CHAPTER 31

95 2 0
                                    

     "I missed you." Napakagat ako sa sariling labi dahil sa salita na binitawan ni Judd. Rinig ko pa ang paghinga nito ng malalim na kasalukuyang pareho lang kami ng paghinga. Malalim at akala mo'y kakapusin. Hindi naman ako sumagot bagkos ay pinakinggan ko lang ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na akala mo'y lalabas na sa kanyang dibdib.

Namayani ang katahimikan sa paligid ng ilang minuto. Tumunghay ako at sinilip ang kanyang mukha, nakita ko itong payapa na natutulog. Nagka-meroon naman ako ng pagkakataon para umalis sa ibabaw ni Judd kaya marahan kung itinuon ang dalawang kamay sa magkabila nitong gilid at maingat na gumalaw.

Ngunit ganun na lang ang aking gulat ng ilagay ni Judd ang kanyang dalawang kamay sa aking likudan at mahigpit na niyakap. Tiningnan ko siya sa mata at agad itong nagmulat bago ngumiti sa akin ng may mapanurang ngiti. Pwersa akong nagpumiglas ngunit agad niya akong pinaikot at dinala sa kanyang ilalim na ngayon siya ay nasa ibabaw ko na.

"I love you, Samantha." And after saying those words his lips touched mine. Agrisibo na pinaghahalikan ang kabuuan ng aking mukha at ng marating ang leeg ay basta na lang akong tumingala to give him more access at sinipsip ang aking balat doon.

Mahinang halinghing naman ang lumabas sa aking mga labi habang dinadama ang bawat halik na binibigay niya na siyang nakakapagbigay init sa aking katawan.

Napamulat ako ng mata ng tumigil si Judd sa kanyang ginagawa at ang mga mata nito ang una kung nakita, namumula habang nakatitig sa akin. Hinaplos nito ang aking pisngi na sinabayan ko naman at sa hindi malamang dahilan ay umiiyak na pala ako. Yumakap sa akin si Judd at isiniksik ang mukha sa aking leeg bago naramdaman ang pagyugyog ng kanyang balikat.

Hinaplos ko ang kanyang likod na siyang nakapagpadagdag hagulhol dito. Habang tumatagal ay nagiging iyakin na ito na akala mo'y isang bata na naiwan sa parke ng kanyang magulang.

"Napapagod na ako, Sam." Kumalabog ng mabilis ang aking dibdib at may nagkislutan na kung ano sa aking tiyan. Umalis sa ibabaw ko si Judd at naupo sa kama habang nakatalikod sa aking pwesto. Marahan naman akong bumangon at sinilip ang kanyang mukha. Nakayuko ito habang nakatakip ang mga palad sa kanyang mata, hindi ko naman maiwasan ang maawa sa kanyang kalagayan.

"Ano ba kasi ang nangyari, Judd?" Naguguluhan ko na tanong. Hinawakan ko pa ang kamay niya na nasa kanyang mga mata at hinigpitan ang pagkakahawak doon. "Sabihin mo sa akin, makikinig ako at pipilitin na unawain ang side mo." Dugtong ko pa bago marahan niya naman akong nilingon.

Kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang mata at pamumugto noon. Ngayon ko lang din halos napansin ang kanyang pamamayat dahil sa malalim nitong mga mata at halos walang kalaman-laman na pangangatawan.

"Not now, please. All I want ay pagkatiwalaan mo ako. Na kapag natapos ito, ay sa akin ka pa rin." Sagot niya sa akin habang sumisinghot. Hinaplos ko ang kanyang pisngi na basang-basa ng kanyang mga luha.

"Magtitiwala ako basta sabihin mo sakin Judd, kahit kaunti lang para naman may idea ako." Pamimilit ko pa ngunit umiling siya at tumayo mula sa pagkakaupo. Nag bitaw naman ang aming mga kamay na magkahawak, bumalik ang aking mga mata at pinakatitigan ang mata niya na nakatingin sa akin na akala mo'y kinakabisado ang bawat parte ng aking mukha.

Muling napailing si Judd at umiwas ng tingin bago sinabunutan ang kanyang sarili. Kahit siya ay hindi ko na rin maintindihan. Parang may kung ano itong itinatago sa akin na hindi ko maintindihan.

Ilang magkakasunod na katok ang aming narinig. Mabilis na nagpunas ng mukha si Judd at binuksan ayon. Isang lalaki na naka itim ang humahangos at hindi maipinta ang mukha.

Halata sa mga mata ng lalaki ang kaba habang nakatingin kay Judd.

"What happened?" I asked. Tumingin sa akin si Judd ngunit hindi siya umimik. Nakita ko naman ang pag-iling ng lalaki habang nakatingin pa rin kay Judd.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon