CHAPTER 13

117 3 0
                                    

 Kunot ang noo ako na nakatingin sa aking ina.

"Ahm." Yun lang ang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin dito o ano ang dapat i react sa sinabi nito. Parang may kung anong tinik ang bumaon sa aking lalamunan dahil hindi ako makaimik kaagad sa naging bungad sa akin ng aking ina.

"Hindi mo ba kasama si Judd?" My mother asked me at napangiwi ako. How did she know na asawa ko si Judd? Hindi man lang ba niya ako namiss?

Nang makalapit ito sa akin ay isang mainit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya at hinalikan ako sa aking kaliwang pisngi. God knows how much I miss my mom. Hindi ko naman mapigilan ang mapahikbi at niyakap ng mas mahigpit pa ang aking ina.

"H-hindi ko po siya kasama mom." Sabi ko na lang dito at pinagpasalamat ko na ikinatango niya bago kumawala sa aming yakap.

"I'm so excited to see this little one." Aniya at bahagyang hinaplos ang aking tiyan. Napangiti ako at niyakap siyang muli. Hindi na lang siguro ako magtatanong, parang alam ni mommy ang lahat.

Napahibi na naman ako ng yakapin niya akong pabalik.

"I miss you, mommy." Sabi ko rito and she patted my shoulder. "Where's daddy?" Dugtong na tanong ko pa.

"Nako ang daddy mo? Hindi yun naperme ng bahay, walang ibang ginawa kundi ang bumarkada e kay tanda-tanda na." Natatawa na sagot ni mommy kaya hindi maiwasan na mapatawa rin.

"Hindi niyo po ba ako namiss manlang?" May himig kong pagtatampo na tanong pa rito.

"Halos mainis na nga ako sayo sa kakapadala mo ng mga mamahaling bag. Hindi mo ba alam na napuno na ang isang guestroom natin ng mga bag na galing sayo. Yung kabinet sa kwarto halos mapuno din ng mga sulat mo." Napatulala ako sa narinig.

"P-pero."

"Mabuti pa si Judd laging napunta dito. Kulang nalang sugudin kita para lamang makita ka namin ng daddy mo pero dahil sa sulat na mga binigay mo alam kong hindi ka pinababayaan ni Judd." May ngiti na wika ni mommy kaya napahilot ako sa sintido. Anong klaseng dahilan 'yon? Pinagkakaisahan ba nila ako?

Bakit hindi ko yun naisip? Lahat ng 'yon ay kagagawan ni Judd, plinano niya ang lahat!

Napalingon naman ako ng biglang mag ring ang telepono at sagutin agad ayon ni mommy.

"Oh, hijo. Oo heto maayos naman kaming nag uusap."

"Kelan ang punta mo dito?"

"Ah, okay sige."

Napairap ako sa kawalan. Daig pang si Judd ang tunay niyang anak kung makaasta. Parang close na close pa sila? Sabagay ikaw ba naman ang mawala ng 7 taon at hindi nila nakikita tapos ang nagmamagaling na si Judd ang makikita mo ay talagang magiging close sila. Tsh!

"Mom, magpapahinga lamang po ako." Sabi ko bago lumingon ito sa gawi ko at ngumiti. Nakakainis lang ha?

"Okay, honey. Susunduin ka raw ni Judd later." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Huminga ako ng malalim at binigyan ng isang ngiti si mommy na alam kong hindi 'yon umabot sa aking mga tenga bago narinig muli ang pakikipag usap nito kay Judd sa telepono. Kakatampo na talaga, parang wala lang sa kanya ang pagpapakita ko, tapos may gana pa siya makipag usap kay Judd. Sa harap ko talaga? Imbis kausapin na lang ako and mag spend ng time para sa akin kaso hindi!

Argggggghhh! Kakainis na!

Halos magdabog ako na umakyat sa taas, walang pinagbago ang aking kwarto, ang mga manika ay nasa sarili pa ring pwesto. Kulay pink pa rin ang tema nito na hindi ko rin alam kung bakit ito pa ang nagustuhan ko sa dami ng kulay na mas maganda pa kesa sa pink.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon