CHAPTER 39

49 2 0
                                    

     Ilang araw pa ang lumipas at hindi naman muling pumunta dito si Christine at Justine, palagi naman akong tinatawagan ni Christine at kinakamusta kahit busy siya sa kanyang trabaho. Tinatawanan ko na lang siya kapag binabanggit ang tungkol kay Jacob na ikinakainis naman niya sa kabilang linya kapag magkausap silang dalawa.

Nagsisimula na rin nga pala akong magtrabaho sa isang sikat na cafe/coffee shop dito sa San Fernando hindi naman kalayuan sa manila.

Ngayon ay umaga at kakatapos ko lang gawin ang aking morning routine. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad naman akong nakarinig ng katok mula sa pintuan. Bumungad sa akin si Jacob na may magandang ngiti at itinaas ang dalang tupperware.

"Menu?" agaran na tanong ko at kinuha ang tupperware niyang dala.

"Baka kasi maumay kana sa pang ulam na niluluto ko kaya dessert naman yan ate." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Guess what?" Tanong ko pa.

"Buksan mo na lang ate, hindi na rin ako magtatagal kasi kailangan kung pumasok agad." Tumango naman ako sa kanyang sinabi.

"O sya sige, magiingat ka okay." Paalala ko pa ngunit parang may napansin akong kakaiba sa ngiti niya na hindi ko naman mapangalanan o baka sadyang guni-guni ko na lang ayon. Kumaway pa ito sa akin habang siya ay papalayo at ginantihan ko rin naman ito ng pagkaway.

Isasara ko na sana ang pinto ng may mapansin ako sa katapat ng bahay. Pinakatitigan ko pa ang bintana dahil parang may napansin ako na bulto ng isang tao na nakatingin sa aking pwesto.

Ipinilig ko ang aking ulo dahil kung anu-ano na lang ang aking napapansin bago pumasok sa kusina at inilapag ang tupperware sa mesa. Kumuha ako ng kutsara at binuksan ang unang tupperware ng mag vibrate ang cellphone na nakalagay sa aking blusa na suot pangtrabaho.

Nakita ko ang weird na pangalan ng nag email sa akin. Kinabahan naman ako ng makita ang bungad na mensahe kaya pumaloob ang kursyunidad na buksan ang mensahe na ayon.

"Don't eat the food." yan ang nakalagay sa email. Huminga ako ng malalim bago ibinalik ang cellphone sa bulsa ng aking blusa. Tinitigan ko naman ang tupperware na nakabuyang-yang at agad na sinalakay ng kaba ang dibdib.

Nawalan na rin ako ng gana na tikman pa ayon kaya nilagay ko na lang siya sa ref. Ref na kung saan ay punong-puno ng iba't-ibang klase ng lalagyan at iba't-ibang klase rin ang laman na pagkain.

Pabagsak ko namang isinara ang pinto ng ref at huminga ng malalim. Agad naman akong kumilos na bago napagpasyahan na ang umalis ng bahay at nilock ng maayos ang pintuan.

"Good morning, Ma'am Carmen." bati ko naman sa aming manager. Magaan naman siyang ngumiti sa akin at agad namang pumasok sa isip ko ang ngiti ni Kassy noon na kagayang-kagaya ng ngiti ng aming manager.

"Good morning din, Samantha." Bating balik niya sa akin. "Sabay na tayong mag lunch later." Dugtong pa nito na agad ko namang ikinatango.

"Opo ma'am." Magalang ko na sagot at may ngiti sa mga labi.

Noong nag apply ako ng trabaho ay napansin ko na ito sa kanya. Parang part na magkahawig si Ma'am Carmen at Kassy, mula sa pilik at mata pati na rin kapag nangiti at naka side view. Naiiling naman ako sa naiisip at sinimulan na ang nakaukol na trabaho, malakas ang kita ng cafe na ito kaya malakas rin ang sweldo ng bawat empleyado.

Hanggang sa sumapit ang tanghali, nauna ng pumunta sa canteen si Ma'am Carmen. Diba ang sosyal, cafe/coffee shop lang pero may pacanteen para sa kanyang mga empleyado.

"Maupo ka. Nakapili na ako ng ating kakain, maya-maya ay nandito na yun." Bungad sa akin ni Ma'am Carmen.

"Naku, kanina pa po ba kayo naghihintay?" Nahihiya ko naman na tanong at bahagya siyang umiling.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon