CHAPTER 56

50 1 1
                                    

     Maaga akong nagising at tumayo na sa higaan, agad akong nakaramdam ng hapdi sa aking sikmura at ang biglaang pagsuka ng laway lang din naman ang isinusuka.

Nang matapos ako ay halos manghina naman dahil doon. Napaangat ang tingin ko kay Judd na may dala sa aking tubig. Kinuha ko naman ayon at ininum. Dahil sa panghihina ay inalalayan naman niya ako sa pagtayo at inakay papunta sa may kama.

"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Judd at mababakas ang pag aalala sa kanyang mga mata at base sa toni ng kanyang pananalita.

"I'm okay, husbie. Pregnancy Hormones lang ito." Sagot ko at nagpakawala ng ngiti upang ipakita na ayos lang naman talaga ako.

Hinaplos niya ang aking buhok bago hinalikan ang aking noo na ikinapikit ko naman. "Let's eat, wifey. Naghihintay na ang anak natin sa baba." Pagyayayakag sa akin nito at tumayo naman ako. Inalalayan pa ako ni Judd sa pagbaba sa may hagdan hanggang sa makaupo ako sa harap ng hapag.

"Sinong nagluto nito?" Tanong ko. "Pupunta dito si Nanay Loleng, sabi ni mommy wala ba siya?" Sunod ko na tanong.

Napalingon pa ako sa matanda na kakapasok lang ng kusina. May dala itong basket na puno ng prutas, tiningnan niya ako sa mga mata at nginitian.

"Magandang umaga hija." Bati sa akin ng natanda.

"Nay Loleng? Ikaw na ba yan?" Hindi mapigilan ko na tanong. Tumango sa akin ang matanda bago lumapit sa akin at niyakap ako. "I miss you nay!" Sambit ko pa at gumanti naman ako ng may katamtamang higpit sa matanda.

"Naku hija, ayokong umiyak at lalo akong tatanda kaya ika'y kumain na. Balita ko ay may laman na naman iyan." Napatawa ako sa sinabi ni Nanay Loleng at ang pag nguso niya sa may tiyan ko.

"Ang galing po kasi ng alaga niyo, hindi talaga ako tinigilan hanggat hindi nagkakalaman." Natatawa ko na sagot at humagalpak naman ng tawa si Nanay Loleng.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa rin nag babago." Sabi sa akin ng matanda at binuntunan ng tawa ng huli.

Ang ending noon ay sabay sabay kaming kumain. Puno ng tawanan at kwentuhan ang apat na sulok ng kusina. Ang noon ay kami nga lang ang magkasama ngayon ay mas lumalaki na ang aming pamilya.

Alam ng Diyos kung gaano ko namiss si Nanay Loleng.

"Kamusta naman po kayo Nay Loleng noong mga panahon na umalis po ako sa bahay?" Tanong ko sa matanda habang kami ay nag hihimay ng malunggay na siyang nagustuhan kung i ulam mamaya.

"Naku hija, sobrang hirap." Sagot niya sa akin. "Halos araw-araw nag iinom ang asawa mo. Kulang na lang ay ipatingin namin dahil baka mamaya niyan ay may sakit na siya. Napapabayaan na niya kasi ang sarili niya noong mga panahon na yun." Hindi ko naman maiwasan ang makonsensya dahil sa narinig. "Mahal na mahal ka ng alaga kung ayon hija kaya sa pagkakataon na ito sana naman ay panghawakan niyo na ang isa't-isa. Dahil lahat naman ng ikakabuti ninyo mag ina ay kanyang ginawa laban kay Kassy lalo na kay Jacob. Nakausap ko naman si Kassy at masasabi ko na mabait siyang bata. Handa siyang makulong mabigyan lang ng hustisya ang kasalanan na hindi naman niya ginustong gawin. Ang puno't dulo talaga ng lahat ay si Jacob." Mahaba pang kwento ni Nay Loleng sa akin.

"Alam niyo po ba ang dahilan Nay?" Hindi ko naman mapigilan na tanong sa matanda ngunit bahagya siyang umiling sa akin.

"Naku hindi na hija, kung ano ang nakwento ko yun lang din ang nalalaman ko." Pag tanggi sa akin ng matanda. Tumango na lang ako at hindi na naman maiwasan ang mapa isip. Kung sapol naman ay hindi pala ginusto lahat ni Kassy ang mga nangyari o ang ginawa niya bakit sinusunod niya si Jacob?

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon