CHAPTER 44

54 2 0
                                    

     Another pain.

Kaya nga ako nag panggap na walang naalala kasi akala ko kahit papaano ay mawawala yung sakit na mararamdaman ko ngunit mali parin pala ako.

Imbis ipagamot ang sarili ay mas inuuna ko ito kahit para kay Shayla lang, sa anak namin ni Judd.

Imbis na pumunta sa mall upang ibili ng damit si Shayla at ang ina ni Judd ay mas napag pasiyahan ko ang umuwi na lang. May inutusan na lang ako na bumili ng mga damit nila at gamit, para sakaling makita ko sila ay may nakahanda ng gamit para sa kanila.

Nagtimpla ako ng kape, bago nagpunta ng sala at binuksan ang TV. Habang sumisimsim ng kape ay nakarinig naman ako ng tunog ng doorbell sa labas.

Chineck ko muna ang cctv at si Christine ang nakatayo mula doon. May pinindot naman ako upang automatic na magbukas ang gate at sumunod noon ang ilang katok sa pintuan.

I opened the door habang may suot naman na ngiti sa labi ito ngunit hindi aabot sa kanyang tenga.

"What are you doing here?" Walang buhay kung tanong. Ngumiti naman ito ngunit mababakas sa mata ang sakit dahil sa aking tinanong.

Niluwangan ko ang bukas ng pinto at naglakad papunta sa sala, ramdam ko naman ang pagsunod niya mula sa likuran ko.

"Hindi ka pa rin ba nakakaalala?" Tanong niya sa akin ngunit tiningnan ko lang siya sa mga mata.

"May kailangan ka ba?" Pag iiba ko ng usapan.

"Pwede ba ako dito matulog?" Napataas naman ang aking kilay.

"Hindi. Dahil hindi naman tayo magkapamilya mas lalong hindi naman kita kilala." Sagot ko pa bago humigop ng kape. "You can leave now, kung wala ka ng sasabihin pa." Pang tataboy ko bago itinuon ang mata sa TV. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas si Christine at doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

Nag si datingan na rin ang mga pinabili kung gamit and I also received a text from the private investigator. Nahanap na niya ang maglola kaya bukas na bukas ay yun ang aking tatrabahuhin. Ang puntahan sila.

Suot ko ngayon ang kulay pulang pantulog ng may mag doorbell sa labas. Tinanaw ko naman kung sino yun mula sa bintana at napa iling ng mapagsino.

Kulang nalang isipin ko na may sa aswang ang lalaki na ito dahil tuwing gabi lamang nagpapakita.

So anong gusto mo pati sa umaga? Tanong ng aking isip.

Napailing naman ako at bumaba na. Pinindot ko ang pindutan upang magkusang mag bukas ang gate at kasunod naman noon ang katok mula sa pintuan.

Nagtungo ako doon at binuksan. Halata naman na natigilan si Judd ng makita ako. Bahagya niyang ibinaba ang mga mata at ng sundan ko ng tingin ang kanyang mata ay nakatingin siya ngayon sa may umbok kung dibdib.

Nakalimutan ko na kasi ang magsuot ng roba, kainis!

"Eyes here." Walang buhay kung sabi. Mas pinaigi ko na lang ang mawalan ng pake kesa naman mag react pa sa kabastusan ng mata ng lalaki na ito.

Muli naman niya akong tiningnan sa mga mata. "Can I talk to you?" He asked.

"We are already talking." Pamimilosopiya ko.

"Pwede bang sa loob?" Aba't demanding pa?

Napairap naman ako at niluwagan ang bukas ng pintuan, naglakad ako papunta sa sala at rinig ko naman ang pagsunod niya.

Umupo ako sa bakanteng sofa na pang isahang tao lang talaga. I crossed my legs and arms at walang buhay siyang tiningnan sa mga mata. "Now talk."

Sinundan ko naman ng tingin ang kanyang kamay ng may dinukot ito sa kanyang likod na katamtamang laki ng enveloped. Inilapag niya ayon sa center table bago nagbigay ng isang tipid na ngiti.

"If ever you met them, huwag ka basta magtitiwala. Siguro ngayon tahimik sila pero sana mag ingat ka pa rin." He spoke. "And please, hayaan mong tulungan kita na maipagamot. May sakit ka, then after that hahayaan na kita kung sa pagkakataon na yun ay hindi mo pa rin ako naaalala." Malumanay na dugtong pa nito na akala mo'y nag iingat sa bawat salita na binibigkas.

Hindi naman agad ako nakaimik dahil sa sinabi niya, pinakititigan ko lang siya sa mga mata na nakatuon din sa akin.

Wala na ang matapang na Judd na kilala ko sa mahabang panahon na magkasama kami sa iisang bahay. Wala na yung palaging nakakunot ang noo at mataas ang boses.

Para siyang pagod na pagod sa lahat ng bagay at nangyayari.

Tumayo ako upang hindi madala sa nararamdaman. "You may go now. I'll think about it, depende pa yun kung dapat din ba akong magtiwala sayo." Walang gana kung sambit bago tinalikudan siya. "Pakisara nalang ng pintuan bago ka umalis." Dugtong ko pa at nagtungo sa taas.

Nawalan na rin ako ng gana upang kumain pa ng hapunan. Nahiga na lang ako sa kama at tumitig sa kisame. Sa kabilang banda tama din naman si Judd dahil sa patagal ay nalala rin naman ang sakit ko kung hindi ito magagamot.

Tumayo ako at naglakad papunta sa harap ng salamin. Marahan na tinagtag ang wig na suot, hindi naman maiwasan na may madala sa na ilang hibla ng buhok habang tinatagtag ang wig.

Mapait akong napangiti. Bukod sa sakit kung ito, kulang na lang ay malason akong tuluyan ni Jacob. Yung akala ko na safe ang pag layo ko kina Justine noon ay parang mas malala pa yung nangyari ngayon.

May hilam na luha akong muling nahiga hanggang sa naging hikbi at tuluyan ng na naiyak.

Nakakapagod.

Napapagod na ako sa lahat. Pero kaya pa naman diba? Para kay Shayla.

NAGISING ako dahil sa tunog ng alarm clock nag inat pa ako bago napagpasyahan na tumayo at ginawa ang morning routine. I receive again a text message and picture from him, maayos na kumakain ang maglola sa isang gilid sa kalsada.

Napailing na lang ako dahil hindi dapat nararanasan ni Shayla ang ganitong sitwasyon. Kaya napagpasyahan ko muna na bigyan ng matutuluyan sila Tita Jasmin at Shayla, sinabi ko na rin sa private investigator na siya na ang bahala kung paano ito mabibigyan.

I need to attend first ng meeting dahil ngayon ko makakaharap si Kassy. Pagkababa ng hagdan ay bigla ko namang naalala ang enveloped na binigay ni Judd. Dinampot ko ayon at kinuha.

Napatawa pa ako ng makita ang litrato ni Kassy na akala mo'y hindi natutuwa si Judd na kasama ang first love niya. Then ano na naman yung nakita ko kahapon? Wala lang? Trip lang?

Ang sunod naman na picture ay si Jacob, yeah! That jerk. Pero ang mas nakapag pakunot ng noo ko ng makita ang litrato ni Ma'am Carmen.

Wala naman itong pinakita sa aking masama then bakit pati ito kasali? Hindi maiwasan na tanong sa sarili.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon