Habang sagana na kumakain ay may ilang titig na hindi maiwasan kung tingnan kung saan nanggagaling. Pasulyap-sulyap ako kay Judd ng hindi ko maintindihan kung ano ba ang kanyang gusto.
"Judd, hijo. Baka naman matunaw na ang anak ko kakatitig mo." My mom giggled. Akala mo naman kasi teenager ang kanyang ina na kinikilig nalang basta sa relasyon ng iba. Kahit kailan talaga ganon pa rin ang kanyang ina na ikinailing na lang niya.
"Mom." Suway ko at ngumiti lamang ito sa akin.
"Your daughter is beautiful, mom." Halos mabulunan ako sa pahayag ng mokong, nasa harap ng pagkain pero kung ano ano ang pinagsasabi. Inirapan ko lang ito at narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa.
Pinilit kong ikinalma ang sarili at nagpatuloy sa pagkain.
"Wala pa ba si daddy?" Basag ko sa katahimikan at kita ko na nagkatinginan si Judd at Mom.
"A-ah. Gagabihin na naman yun sa pag-uwi baka hindi mo na rin abutan." Alanganin na sagot ni mommy kasunod noon ang hindi makabasag pinggan na katahimikan.
"Okay. I'm full." Yun lang ang sinabi ko at lumabas ng bahay upang magtungo sa hardin. Madilim na naman ang kalangitan at mukang uulan na naman.
Hindi ko alam pero parang may tinatago sila sa akin na hindi ko mahulan kung ano yun. Ang tagal ko ng hindi manlang nakikita si daddy pero ngayong ako'y nandito hindi man lang s'ya makauwi kahit saglit upang makita ako.
"Maybe we should just visit again." Singit ng isang buong boses mula sa lukuran ko.
"Pero bakit hindi s'ya makapaglaan ng kahit ilang oras o minuto man lang para sa anak niya?" Naguguluhan na tanong ko.
Parang mas importante pa kasi ang kaibigan nito kesa sa sarili niyang anak.
Naramdaman ko ang mainit na yakap nito mula sa likuran ko kaya sumandal ako sa dibdib ni Judd at pumikit. Bahagya kaming sumayaw sa ganong pwesto, kaya heto na naman ang puso ko. Marupok, basta na lang humuhupa ang galit ko pagdating sa kanya na parang walang nangyari.
"I love you, two." Naglaglagan ang luha na kanina pang nagbabadya na pumatak sa aking mga mata dahil sa narinig. Last chance, kaya mo pa naman tiisin Samantha diba? Para sa anak niyong dalawa? Huli na ito. Huli na ang karupukan na gagawin mo Samantha.
I felt Judd's hug relax on me and move his palms to my baby bump. Bahagya niyang hinaplos yun. Napamulat ako ng mata ng maramdaman ang bahagyang pagyugyog nito mula sa likudan ko.
Kumawala ako sa kanya at halos manlambot sa nakikita. Ang mukha nito na punong puno ng luha na pilit inaampat pero patuloy lamang sa paglandas.
"May problema ba?" Tanong ko kay Judd at agad naman itong umiling habang nakayuko at pinapahid ng sariling palad ang mukha.
"May masakit ba sayo?" Marahan ko pang tanong at umiling lang itong muli.
Namayani ang ilang minutong katahimikan, titig na titig lamang ako sa asawa ko na ngayon ko lang nakita na umiyak. Yong lalaki na noon ay walang ibang ginawa kundi ang sumigaw, manakit at magalit ngayon ay umiiyak sa harapan ko na akala mo'y siya ang pinakamahinang lalaki sa buong mundo.
"I'm sorry." Napatitig ako sa mukha niya na ngayon ay puno ng hilam na luha at hinahayaan na niya ayong maglandas sa pisngi niya.
Baghagya akong lumapit sa kanya at iniangat ang kamay. I wiped Judd's tears with my palm.
"It's okay. I'm okay. Kahit masakit sa part ko, nagtitiis naman ako Judd. Hindi mo ba kayang iwasan?" Malumanay ko pa na tanong muli dito.
"I'm sorry, im sorry. Magbabago na ako, patawarin mo lamang ako." Umiiyak na saad nito. "I will do anything just to make you stay, anything Veron. Anything." Dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
Любовные романыBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...