig.

Sadyang ganito na kalayo ang pagkatangay sa akin dala ng pagmamahal ko sa kanya, na kahit anong makita at marinig ay parang ayos lang at pinipilit na lang na mawalan ng pakialam. Na kahit harap-harapan na ang sakit ay ayos lang but I can't help, tao lang din naman ako may pakiramdam.

Kinabukasan ay agad din akong nagising dahil sa ingay mula sa ibaba. Mas pinili ko muna ang manatili dito sa loob ng aming kwarto at tumitig sa kisame. Wala na talagang katapusan ng pag iisip, walang katapusan ng sakit.

"Pupunta dito si mom and dad, maybe later ay nandito na rin sila." Agaran na bungad sa akin ni Judd ng makababa ako ng sala, tiningnan ko lang siya bago sumagot.

"Okay." Tipid ko na sagot bago nilagpasan s'ya at pumunta na ng kusina.

"Huwag kang magkakamali ng sasabihin sa harap nila Veronica." Imik pa nito habang nakasunod sa akin.

"Alam ko ang gagawin ko Judd, mag papanggap tayo na perfect couple at magsasabi ng mga nakakalamgam na salita sa harap nila." Balang na sagot ko dito. Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref bago kumuha doon ng tubig.

Doon ko lang naman siya nahahawakan eh. Kapag bumisita ang mga magulang niya, and after that para na ulit akong isang basura sa mga mata niya. Madalang na ulit syang uuwi, kung umuwi man may kasama na namang itong mga babae niya na kung saan ay bangungot na naman sa magdamag ang aabutin sa kanila.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon