Marami ng nakapagsabi na hindi porket mabait ay mapagkakatiwalaan, meroon kasing nagbabalat kayo. Ipapakita sayo na mabait sila at mapagkakatiwalaan pero ang ending ay may balak at motibo sila sayo.
Nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ay agad ko namang itinapon sa ilalim ng mesa ang hibla ng buhok na nadala sa akin kamay. Marahan kung hinaplos ang aking buhok at huminga ng malalim bago ngumiti at agad ng inayos ang mesa.
Kahit na kabado ay pinilit ko pa rin ang hindi ipahalata, sumasagot lamang ako sa bawat tanong niya upang mas gumaan pa ang hangin sa aming paligid.
"Salamat Jacob. Bukas ulit." Nakangiti kung sambit.
"Sige, aagahan ko promise. Nagkakalaman kana nga ate eh." Nakangiti niyang sabi sa akin at bahagyang pinisil ang aking bewang. Ngumiti naman ako sa kanya at nag wave ito ng kamay sa akin.
Sakto naman na ang padating na si Justine ang aming nakita na papalapit sa pwesto namin ni Jacob. Napansin ko pa ang bahagyang pagsama ng tingin ni Jacob kay Justine pero hindi yun ang mas pinagtuunan ko ng pansin.
"Matulog kana, okay. Siya kasi ang susundo sakin, naalala mo?" Ngiwi kung sabi kahit naiilang na ako.
"Oo hindi ko siya makakalimutan." Bitter na sabi niya kaya mas pinilit ko pa rin ang ngumiti kahit may kakaiba na talaga kay Jacob. "Bukas na lang ulit ate. Goodnight." baling niya sa akin bago tumingkayad at muntikan na akong mahalikan sa aking labi na mabuti na lang sa gilid lamang ng labi ito tumama.
Naramdaman ko ang pag galaw ni Justine ngunit agad ko namang minustra ang kamay ko na tumigil siya na agad din naman niyang sinunod.
"Goodnight too." Nakangiti ko pa na sabi bago hinalikan din ito sa kanyang pisngi.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng pumasok na sa loob ng kanyang apartment si Jacob. Huminga ako ng malalim bago kinabig ang pintuan at isara ayon.
Nanatili akong tahimik at hindi na muna nag abala na umimik hanggang sa makarating kami sa kotse ni Justine.
"Drive now please." Walang buhay kung sabi kahit abot-abot ang kaba sa dibdib. Nang makalabas kami ng pinaka highway ay agad akong sumigaw ng pagkakalakas at sinabunutan ang sarili. Huli na ng mapagtanto ang ginawa.
Naramdaman ko pa ang paghinto ni Justine sa kung saan at itinabi pala niya ang sasakyan.
Hinawakan ni Justine ang aking kamay na maraming hibla ng buhok ang nandoon. Agad kung hinagip ang salamin na nakapatong sa harap ng kotse ni Justine at tiningnan ang sarili.
"Sana nakinig na lang ako." Panimula ko habang nangangatal ang mga labi at tinititigan ang sarili sa salamin. Halata ang pagnipis ng buhok at ilang part na talagang kapansinpansin na halos anit na lang ang makikita.
"I will kill that bastard." Galit na sikmat ni Justine. "Ayusin mo ang sarili mo. May mga mata na nakatingin sa atin, wear your seatbelts properly, Sam." Napalunok ako sa seryosong sabi ni Justine at inistart na ulit ang kotse. May katamtamang bilis lang ang pagpapatakbo namin.
"Don't try to look back, baka makahalata." Sabi pa sakin ni Justine.
"I'm scared, Justine." Kagat labi kung pag amin at mabilis niya naman akong nilingon bago itinutok muli ang mga mata sa daan.
Napatingin naman ako sa kamay ko na ngayon ay hawak na niya.
"You need to know the truth, but not now. Sasabihin ko sayo ang lahat pero kailangan muna nating mailigaw kung sino man ang tao na sumusunod sa atin." Paliwanag niya sa akin at binitawan na ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...