Tahimik lang na nakaupo si Justine at Christine sa aking maliit na sofa na sakto lang silang dalawa.
Palinga-linga pa ang mga ito sa kabuuan ng aking sala na sakto at hindi kalakihan kumpara sa aming bahay noon o sa kanilang bahay ngayon.
"Mag meryenda muna kayo." Sabi ko sa kanila at ibinaba ang juice na dala tsaka ang tinapay. "Huwag na kayong mahiya." Dugtong ko pa bago naupo sa isang upuan naman na katuwang lang din ng inuupuan nilang sofa.
"Ikaw lang dito?" Tanong sa akin ni Christine.
"Yup." Sagot ko. "Tahimik, walang maingay, walang nananakit." Sagot ko at ngumiti sa kanila.
Tumango naman si Christine sa akin bilang pag sang ayon habang si Justine ay nakatingin lamang sa akin at nakaumis. Kumuha sila ng tinapay at nagpalaman noon ng cheese at sabay pa talaga na kumagat.
"Kayo paano niyo ako nahanap?" Tanong ko pa at sinabayan sila sa pagkain ng tinapay. Nakita ko pa ang pagsiko ni Christine sa kanyang katabi.
"Pinahanap ka malamang." Pilosopo naman na sagot sa akin ni Justine kaya inirapan ko ito.
"Okay." Simple ko namang sagot sa kanya bago ngumuya.
Binalot kami ng katahimikan at ang ilang pag nguya lamang ng tinapay at paghigop ng juice ang maririnig sa buong sala.
Hindi ko naman alam kung ano ang ipinunta nila dito, may sadya ba sila o meryenda lang talaga? Natawa naman ako sa naisip at nailing.
Ilan pang minuto ang lumipas ng makarinig kami ng katok, agad ko naman binuksan ang pintuan at si Jacob ang bumungad sa akin. May ngiti ito sa labi habang ikinakaway sa akin ang kanang kamay at may hawak naman na tupperware ang kaliwa niyang kamay.
"Ate, pwede sabay tayo kumain?" Masayang sabi nito sa akin kaya ngumiti naman ako at tumango.
"Oo naman." Sagot ko at niluwagan ang bukas ng pintuan. "Ano ba ang menu ngayon?" Dugtong na tanong ko pa sa kanya.
Napansin naman niya na tumigil si Jacob sa sala dahil siguro kay Justine at Christine na ngayon ay tinging-tingin din kay Jacob.
Lumapit sa akin si Jacob at bumulong. "Sino sila ate? Mukang mayaman." Napatawa naman ako sa bulong niyang sabi sa akin.
"Kaibigan ko." Bulong na sagot ko sa kanya. "Marami ka bang niluto? Tiyak kung magugustuhan nila ang masarap na luto mo." Dugtong ko pa at ngumiti naman siya ng pagkakalawak sa akin.
"Sige ate kukunin ko lang sa bahay." Excited na sabi niya sa akin kaya ginulo ko naman ng bahagya ang kanyang buhok bago lumabas ng pinto.
Si Jacob ang kauna-unahan na naging kaclose ko dito sumula noong lumipat ako ilang linggo pa lang naman ang nakakalipas. Mabait ito at mas bata ito sa akin ng 5 taon kaya ate ang tawag niya sa akin. Ulila siya at mag isang binubuhay ang sarili, isa pang napapansin ko sa kanya ay parang may sakit ito pero mabilis din naman siyang makaintindi at pumick-up.
"Sino 'yon?" Halata ang kusyunidad sa kanyang mga mata ni Christine.
"Bakit alang itanong mo?" Napataas naman ang aking kilay sa tanong ni Justine na halos magkapanonod lamang pumasok dito sa kusina. Buti na lang at medyo may kalakihan ito na saktong-sakto lamang sa amin.
"Masama ba magtanong?" Sagot naman ni Christine. Hindi naman sumagot si Justine at lumabas na ito ng kusina.
Nagkibit balikat naman si Christine bago kumuha ng isang piraso na dala-dala ni Jacob.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...