Gabi na ng ako'y magising, nakatulog na pala ako sa pag iyak at ng tingnan ko ang orasan ay pasado alas nueve na ng gabi.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kalapit na silid, wala doon si Judd. Pero mas okay na din yun para kahit papaano ay makaiwas dahil sa pag ka pahiya kanina, hindi na lang talaga sadya kinaya ng aking nararamdaman kaya nasabi ko ang mga ganong bagay pero yun ay tagos at mula talaga sa puso ko.
Umawas na kasi ang sakit na nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa ni Judd kaya hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin ang mga salita na ayon sa kanya.
Bumaba ako ng hagdan at nagpunta na ng kusina, ini init ko ang pang ulam na niluto ko kaninang umaga bago nagpasya na kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na isipin ang itsura ni Judd ng sabihin ko ang mga salita na ayon, pakiramdam ko ay nakonsensya ito base sa pagtingin ko sa mga mata n'ya kanina pero kaya nga ba nya ang makonsensya? O baka pinagtatawanan na niya ako ngayon kasi nagawa na niya ang gusto n'ya, at yun ay ang durugin ako.
Naramdaman ko ang sakit sa aking braso at ng tingnan ko 'to ay may malaking pasa doon at bakat ng kuko ni Judd na bumaon dito kanina, may ilang kayat din ng dugo ang naglandas doon na natuyo na. Napaigik rin ako dahil sa sakit ng tagiliran at 'yon ay sa pagkakatama kanina sa mesa doon sa sala.
Napailing na lang ako sa nangyari, parang kagaya lang ito noong nangyari na minsang may babae na nagpunta dito. Ito na kasi pinakamalalang naging away namin ni Judd, hindi ko akalain na ganito s'ya kawalang pakialam sa akin.
Mapait akong napangiti, kapag talaga hindi ka mahal ng isang tao ay kayang kaya ka nitong saktan sa paraan na alam nito. Pagkatapos ng pananakit ay bigla na lang itong aalis at hindi agad magpapakita.
May mga tao din na mas pipiliin ang manatili kesa ang iwanan at lumayo sa tao na alam nilang nagbibigay pasakit sa buong pagkatao nila.
Bakit hindi ko magawa ang umalis at iwanan siya?
Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang first aid kit bago nagtungo sa sala at doon na ginamot ang aking natamo na sugat. Hirap na hirap pa ako sa pag gamot ng sugat sa aking tagiliran kaya nagitla ako ng may kumuha noon sa mga kamay ko.
It was Judd, deretso lamang ang tingin sa aking bewang habang ito ang gumagamot noon at naglalagay ng tapal. Sobra ang kabog ng aking dibdib at halos hindi na makahinga dahil sa pagkakalapit ng aming katawan.
"S-salamat." Nakuha ko pa rin ang magpasalamat kahit siya ang may kagagawan kung bakit nangyari ito, hindi man lang n'ya ako tiningnan sa mga mata at niligpit nito ang naging kalat sa mesa.
"I'm sorry earlier." I was stunned dahil sa narinig. Mahinahon ito at hindi pasigaw kung magsalita. "Babawe ako, promise." Biglang nawala ang galit ko sa kanya ng marinig ang mga sinabi na ayon.
Simpleng salita na nakapag-pawala ng galit at pagkamuhi ko sa kanya.
Kaya heto na naman ang puso ko na tumatalon sa tuwa at hindi man lang natuto mula sa nangyari kanina.
"Sorry din sa mga nasabi ko kanina." Yon lang ang naging sagot ko.
Hindi na ako nakarinig pa ng salita mula sa kanya, umalis na ito sa harapan ko bago narinig ang pag andar ng kanyang sasakyan mula sa garahe.
Nakahinga naman ako ng maluwag, sa kaunting minuto na kami ay nag kausap, naramdaman ko naman ang pagiging sincere ng kanyang mga sinabi sa akin.
Lumabas muna ako sa likod bahay sa aming hardin, naupo ako sa isa sa upuan doon at tumingala sa kalangitan.
Hanggang kailan po ba ako magtitiis sa puder ng asawa ko?
Kakayanin ko po ba lahat ng pagsubok na ibinibigay niyo?
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
RomanceBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...