CHAPTER 12

106 3 0
                                    

     "SAMANTHA!"

"SAMANTHA VERONICA!"

Hindi mapigilan ang luha na patuloy sa pagpatak mula sa aking mga mata. Kahit anong tawag nito, hindi ako lumingon dahil ayokong makita kung ano man ang itsura nito, kung tinatawag lang ba niya ako para pag mukhaing tanga lamang sa harap ni Kassy. Mahina ako pagdating sa kanya. Umiiyak ba siya, mahal niya ba talaga ako? Gusto ko makita ang pag-iyak n'ya ngunit kung lilingon baa ko 'yon ang makikita ko? Ayoko ng umasa.

"Samantha, please. Mag usap naman tayo." Rinig ko pang sigaw nito sa hindi kalayuan.

Mabuti na lang at walang bantay sa gate ng mga oras na ito kaya madali akong nakalayo sa lugar na pakiramdam ko ay sinusunog lamang ako dahil sa kababuyan na ginagawa nila. Gusto ko lamang mapag-isa. Gusto kong lumayo, yung malayo sa lahat. Malayo sa kanya.

Sobra na kasi yung sakit, yung kitang-kita mo na sa akto pero tatanggi pa at sasabihin na nag-uusap lang sila? God! May nag uusap na pala ngayon na magkapatong? Deretso sa kwarto imbis na sala.

Napatigil ako sa mabilis na paglalakad at napatingala sa kalangitan ng biglang umulan ng malakas. Ang gabi na nilamon ng dilim ang aking nararamdaman s'ya naman pag-ulan na nakikisabay sa pagpatak ng aking mga luha.

"AAAHHHH!" sigaw ko. Sobra ng bigat ng nararamdaman ko, hindi ko kaya ito. Masyado n'ya akong pinaglaruan. Siguro ay ngiting tagumpay si Kassy dahil nasaksihan niya ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Marahil ay ganon din si Judd dahil nagawa niya ang plano na wasakin ako.

"Get in." Napalingon ako sa sasakyan na tumigil sa tapat ko. Nakita ko doon si Justine, nababakas ang pag-aalala sa mga mata na agad ding nawala o sadyang guni-guni ko lamang ayon. Bakit siya mag aalala?

Hindi na ako nahiya at agad ng pumasok, hinimas ko ang umbok kong tiyan. 'Sorry anak.' Bulong ko sa sarili ng sakto at ako lamang ang nakakarinig.

"Wipe your hair." He said and he handed me his towel.

"Thank you." Yun lamang ang sinabi ko at tinuyo na ang buhok.

"Tsk." Rinig ko rito kaya bahagya akong napangiti.

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng kotse nito habang tahimik naman itong nagmamaneho. I opened the radio on his car at nagplay doon ang kanta ni Ganny Brown na "Loabat Na Ba?" Napailing ako at nagpasalamat na rin dahil hindi yun pinatay ni Justine.

Tahimik ang aming naging byahe, hindi naman nag abala na magtanong si Justine at hindi na rin naman ako umimik dahil sa pagkailang.

"Nasaan tayo?" I asked him ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang kotse.

"At may Condo." sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit dito?" I asked him again.

"Gusto mo ba na iuwi na lang kita sa magaling mo na asawa?" Tanong n'ya na mabilis ko na ikinailing.

"Kahit saan, h'wag lamang doon." Agaran ko na sagot.

"Gusto mo ba na humarap sa mga magulang mo na basang-basa ka?" Masungit na sagot pa nito kaya napasimangot ako.

"Dadalhin mo ako sa magulang ko?" Hindi makapaniwala na tanong ko dito na ikinatango naman niya.

"Bakit may iba ka pa bang gustong puntahan?" Halata sa tono ng boses nito ang pagkainis.

Bakit naman siya maiinis? Nagtatanong lang naman.

"Malay ko ba na baka ibalik mo ako sa malaking bahay na 'yon" ani ko pa at tukoy sa bahay ni Judd.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon