We arrived safely at the hospital, hindi ko akalain na makikita ko dito si Christine na natutupad ang pangarap na ang kanyang pangarap na maging isang magaling na doctor. She's an OB Gyne, siya yung napili ni Judd na maging doctor ko. Sa kabila ng mga kalokohan namin noon, look at her now.
"OMG! Akala ko noong tumawag sa akin kahapon si Kuya ay nagloloko lamang ito, hindi pa ako maniwala na ikaw ang naging asawa for real at magkakaanak kayo." Napangiti ako sa sinabi ni Christine, wala pa rin itong pinagbago ang dami pa ring kwento.
Napatingin naman ako kay Judd mula sa labas ng pinto, may kausap ito sa phone niya at nakakunot na naman ang perpekto nitong mga kilay.
"He called you?" Tanong ko pa sa hindi makapaniwalang tono.
"Yes, excited pa nga siya halata sa boses niya. Alam ko naman kung gaano ka dead na dead sayo si Kuya. Halos hindi ka na nga palabasin diba?" Natatawa na saad nito at nawala bigla ang ngiti sa labi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa. Pilit na ipinapasok sa utak ang sinabi niya at baka namisunderstand ko lang iyon.
May alam ba siya? Imposible naman na ikinulong lang n'ya ako ng ilang taon sa malaking bahay na 'yon dahil may gusto si Judd sa akin, right.
Natahimik ang buong paligid ng biglang pumasok sa pintuan si Judd.
"Sam, mahiga kana doon ng matingnan na natin si baby." Awkward akong ngumiti at inalalayan ako ni Judd sa pagtayo at paghiga doon.
Itinaas ni Christine ang aking daster na suot at bahagyang ibinaba ang pang ilalim na suot.
"Your baby is big." She commented.
Hawak ni Judd ang aking mga kamay habang maigi itong nakatingin sa monitor nang may ngiti sa labi.
Siya yung Judd na nakilala ko noon, kalma at sakto lang. Sana lang hindi na siya magbago pa. Ngunit bakit pakiramdam ko na ang saya na nakikita ko ngayon ay babawiin din kaagad sa akin? Palagi namang ganun diba? Everytime na magiging masaya ako hindi magtatagal ay kukuhanin na rin agad.
"Tug, tug, tug, tug, tug." Our baby heartbeat.
"Did you hear that wifey?" Masayang tanong sa akin ni Judd at nababakas sa mata nito ang nagbabadyang luha.
"Of course." Sagot ko sa kanya at hindi maalis ang ngiti sa mga labi naming dalawa.
"Your baby is okay but let's still be careful, okay? Itong gatas na ito palaging inumin bago matulog at heto pa, vitamins niyo ni baby. You are four months pregnant, at babalik ka rito since March 28 ngayon kahit balik ka nalang ng April 28 para macheck natin ang gender ni baby." Mahabang sabi ni Christine at puro tango lamang naman itong si Judd.
"That's all?" Tanong ni Judd.
"Yes kuya, at palagi rin kumain ng gulay si mommy para both healthy." Habol pa ni Christine at nagpasalamat na kami matapos noon.
HALOS malula ako sa building na ito kung saan ay pag mamay-ari ng asawa ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta dito pero ang tagal na noon, noong ang tito Jake pa lang ang may hawak ng kompanya pero hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha lalo na sa napakalinis at mabango pag kapasok mo doon."Naramdaman ko ang pagpulupot nang kamay ni Judd mula sa likuran ko, napatingin ako dito at bahagya ko namang dinistansya ang sarili ngunit mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa bewang ko.
Remember I'm his secret wife.
"Judd, pinagtitinginan na tayo." Mahina kong saad sapat lang upang marinig nito.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...