CHAPTER 60

63 1 0
                                    

     Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumira silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay nito si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad.

Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin.

Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito.

"Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon.

"Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siya sa akin.

"What is this mommy." Inosente na tanong ng anak ko habang ngumunguya ng candy at turo-turo ang aking tiyan.

"You're little brother." Bulong ko malapit sa kanyang tenga.

Natawa naman ako sa panlalaki ng kanyang mata at ang pag porma ng letter O sa kanyang mga labi. Lagi na lang ganito ang nagiging expression niya tuwing sinasabi ko o nagtatanong siya tungkol sa tiyan ko medyo may kalakihan na.

Hindi pa rin kasi ako nakakapag pacheckup ulit simula noong maaksidente ako. Napansin ko rin na mabilis lumaki ang aking tiyan kahit na two months palang ito.

Pinagmasdan ko naman si Judd na ngayon ay nagpipintura ng dingding sa labas ng bahay namin. Pinapalitan ko ng kulay ang kabuuan ng bahay at kahit ang design ng gamit sa loob ay pinaayos ko rin.

Dahil kahit gustuhin ko man na ibaon sa limot ang mga alaala na nangyari sa malaking bahay na ito ay parte pa rin yun ng nakaraan ko o namin ni Judd na hindi namin malilimutan kung saan ay daan ayon ng aming pagsubok hanggang sa marating namin ngayon ang maayos at masayang pamilya na matagal ko ng inaasam at hinahangad.

Nag feflex ang mga muscle ni Judd habang nagpipintura kaya akin naman siyang sinipulan. "Wow, sexy." Komento ko at tinawanan ang huling sinabi. Tumingin naman sa akin si Judd bago bumusangot.

Napalingon naman ako sa babae na dumating, may magandang ngiti sa mga labi at may kasunod na tatlong lalaki. May dala silang wheel barrow na may lamang magaganda klase ng bulaklak. Nilingon ko si Judd na mayroong ngiti sa mga labi kaya kahit ako ay hindi na rin maiwasan ang mapangiti.

Ibinaba nila ayon kaya heto kami ngayon ni Shayla nagtatanim at ng matapos rin naman si Judd ay tinulungan niya kami hanggang sa matapos.

"Judd! Sam! Handa na ang tanghalian!" Napalingon kami sa sigaw ni Nanay Loleng.

Si Judd ay agad na naghinaw sa may hose kasunod ni Shayla napasibangot pa ako ng buhatin ni Judd ang aming anak papasok sa loob at iwanan ako.

Mabilis akong naglakad papasok habang nakabusangot pa rin ang mukha ng bigla ko namang nakasalubong si Nanay Loleng. "Oh, anong nangyari sayo at busangot yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Nanay Loleng.

"Iniwan kasi ako noong mag-ama doon sa labas at nanguna na sa pagkain." Sumbong na siya namang ikinatawa ng matanda.

"Ay siya halika na at kumain, damihan mo at ubusan mo sila." Natatawa na biro niya sa akin kaya ako naman agad ay naupo sa hapag at nagsimula ng kumain habang hindi na pinapansin si Judd at Shayla na alam kung nakatuon ang tingin sa akin.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon