"Yes."
Napaangat ako ng tingin dahil sa naging sagot nito. Halos magwala ang buo kong kalooban, pakiramdamko ay pinag kaisahan ako ng lahat. Pagkatapos maging masaya bakit ang bilis agad ng lungkot na dala-dala.
Buong akala ko naman ay okay na kaming dalawa ngunit bakit umabot pa hanggang dito?
Napaiwas ako ng tingin ng akma nitong pupunasan ang luha ko.
"Leave, Justine. Gusto kong mapag isa." Saad ko at tumalikod sa gawi nito.
Bigla akong nawalan ng gana sa lahat.
Wala akong ginawa kundi ang humikbi at umiyak, ngunit kailangan ko pa rin ang lumaban dahil sa bata na nasa sinapupunan. Oras-oras akong binibisita ni Christine ngunit hindi manlang ito umiimik, o wala man lang sinasabi na kahit ano. Para kaming hindi magkakilala na ichecheck lang niya ako after that magpapaalam na ito at aalis.
Ayoko na lang siguro madagdagan pa ang sakit na nararamdaman, ayoko ng alamin pa kung bakit nangyare ang lahat ng ito. Pero kahit ano namang sabihin ko na ayaw kung malaman may part pa rin naman sa akin na inuusig ako ng sariling isip upang alamin kung bakit nangyayari ito.
Kahapon lang ang saya-saya at ang ayos pa ng lahat. Pero dahil sa nangyari pagkagising ko wala man lang ako natanggap na maayos na paliwanag kung bakit pa umabot sag anito.
Nakarinig ako ng ilang katok mula sa pintuan at ang iniluwa noon ay ang aking ina. Hinihintay ko pa ang pag pasok ni Daddy ngunit walang Daddy ang nagpakita sa mga oras na ayon.
Wala na naman siya?
"Are you okay?" My mom asked me. Gusto kung sabihin na hindi ako okay, na sobra akong nasasaktan pero mas pinili ko ang tumango na lang.
"Nasan si Daddy." Tanong ko at nakita ko sa mga mata nito ang pag aalinlangan. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin at naging malikot ang mga mata nito.
"I have something to tell you, pero mag pagaling ka muna. Pag nakauwi na tayo sa bahay, sasabihin ko ang lahat-lahat sayo." Aniya ng mama nito at hinalikan siya sa nuo.
Nakatulala lamang ito sa nilabasan ng kanyang ina. Mas lalong dumami ang tumatakbo sa isip niya kung ano ba talaga ang nangyayari, bakit wala siyang alam? Bakit parang ang hirap pag katiwalaan ng tao lahat sa paligid niya kahit ang mismong ina niya ay hirap na rin itong paniwalaan ang lahat ng sinasabi.
Pakiramdam niya ay aping-api siya sa lahat ng nangyari, walang masandalan. Masyadong nakakasikip ng dibdib dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Christine ng makapasok ito.
"Ayos lang naman." Sagot ko rito.
"Good to hear, hindi ka pwedeng magtagal dito sa hospital, mahirap na lalo't buntis ka." Halata sa boses nito ang pag aalala at ngumiti ng bahagya sa akin.
"Kailan ba ako pwedeng lumabas?" Tanong ko.
"Maybe, tomorrow morning pwede ka ng makalabas, basta mas okay kung magpahinga ka para mas lumakas. Ingatan din si baby at iwasan ang mga tao na pwedeng manakit sayo." Mahabang sabi nito at bahagya akong napatawa.
Makikita sa mukha nito pagkagulat dahil sa pagtawa ko.
"Kailangan ko rin bang mag ingat sa'yo?" Taas nuo kong tanong at ngumiti ito ng hindi aabot sa tenga. Bakas sa mga mata panghihinayang at kalungkutan.
"Depende sayo, basta kapag nakalabas ka rito ang gusto ko babalik ka lang kapag manganganak kana. Kung ano man ang malaman mo sana maging matatag ka. Kilala ko si kuya, ginagawa niya ang lahat ng ito para sayo, kahit sarili niyang kamay dinudungisan niya para lamang sayo." Naguguluhan man ay napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...