PROLOGUE

313 6 2
                                    

"Two cappuccino and one order of small cake." Ngumiti sa akin ang cashier bago inabutan ako ng number. Sakto, my lucky number seven.

I looked around and looked for an empty seat. Hindi ko pa nararating ang upuan ng mapansin ko si Kassy, nakatutok sa kanyang cellphone na parang may hinihintay na kung ano doon. I think she's waiting him. Silang dalawa lang din naman kasi ang laging magkasama.

Napalingon ako sa may pintuan ng coffee shop ng tumunog ang bell sa itaas noon tanda na may pumasok. It was a man, with a black hat and wearing a mask.

"I'm sorry babe, kanina ka pa bang naghihintay?" Rinig ko na sabi ng lalaki ng malampasan niya ako.

"Nah! It's okay. Halos kadadating ko lang din naman." I was stunned ng mabosesan ang nagsalita.

Gusto ko silang lingunin ngunit pinigilan ko pa rin. She's cheating!

"Hindi natin kailangang magkita ng matagal, sa bahay na lang tayo magusap mamaya. I need the poison right now. Dala mo ba?" Rinig ko na tanong ni Kassy. Poison?

"Yes, here. Three drops of poison mas mabilis makapagpahina ng katawan. Hindi siya tatagal ng isang buwan kung three times a day mo din na maiilagay ito sa kanyang pagkain o inumin." Kumalabog naman ng mabilis ang aking puso.

Ano ang pinag uusapan nila? Anong poison? Para saan? Kanino gagamitin?
Mabuti na lang at may kaunting talino ako dahil naopen ko agad ang recording sa aking cellphone, sayang lang at hindi na nakuhanan ang babe thing nila.

"That's all?" Tanong ni Kassy. "Next week na ang kasal kaya konting tiis na lang at mapapasa'akin na lahat ng kanyang ari-arian." Sunod pa niyang sabi.

Gusto ko siyang kausapin, sipain at sampalin pero yumuko lamang ako at nagmadali na umalis. I texted Christine na may emergency lang na nangyari kaya hindi ko na siya magagawang hintayin pa.

Nang makarating ako sa classroom ay si Judd agad ang hinanap ng mga mata ko. Nakita ko siya na nakatanaw mula sa bintana at parang may malalim na iniisip.

"Judd!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon. Nang makalapit ako sa kanyang pwesto ay hinampas ko siya sa kanyang malapad na balikat.

"Ouch!" Daing niya.

"Kailangan natin mag usap." Mahina na bulong ko sapat lamang para marinig niya.

"Ano na naman ang ichichismis mo?" Tanong niya sa akin.

"K-kailangan mo itong pakinggan."-- Hindi ko na naisundo ang aking sasabihin ng bigla naming narinig ang boses ni Kassy. Ibinalik kong muli ang cellphone sa bulsa ng aking palda at nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kailangan niya itong malaman.

"Kararating mo lang?" Tanong ni Kassy at alam ko na hindi para sa akin ang tanong na 'yon kung hindi para kay Judd.

"Yes. Hindi kita ma'contact, hindi na kita nahintay kaya pumasok na ako." Sagot naman ni Judd. "Ano nga ulit ang papakinggan ko?" Baling naman niya sa akin kaya peke ako na ngumiti bago mabilis na umiling.

"W-wala." Sagot ko at tumawa pa ng weird. Hindi na ako pinansin ni Judd kaya napagpasyahan ko na ang tumayo at lumayo sa kanila. Tinabihan ni Kassy si Judd naka-holding hands pa talaga ang kanilang mga kamay na parang walang may kaya na mapaghiwalay ang mga ito.

Paano ko pa masasabi sa kanya ang balak ni Kassy?

Tama lang ba na sabihin ko sa kanya? Pero buhay niya ang nakataya dito. Hindi ko akalain na may ganitong side si Kassy at take note, mayroon siyang boyfriend! Plano nila na patayin si Judd upang makuha nila ang lahat ng pagmamay-ari nito.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon