CHAPTER 55

53 1 0
                                    

     Hindi maipinta ang mukha ni Judd habang kumakain. Tahimik lang naman ako na nakaupo habang siya ay pinagmamasdan, si Shayla naman ay nasa sala habang naglalaro kasama si Mommy Jasmin dahil inihatid na muna siya ni Christine dito kanina.

Medyo nakakautay na rin naman ako sa paglalakad mag isa. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko kahit alam ko na naman ang sagot.

"Saan mo nabili ang lipstick na yun?" Napakagat ako sa labi upang pigilan ang tawa.

"Why?" I asked ngunit umiling siya sa akin.

"Look at my face, wifey." Humagalpak ako ng tawa dahil sa pag padyak ni Judd na parang bata. Halos malagutan ako ng hininga kakatawa habang naka hawak pa sa aking tiyan. "Daig ko pang sinampal ng isang daan na manok, ang hirap tagtagin! Kailangan kung ipasara ang store na pinagbilihan mo!" Nang gagalaiti niyang sabi sa akin.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tawanan siya ng ilang minuto kulang na lang ay ihampas ko ang aking ulo kautasan sa kanya. Wala na naman akong sinabi at hinintay na lang siya na matapos habang suot parin ang hindi maipinta na mukha.

Nang matapos siyang kumain ay inakay pa rin niya ako papunta sa may sala kung saan nandoon ang maglola.

"Tell me the location?" Biglang imik ni Judd.

"What location?" Singit naman ni Mommy Jasmin.

"Don't tell me na ipapaclose mo nga ang store na yun Judd?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.

"Daddy, don't be mad. I'm sorry, okay." Bigla namang lumambot ang expression ni Judd at pinantayan ang anak. Hinalikan niya muna ito sa noo bago nagsalita.

"I'm not mad, I just want the exact location to buy again for your mommy." Napangiti naman ako sa sinabi ni Judd. "Maganda kasi yung lipstick, halos hindi na umalis sa mukha ko princess kaya mas maganda kung i aapply natin yun sa lips ni mommy para laging ikikiss di daddy." Kumawala naman ang malakas na tawa sa apat na sulok ng sala ni Mommy Jasmin. Naiiling ang ginang na umalis sa harap namin at umakyat sa itaas.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking pisngi at natitiyak ko na para na itong kamatis kaya tinapik ko ang balikat ni Judd. Kumawala naman ang magaan at masagana niyang tawa bago kinarga si Shayla at tumabi sa akin dito sa sofa.

Walang paglagyan ng tuwa sa puso ko ang bawat minuto at oras na lumilipas ay ganito kaming kasaya. Mapapahiling ka nalang talaga na sana ay huwag na itong kuhanin at suklian ng kahit na anong sakit na pwede pa naming maramdaman.

Habang napili ng susuotin na damit ay biglang may yumakap sa aking likuradan at hinalikan pa ang aking exposed na balikat. Sumagi naman sa isip ko ang pakiusap ni Kassy na hanapin ang kanyang kapatid gayung alam ko naman kung nasaan na ito.

"Husbie, pwede mo ba akong samahan?" Niluwagan naman niya ang pagkakayakap sa akin at naupo si Judd sa kama. Lumapit din naman ako ng bahagya kay Judd bago tumayo sa kanyang harapan.

"Where?" Tanong niya sa akin habang ang mga mata ay hindi iniaalis sa akin.

"Doon sa dati kung pinagtrabahuhan na cafe." May maliit na ngiti na sabi ko sa kanya.

"Oh, Carmen's cafe?" Natigilan naman ako sa kanyang sinabi.

"Did you know her?" Bulalas ko na bahagya namang ikinatango ni Judd.

"Kung maaari huwag ka sanang makipag usap ng mag isa sa kanya." Mababang tinig na sagot niya sa akin. Napakunot pa ng bahagya ang aking noo dahil sa pagkakakilala ko naman kay Ma'am Carmen ay mabait ito, kaya ano naman ang magiging dahilan para huwag akong makipag usap ng mag isa? "You can ask me, huwag mong hulaan." Napangiwi naman ako sa sunod na sinabi ni Judd.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon