CHAPTER 33

61 2 0
                                    

     Sobrang sakit sa kalooban na ihatid ang taong mahal mo sa kanilang hantungan. Hantungan na kung saan ay hindi mo na makikita pa, hindi mo na sila makikita magpakaylan man at kung dumating man ang araw o ilang taon na pwede itong silipin o buksan hindi na sila kagaya noon na maganda at buo ang buong kalamnan.

Parang kaylan lang iniisip ni Sam kung paano niya sisikmurain ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay. Ilang beses siyang nagluksa pero may mas sasakit pa pala lalo't nasaksihan niya ang lahat, nandun siya sa eksena kung saan wala ng buhay ang kanyang ina.

"Nakikiramay ako Sam." Tumango lamang siya sa sinabi ni Christine at tinalikuran na din ito kaagad.

Sa mga panahon na ito ay gusto niyang mapag isa, gusto niyang isipin kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, hindi pa natatapos ang laban niya at kung dumating man ang panahon gusto niyang mawala si Kassy dahil sa kabayaran ng mga mahahalagang tao na kinuha nito sa kanya.

"Can you please eat first?" Ang naiinis na boses ni Justine ang nakapagpabalik sa kanya sa katinuan.

"Wala akong gana." Maikling sagot niya bago tumayo at lumapit sa puntod ng kanya ina. Pinakatitigan nito ang maamong mukha ng kanyang ina. May tahi sa kanang pisngi tanda na lumaban ito bago siya patayin. "Makukulong ba ako pagkatapos nito?" Dugtong na tanong ko ng maramdaman ang pagsunod pa nito sa akin.

Mahabang katahimikan ang pumaloob bago siya makasagot sa akin.

"Hindi." Maikiling tugon ni Justine. "Nagawan na namin ng paraan ni Marius at tinulungan din kami ni Lucifer." Dugtong pa nito at isang tango lamang ang naging sagot niya sa sinabi ni Justine.

"Kahit ito na lang sana Samantha." Isang boses pa ang narinig niya at ng lingunin niya ito ay ang may tipid na ngiti ni Marius at nag abot ito sa kanya ng tinapay. "Hindi tayo aalis dito hanggat walang laman yang tiyan mo." Dugtong pa nito kaya naman simple niya itong tinanggap.

Naubos na ang luha sa kanyang mga mata. Ang wala niyang buhay na mga mata ay deretso lamang na nakatingin sa una habang naglalakad at bitbit ng ilang lalaki ang kabaong ng kanyang ina.

Nasa kanan niya si Marius at Lucifer habang si Justine naman ay nakapwesto sa kanyang kaliwa. Suot ang itim na bistida, itim na balabal at ang maitim na salamin na humarang sa kanyang dalawang mata upang hindi matingnan ang pamamaga nito.

Ipinapangako niya sa sarili na magbabayad ang may kagagawan ng lahat ng ito, lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ay may kabayarang hindi matatawadan ng kahit na ano. Sobrang sakripisyo at hirap na ang kanyang dinanas kaya hinding-hindi siya susuko upang mahanap at makamit ang tagumpay.

"Mauna na kami, Sam."

"May importante pa kaming gagawin."

"May pasyente pa rin akong papaanakin."

Nilingon ko sila ng matamplay at halos walang buhay ang mga mata. Ni kahit emosyon hindi mababakas sa aking mukha.

"Okay." Maikling sagot ko bago ibinalik ang tingin sa puntod ng aking ina na ngayon ay tabon na ng lupa na tanging sementado at larawan na lang nito ang nasa ibabaw.

"Pasensya na, bro. Ako na lang ang sasama dito, mag iingat kayo pag uwi." Dinig pa niyang sabi ni Justine habang papalayo sa kaniyang pwesto ang mga ito. Ilang busina pa ang kaniyang narinig bago tuluyang umalis ang kanilang sasakyan.

"Sam, aabutin na tayo ng ulan. You need to take a rest, baka hindi na kayanin ng katawan mo." Bakas ang pag aalala sa boses ni Justine. Nilingon niya ito at ang mapupungay na mata ang natagpuan niya.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon