Ilang taon ang nasayang. Ilang taon ang sakit na naranasan magpahanggang ngayon. Minsan nga napapaisip na lang ako tama pa ba ito?
Hanggang ngayon kasal ako sa taong walang kasiguraduhan. Ngunit bakit parang nagiging tagilid ang aking mundo kapag siya ay nasa tabi ko. Ang taong alam lahat ng sakit na pinagdadaanan ko. Na kahit sobrang hirap ko ng intindihin mas pinili niya ang manatili at tulungan ako sa lahat ng bagay.
Isang linggo akong naghintay ngunit walang Judd ang nagpakita ni kahit anino nito ay wala akong nakita. Walang Shayla na nakita, nahagkan at nahawakan man lang. Pero natitiyak ko na hindi pa dito nagtatapos at magtatagpo rin ang aming landas na darating din ang panahon para sa amin kung kami talaga ang nakatadhana.
"Let's go, Samantha." Ang mahinang boses ni Justine ang nakapag pabalik sa akin sa katinuan habang nakatanaw sa malaking glass na kitang-kita ang kabuuan ng dagat.
"Konting oras pa pwede ba?" Malungkot na tanong ko ngunit ngumiti ito ng tipid sa akin.
"If he wants to bring Shayla here to gain your trust, nagawa na niya sana noong mga nakaraang araw pa. Look, Sam. 7days na tayong naghihintay." Pagpapaliwanag niya sa akin ng mahinahon.
Muli ko namang ibinalik ang mga mata sa dagat. Huminga muna ako ng malalim bago ulit ibinaling ang mga tingin kay Justine. Hinawakan ko siya sa braso at nginitian ito.
"Mauna kana sa groudfloor susunod na lang ako." Sambit ko at tumango naman siya sa akin bilang pang sang ayon.
Siguro sa pagkakataon na ito kailangan na hayaan ko muna si Judd, kung ano ba ang kanyang pinaplano. Pero ang tanong 'kaya ko pa ba na maghintay sa kanya?'
Binuklat ko ang enveloped na nakapatong sa kama, our annulment paper. Walang pag aalinlangan na pinermahan ko yun dahil ito naman talaga ang kaniyang ginusto, ang maghiwalay kami ng landas. Siya na kasama ang dapat ay noon pa niya napakasalan pero aking pinigilan.
I message her, na iniwan ko nalang dito sa unit ang enveloped.
Pinigil ang hikbi na gustong kumawala at napagpasyahan na ang bumaba tsaka sumunod kay Justine. Ito na lang ang meron ako sa ngayon kaya papahalagaan ko ang lalaki na hindi ako iniwan kahit sa pinakamahirap na nangyari sa aking buhay na dapat ay ang mismong asawa ko ang kasama.
Justine didn't know about the enveloped, hindi rin niya alam na nakipagkita ako kay Kassy bago umalis at pumayag na pakawalan si Judd.
Ngunit ang aking pinanghihiyangan ay ang aking anak, sa maikling oras na nakasama ko siya ay yun na ang isa sa pinakamahalaga at importanteng bagay na nangyari sa aking buong buhay. Ni hindi man lang nila ako hinayaan na makasama ang bata kahit saglit na oras man lang.
Isa lang ang masasabi ko kundi, makasarili sila. Darating din ang panahon na mauunawaan ito ni Shayla at maipapaliwanag ko lahat kung bakit ito nangyayari.
"Are you okay?" Halata sa boses ni Justine ang pag aalala. Ngumiti naman ako ngunit alam ko na hindi yun aabot hanggang sa tenga.
"I'm fine, no worries." Sagot ko bago muling lumingon sa labas ng bintana at pinakatititigan ang mga nagdadaan na sasakyan. "Ihatid mo na lang ako sa bahay ni Christine, doon muna ako magpapalipas ng gabi." Dugtong ko pa at napansin ko naman na napalingon siya sa akin at ibinalik muli ang mga mata sa dinadaanan.
"Sigurado ka ba?" Paninigurado pa niya sa akin.
"Yup." Maikli kung sagot. Pagkatapos ng aming pag uusap ay tahimik na ang aming naging byahe. Wala rin naman ako sa mood na mag iimik ngayon dahil malalim pa rin ang aking naiisip at lumilipad ayon sa aking anak.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...