CHAPTER 64

90 1 0
                                    

Kassy's Point of View

I never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay.

Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli.

Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali.

Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob.

When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accursed her. Hindi ko na rin ginusto ang pera ni Kuya Judd ng mga panahon na yun dahil nga minahal ko na rin siya.

I have no choice kundi ang pakisamahan si Jacob, he hurt me physically ngunit kailangan kung magtiis dahil sa kagustuhan na makuha muli si Kuya Judd.

Before I came back, Jacob tells me what his plans kaya sino ba naman ako para tumanggi? Lalo na kung ang plano na yun ay para patayin ang akin palang kapatid?

But that was back then. Ang makita ko na masaya siya at sa kabila ng mga paghihirap niya ay may kung ano sa loob ko na nagpasya at itigil ang mga plinano, ngunit hawak ako ni Jacob sa leeg.

And sorry for her daughter, Shayla. Naging mataray ako sa kanyang anak, pero kapag may pagkakataon humihingi na lang ako ng tawad sa kanya. Jacob knew my doings kaya hindi dapat ako magkamali, because one mistake, papatayin naman niya ang aking kapatid, si Ate Carmen. Una palang alam ko na may namamagitan na sa kanila kaya hinayaan ko lang sila as long as masaya ang aking kapatid kay Jacob.

Jacob used me to take revenge at Kuya Judd's family. Labag man sa loob ko hindi na ako makatanggi dahil sa nabuntis niya ako at ang pagbabanta na papatayin niya kami ng magiging anak ko. Upang hindi mapahamak ay kailangan ko siyang sundin labag man sa aking kalooban.

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Dahil sa pagmamahal ni Ate Carmen ay mas pinili niya si Jacob kesa sa akin. Nagpadala siya sa pagmamahal na siya lang naman talaga ang nagmamahal sa kanilang dalawa and that's the biggest betrayal that happened to my life. Yung akala ko na siyang makakasama ko sa lahat ng laban, nagkamali pa rin ako

Yung tao na una kung kinalaban ang siya rin palang maglalakas ng loob upang tulungan ako at yun ay si Ate Samantha.

"Push!" Sabi ng midwife. Si Ate Samantha naman ay pawisan na kakairi.

"Wala pa ba ang kuya mo?!" Sigaw niya sa akin. Halos matawa naman ako sa kanyang itsura. "Wala pa ate, baka mahimbing pang natutulog." Natatawa kung sagot.

"Ahhhh! Ayoko na talagang mag anak!" Sigaw niya kaya ako nama'y walang ibang ginawa kundi ang tumawa. "Sige tumawa ka pa i hohold ko ang pera mo!" Sikmat pa niya sa akin.

Biruin mo nanganganak na naiisip pa niya yun? Imbis na umiri na lang dahil mahaba haba pang oras bago niya mailabas ang triplets niya.

"Shit!" Rinig kung sabi ng kung sino. Agad naman akong pinaalis ni Kuya Judd at bahagyang itinulak.

What the heck? Tulakan talaga ganon?

Nang may biglang humawak at sumalo sa aking bewang. Parang nag slowmo ang lahat ng makita ko ang perpektong itsura ni Luigi. Mula sa nakakapal niyang kilay, matangos na ilong at ang mapupulang labi.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon