CHAPTER 63

71 1 0
                                    

     "Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo.

"Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin.

"Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli.

Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo.

"Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo.

"Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya!

Ilang buwan ang lumipas matapos kung malaman na magkapatid pala kami ni Kassy, chickboy si daddy back then at nag cheat pa rin siya kay mommy ng mga panahon na yun. Pero noon pa lang ay naging tapat na si daddy sa aking mommy na may anak siya sa labas. Hindi nagtanim ng sama ng loob si mommy bagkus ay inintindi at inunawa niya si daddy dahil galing rin sila sa arranged marriage kaya hindi naman masisisi ni mommy ang aking daddy noon.

Hinahapo akong lumabas ng banyo, inalalayan agad ako ni Kassy papunta sa may sofa dito sa aming office. Yes, pareho kaming CEO dito sa kompanya na siyang pinamana na sa amin ni daddy at si Judd nandoon lamang sa kabilang building.

Pero take note kung gaano kasosyal ang asawa ko. Pinagawaan niya parin talaga ng parang elevator itong tuktok ng kompanya namin na konektado sa kanyang kompanya kaya anytime kung gugustuhin ko o niya na puntahan namin ang isa't-isa ay mas mabilis.

"Pawisan ka ah." Galaw sa akin ng aking malditang kapatid.

"Sinong hindi papawisan eh bukod sa mabaho ang simoy ng hangin hindi ko pa halos maabot ang puwet ko para hugasan." Naiinis na sabi ko na ikinatawa na naman niya.

"Yan kasing mga baby mo ang laki-laki na baka mamaya niyan ay lumabas na ang mga yan." Sabi pa niya sa akin.

"A-ahh! Ouch!" Daing ko. "Hoy ate, manganganak kana ba?!" Taranta na tanong ni Kassy at akala mo'y may kiti-kiti sa puwet at hindi na magkaintindihan.

Humagalpak ako ng tawa at agad namang ikinabusangot ni Kassy, hinampas niya ako sa braso at agad ko yung pinispis. "Aray ha!" Sigaw ko sa kanya. "Huwag kang magbibiro ng ganyan! Sa susunod hindi na ako maniniwala sayo." Naiirita niyang sabi sa akin habang ako ay naluluha na sa kakatawa dahil sa kanyang naging itsura.

"Kung makikita mo lang reaksyon mo sis, matatawa ka." Insulto ko pa sa kanya ngunit may sinasabi ito na hindi ko naman marinig. Nakarinig kami ng ilang katok mula sa may pintuan. Pumasok doon sa dad na nakangiti sa amin at mukang maganda na naman ang kanyang araw ngayon.

Napakunot ang aking noo ng may kasunod na naman itong babae. "Dad! Huwag mong sabihin na bago na naman yan?" Hindi ko mapigilan na tanong. Narinig ko pa ang hagikhik ni Kassy sa may gilid. "Hayaan mo na siya ate, natanda na naman si daddy ayaw mo ba ng isa pang kapatid?" Napairap naman sa mga pinagsasabi ni Kassy.

"Kas! Nagpunta kana ba sa conference room!?" Nakataas na kilay kung tanong. Nanlalaki naman ang mga mata niya na tumingin sa akin at halatang may napag tanto. Dali-dali siyang umalis sa kanyang pagkakaupo bago lakad takbo na lumabas ng opisina. Si daddy naman ay utas lang ng kakatawa sa kanyang pwesto habang ang babae na katabi niya ay may ngiti sa labi.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon