CHAPTER 32

67 1 0
                                    

     I marked the calendar inside my room. It's day 25 at hindi ko pa sila nakikitang muli. Walang communication man lang at ni isang paramdam ay wala akong naramdaman mula kay Judd.

Walang gabi ang hindi ako umiyak para lamang alalahanin ang aking anak at ina, pati na rin si Judd. Minsan napapatanong na lang ako kung kamusta na ba sila, kung nakakatulog ba sila ng maayos, kung nakakakain ba sila ng masustansyang pagkain lalo na si Shayla.

Marami pa ring katanungan ang bumubuo sa aking isipan na hinding-hindi ko naman malaman kung ano ba ang sagot doon.

"Water." Justine said.

Tulad ni Justine ay nag iba na ang ugali nito. Hindi na siya ang Justine na nakasama ko ng isang taon sa US. Bumalik na siya sa dati noong una kaming nagkasama at pinatulog ako sa condo niya. Walang buhay ang bawat salita at parang hindi kayo naging close kung makipag usap.

"Thank you." Sagot ko at binuksan ang mineral water na kanyang binigay bago nilagok 'yon.

"Ayoko ng mahina Samantha." Buo at walang emosyon na sambit nito. Sinarahan ko naman ang bote na hawak bago inilagay sa isang gilid.

"I'm not." I answered and I heard him chuckle.

"Ang bulok kasi ng asawa mo." Komento pa nito sa kanya. Napatawa naman ako sa kanyang sinabi dahil sa kabilang banda ay tama rin naman ito. "Mabuti pa kumilos na agad tayo dahil ikakamatay lamang ni Judd kung magtatagal pa sila doon. Alam mo naman kung bakit hindi basta-basta magpadalos-dalos ng desisyon ang asawa mo dahil ayaw niya na mapapahamak ang mommy mo at si Shayla." Mahaba pa niyang dugtong at natahimik naman ako sa kanyang sinabi.

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Justine at lumabas na ito sa aking kwarto.

Huminga ako ng malalim at pabagsak na nahiga tsaka pinakatitigan ang kisame.

Sobra na ang pagsasakripisyo ni Judd para sa aking mga magulang. Sobra na ang ginawang pagmamalupit ni Kassy at ng kanyang kademonyohan.

Tumayo ako bago kinuha ang telepono na nasa side table. I dialed someone's number and after three rings he answered immediately.

"Any update?" Walang buhay ko na tanong.

"Meron madam, naunahan mo lang akong tumawag." Sagot nga nasa kabilang linya.

"Spill."

"Nasa isa silang isla sa cebu, I will text you the full details." Sagot pa nito kaya agad ko namang pinatay ang tawag.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ng mga mata si Justine. Nakita ko ito sa sala habang nanonood ng basketball sa tv.

"Hey par." Tawag pansin ko dito. Nilingon niya ako ngunit hindi ito ngumiti. "I need a driver." Dugtong ko pa. Dahil naka topless si Justine agad itong tumayo at dinampot ang sando na nasa sofa bago madaling isinuot. Ibinato ko sa kanya ang susi at agad naman niyang nasalo bago nilock ang front door ng bahay.

Pumunta kami sa isang bundok kung saan halos walang nagtangkang dumaan. Kumuha kami ng armas sa isa sa mga bodega na mayroon doon. Ito kasi ang inirekomenda ni Lucifer sa amin at masasabi ko naman na tunay na magaganda ang gamit na nandito at bukod sa magaganda ay kumpleto pa.

-----

SA KABILANG banda, bagsak na nahiga si Judd sa isang matigas na sahig habang nakatali ang mga kamay. Halos walang mainom at makain sa silid na pinagdalhan sa kanya ng tauhan ni Kassy. Kung dalahan man siya ng pagkain ay tira-tira na lang at hindi man lang nakaabot sa kanyang tiyan. Awang-awa na si Judd sa kanyang sarili dahil sa kanyang kinahinatnan. Kailangan pa niyang magtiis sa puder ni Kassy upang hindi mapahamak ang ang anak nila ng kanyang pinakamamahal na si Samantha. Ngunit ang kanyang ipinagtataka ay hindi man lang niya nakikita ang ina ni Samantha kaya kung anu-ano na lang ang tumatakbo sa kanyang isipan na baka ito ay pinaslang na rin ni Kassy at huwag naman sana.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon