CHAPTER 59

52 1 0
                                    

      Halos mainip ako kakahintay kay Kassy sa binigay niyang address, napili pa ni Kassy ay ang hindi masyadong matao na lugar. Napalingon naman ako ng mag bell ang nakasabit sa may pintuan. Nakita ko doon si Kassy na bitbit si Julius, nagbigay siya ng isang tipid sa akin at habang naglalakad ay nakatuon lang sakin ang mga mata niya.

"Hi." Bungad na salita niya sa akin.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya bago nagsalita. "Kamusta ka? Hi baby Julius." Imik ko naman at hinipo ang kamay ng anak ni Kassy.

"Anong gusto mo? Mabuti na lang may pancake dito, pwede naman siguro yun kay Julius." Sabi ko kay Kassy.

"Ikaw na ang bahala, Sam." Sagot niya sa akin at tumango naman ako.

Nag order lang ako ng juice at ganun din kay Kassy, sa anak naman niya ay isang buong pancake at tubig na lang ang hingi ni Kassy para sa kanyang anak.

"Mabuti at nakatakas ka ngayon." Basag ko sa katahimikan. Nang tingnan naman ako sa mata ni Kassy ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Ikaw lang ang pag asa ko ngayon, Sam." Hindi naman maiwasan na may mamuong awa sa aking puso para sa kanilang mag ina.

"Nabalitaan mo ba ang nangyari kay Carmen?" Marahan ko na tanong at may pag iingat na tanong dito. Halata naman sa mga mata at base sa expression ng mukha ni Kassy na nagpipigil lamang ito ng luha.

"Yes, alam ko naman na kahit anong galit ni Judd ay hindi niya yun kayang gawin." Nakahinga naman ako ng maluwag sa kanyang sinabi.

"Salamat, Kassy." Pasasalamat ko ng biglang may lumapit sa aming babae at inabutan kami ng dyaryo.

"This is a free ma'am you can have this." Napantastikuhan naman akong tumingin sa babae ngunit isang tipid lamang na ngiti ang binigay pa niya sa amin bago umalis sa aming harapan ni Kassy, sabay naman kami napahigkhik ni Kassy na parang teenager at nagkatinginan na lang habang may ngiti sa mga labi.

"Sam." Napataas naman ang dalawa kung kilay kay Kassy ng tawagin niya ang pangalan ko. Iniipod niya palapit sa akin ang inuupuan ni Julius at napansin ang maliit ngunit kulay pulang ilaw na nakatutok sa dibdib ni Kassy. Hinawakan niya agad ang aking kamay bago nagsalita. "Shhh, kumalma ka lang. May kasama ka naman ngayon diba katulad ng napag usapan natin." Para akong pinanghinaan sa sinabi ni Kassy. Bahagya akong umiling at naipikit naman ni Kassy ang kanyang mga mata. "I'm sorry." Mahina kung usal.

"No, it's okay. Umupo ka ng maayos at please sanggahan mo si Julius at siguraduhin mo na makakatayo ka kaagad diyan sa inuupuan mo. Tatakluban ko ng dyaryo ang tapat niyo at magtago na agad kayo." Kinabahan naman ako paliwanag ni Kassy.

"Paano ka? Hindi ko kaya ito ng mag isa Kassy." Kinakabahan ko na tanong ngunit mas pinaigi ko nakalmahan ang pag imik at magpakawala ng ngiti sa labi.

"Kaya ko na ang sarili ko, ang importante sa ngayon ay ang anak ko Sam." Napakagat ako sa labi at binitawan ni Kassy ang aking kamay bago hinawakan ang dyaryo na nakapatong sa mesa.

"Stand up and go!" Sigaw ni Kassy sa akin kaya agad akong kumilos at yumuko bago kinuha si Julius at nagtago sa kung saan malayo sa sa malawak na bubog.

Nakarinig ako ng ilang putok ng baril at nagsimula ng umiyak si Julius. Mabilis akong kumilos bago nag tungo sa kusina ng restaurant at agad na hinagip ang aking cellphone. Una kung nadial ang number ni Justine at agad naman niya ayong sinagot.

"Hello binibini." Rinig kung bati ni Justine sa akin.

"Shit! Puntahan mo ako ngayon sa Tondo, MC restaurant right now. Tulungan mo si Kassy please." Namatay naman agad ang tawag kaya mas pinag igi namin ang pagtago.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon