CHAPTER 6

130 3 0
                                    

 While I was busy washing the dishes hindi maiwasan na hindi mapa isip kung bakit ganun na lang ang ini akto ni Judd. Parang kahapon lang ay nag sorry ito pero may dinala namang babae pagkauwi, tapos ngayon ito namang acting skills na pinakita niya ngayong umaga.

Hindi na ito bumalik sa hapag at basta na lang lumayas ng walang paalam. Gusto kung kiligin dahil sa isipin na he's in love with me, na nasgseselos sya, pero mali naman na pangunahan ko ang sariling saloobin dahil lang sa iniaakto nito. Tsaka, kikiligin pa ako ng lagay na ito matapos ng mga nangyari? Ano 'yon parang wala lang? Joke lang, ganon?

Napailing ako at agad ng tinapos ang paghuhugas. Chineck ko na rin ang ref at nilagyan ng tubig ang mga pitsel na kakaunti na ang laman, napansin ko rin na kakaunti na ang pagkain doon kaya dapat siguro na mamalengke na ulit si Judd.

I picked up the cellphone inside our room and text him kung pwede akong mag grocery. Kahit alam ko na hindi ito papayag ay nagbaka sakali pa rin ako. Kasi sa totoo lang ay hindi naman ako ang nag gogrocery dito sa bahay kun'di si Judd lang, ngunit malay natin di'ba? Magbabaka sakali tayo na magbabago ang ihip ng panahon at papaya ito for the first time na makalabas man lang ako.

Hindi ko pa naoopen ang lock ng cell phone ko ay rumihestro na ang numero ni Judd doon. Mabilis ko 'yon sinagot at wala naman akong naririnig na naimik. Tumikhim ako at kumuha ng lakas ng loob upang magsalita.

"Can I buy groceries?" Mahina na tanong ko. Ilang minute na ngunit wala pa rin ang naimik kaya inilayo ko na tainga ko ang cell phone upang patayin ng biglang...

"Change your clothes, I'm on my way, wait for me." Kulang na lang ay mangisay ako dahil sa sinabi nito. Seryoso ba? Isasama n'ya ako? OMG!

Malamang Veron! Kaya ka nga n'ya pinagbibihis diba? Suway ng kanyang isip.

Agad akong nagbihis ng may ngiti sa mga labi, nagsuot lang ako ng plain yellow shirt at maong shorts bago tinuwangan ng sandals. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at liptint para naman hindi magmukhang maputla ako.

Perfect!

Ngunit biglang nawala ang ngiti sa aking labi ng maalala ang mga nangyari kahapon. Basta s'ya ang bilis magbago ng mood ko. Ang bilis kong magpatawad, konting pakilig lang ayos na agad at binabaliwala ang mga nangyari, daig pang hindi umiyak at nasaktan.

Nakarinig ko ang busina mula sa labas iwinakli ko ang nasa isip at muling humarap sa salamin, kulang nalang mawasak na ang labi ko dahil sa pag ngiti na parang kanina lang ay nalulungkot dahil sa naiisip.

Nababaliw na nga siguro ako. Mabuti na lang ay naisipan niya akong isama, nakaramdam din siguro na sobrang boring na dito sa napakalaki niyang bahay. Kahit ito na lang siguro ang sabihin n'ya na babawe s'ya sa akin ay ayos na yon.

'Control yourself Sam!' suway sa sarili. Hindi kasi mapigilan ng katawan ko ang kilig na nararamdaman, akala mo ako'y isang teenager kahit hindi naman.

Bumungad sa akin mariin na titig ni Judd, habang ito ay nakasandal sa kotse niya at maigi akong pinagmamasdan habang naglalakad papalapit sa pwesto n'ya.

"Bakit ganyan ang suot mo." Kunot noo na sambit nito. Hindi mababakas sa boses nito ang galit at pagkamuhi, 'di gaya noong mga nakalipas na araw kapag ako'y kakausapin nito. Para s'ya ngayong naiirita base sa pagkakabigkas niya ng salita.

"Anong problema sa suot ko? Mag go grocery lang naman tayo, tsaka sabi mo kasi magpalit ako ng damit di'ba?" Alangan na sabi ko kaya mas lalong kumunot ang noo nito.

"You even put a lipstick on your lips." Napa irap ako dahil sa pagrereklamo niya. Hindi ko na rin alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob para irapan ngayon si Judd na halos magkasalubong na ang mga kilay.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon