CHAPTER 4

130 3 0
                                    

     Bakit hindi ba ako nag isip? Kahit kailan ang galing niya talagang paglaruan ang nararamdaman ko, ako naman na hindi na matuto at masanay. Hindi man lang maalam makiramdam kung pinaglalaruan na ba o tunay ang pinapakita.

"Ang ganda mo naman hija." Saad sa kanya ng ginang at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Judd at nauna kami ng mommy Jasmin sa paglalakad. Pilit naman akong ngumingiti at sumasagot ng tango sa bawat salita at tanong ng ginang.

Nilingon ko si Judd habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nahuli mo ako dun, ang sakit. Napaasa na naman nya ako, gusto kong magalit na lang yata habang buhay sa sarili ko dahil hanggang ngayon pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Bakit ba kasi sobrang tagal kong mapagod?

Ilang beses akong nagreklamo na pagod na pero bakit may one percent pa rin na natitira para umasa?

Pagod na kasi ako, yung katawan ko pero bakit ang puso ko patuloy pa rin na sya ang itinitibok nito. Kung pwede lang sana na utusan ang puso para matapos na ang lahat ng ito ay gagawin ko.

Halos wala akong imik hanggang sa matapos ang aming hapag, at kung umimik man ay pag nagtatanong lang si Tita Jasmin sa akin. Gusto kung lumayo sa lugar na ito, pakiramdam ko hindi ko kayang huminga sa harapan nila, parang nauubusan ako ng hangin kapag kaharap sila lalo na si Judd na hindi man lang mawala wala ang ngiti sa mga labi, komportable na nakaupo at magana na kumakain. Habang ako parang gusto kong masuka dahil hindi masikmura ang mga tao na kaharap ko sa mesa, na akala mo'y mga walang pinuproblema at ako naman na parang pasan ang buong mundo.

"Are you, okay hija?" Tanong ni tita Jasmin sa akin habang kaming dalawa ay nandito sa sala at nanonood ng tv. Hinawakan pa nito ang aking mga kamay bago hinaplos ayon.

Tipid naman akong ngumiti bago sumagot at tumingin sa kanyang mga mata. "Opo mommy Jasmin, I'm okay," I answered at hinawakan rin ang kamay nito pabalik.

"Pinapahirapan ka ba ni Judd dito?" Hindi naman ako nakasagot agad sa naging tanong ng ginang, pinilit ko naman ang ngumiti at napipilitan na umiling.

Nilingon ko ang gawi ni Judd na may ngiti sa mga labi habang kausap ang kanyang ama, si Tito Jake. Ngumiti ako at natitiyak kung hindi aabot yun hanggang tenga.

"Hindi po, sa totoo nga ay hindi niya ako halos padapuan sa langaw o lamok." Natatawa kung sabi sa ginang.

Kahit ang totoo na si Judd ang lamok na gustong manakit sa akin.

"Ikaw talaga na bata ka. But I'm happy to see you both na maayos na nagsasama." Nakangiti na sabi ni Tita Jasmin, sana ganun na nga lang kami.

Pero kabaliktaran lamang ang lahat. Isang napakalaking pagpapanggap lang lahat ng nakikita niyo. Gusto kung sabihin yun pero mas pinili ko ang manahimik. Gusto ko man i open up yung sakit na nararamdaman ko ngunit mas pinili ko ang tumahimik at baliktarin ang lahat ng pangyayari.

"Mas masaya po ako na ako ang pinakasalan ng anak niyo." I looked at Judd at lumingon ito sa gawi ko. "I never thought we would reach this far, Mom. Mag kaklase lang kami noon at mag kaibigan, napaka over protective pa sa aking mga manliligaw kaya walang ibang lumalapit na lalaki sa akin bukod sa kanya. I am one of the luckiest women in the world, dahil siya ang naging asawa ko, maalaga at mapagmahal. Mahal na mahal na mahal ko po ang anak niyo Mom." I added at patago na pinunasan ang luha bago ngumiti at nag iwas ng tingin kay Judd na nakakunot ang mga noo habang nakatingin sa kinaroroonan namin.

"And I am the luckiest mother because he became my child. Wag ka sana magsawa na mahalin ang anak ko Samantha Veronica." Tumango ako sa sinabi ni tita Jasmine at ngumiti.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon