CHAPTER 15

123 4 0
                                    

     NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag inat pa ako at biglang naramdaman naman ang pagyakap ng isang matikas na braso sa bewang ko na mayroong katamtamang higpit. Halos manindig ang balahibo ko ng marahang humaplos paitaas ang kamay ni Judd at bahagyang pinisil ang aking dibdib doon.

"Agang-aga, Judd." Suway ko habang naiiling sa kanya.

"Good morning, wifey." Bati niya sa akin kaya napangiti ako bago umayos ng higa paharap sa kanya at yumakap sa kanya pabalik.

"Good morning husbie." May ngiti sa labi na sagot ko. Namumungay naman ang mga mata nito na nakatingin sa akin, binigyan ko pa siya ng isang magaan na halik na mas nakapag palawak ng ngiti sa loko.

Kung ganito lang palagi tuwing umaga ang mabubungadan sa pagmulat ng mga mata, araw-araw siguro ako masaya. Pero tunay na ba talaga ito o isa na naman sa mga paraan niya?

Kung palabas lang ang lahat ng ito pwede bang itigil na lang? Pwede bang umayaw? Ayoko ng dumating sa punto pa na bawiin lahat ng kasiyahan na siyang nararamdaman ko ngayon. Pero paano kung nagsisimula pa lang talaga kami? Paano kung ito ang totoong simula para sa amin?

Napailing ako sa naiisip. Sobra na naman ang tadhana sa akin kung ganon.

I traced his eyebrow with my index finger to his pointed nose and reddened lips.

"Don't teasing me." Dahil sa sinabi nito ay agad kung inilayo ang daliri sa kanyang mukha at ikiniyom ang mga palad.

"Im not." Inosente kong sagot.

Bahagya akong nagulat ng mag mulat ito ng mata at may malawak na ngiti sa labi. Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya at mas niyakap ng may katamtamang higpit.

"I love you, wifey." Para tuloy akong teeneger na uumis-umis sa isang sulok dahil sa pinansin ni crush. Agang-aga parang aakyatin na kami ng langgam sa sobrang sweet, ang hirap masanay. "Gustuhin ko man na nasa tabi mo lang but I still have to go to the office. "Dagdag pa nito habang marahan na hinahaplos ang aking buhok.

"Pwede naman siguro akong sumama?" Tanong ko pa at nilingon niya ako.

"Are you sure?" Paninigurado na tanong ng aking asawa, halata sa mata nito ang pag aalinlangan.

"Yup, wala rin naman akong gagawin. Promise hindi ako magpapasaway. Behave lang po ako." Sagot ko pa at ng puppy eyes para lang pumayag ito.

"Silly, okay." I heard him chuckled bago ginulo ng bahagya ang buhok ko.

Tumayo ako ng walang saplot at pinulot ang damit ni Judd bago sinuot ayon, nagtungo ako sa closet at kumuha ng underware kailangan ko na kasi bumaba upang maghanda ng lulutuin at makagayak na rin.

Si Nanay Loleng ay nagpaalam at uuwi ito sa probinsya dahil sa gagraduate na ang kanyang apo ay walang mag aasikaso para doon. Wala namang naging problema sa amin ni Judd kaya pumayag agad kami at pinahatid kay Manong Klanor.

"Kamahalan, ano po ang gusto niyong kainin for breakfast?" Tanong ko ng makapag suot ako ng panty.

Printe itong nakatagilid ng higa sa kama habang nakatuon ang siko at nakasangkalan ang ulo sa kanyang kamay. Kahit papaano ay hindi niya pa rin maiwasan ang mailang sa paraan ng pagtitig sa kanya ng kanyang asawa kaya agad naman siyang nag iwas ng tingin.

Ngumiti na naman ito ng nakakaloko kaya tumalikod na ako, hindi siya umimik bagkos ay humagalpak ng tawa. Kahit sa labas ng kwarto ay rinig ko pa rin ang tawa nito. 'Mabulunan ka sana ng laway mo' bulong ko sa sarili.

Napapailing ako habang naglalakad pababa ng hagdan.

Una kong niluto ay kanin bago nag prito lang ako ng hotdog, itlog at bacon. Heto lang din naman ang mahilig kong lutuin kay Judd tuwing umaga noong mga panahon na wala pa si nanay Loleng dito sa aming bahay.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon