26

214 13 0
                                    


CHAPTER 26

Unedited...
"Nasaan si Ate Mandy?" tanong ni LL nang pagpasok niya ay nadatnan sina Aron at John Matthew na nakaupo sa sala. "Wala ba siyang planong mag-merienda?" Alas dos 'y medya na ng hapon at ang alam nila ay may free time ang pinsan na isang oras.
"Hindi ko siya nakita," sagot ni Jacob. "Ikaw Kuya, nakita mo ba ang girlfriend mo?"
"Wala," tipid na sagot ni Aron.
"Nag-away na naman kayo kanina. Pinaiyak mo siya," sabi ni LL.
"Huwag na nga ninyong ipaaalala!" naiinis na sabi ni Aron.
Napatingin sila sa kakabukas na pinto at nakasimangot na pumasok si Jairah. "Kausapin nga ninyo ang Ate Mandy ninyo!"
"Bakit po?" tanong ni LL.
"Ayun, hindi pumasok kanina at iyak lang nang iyak sa rooftop!" sumbong niya. Kanina pa siya napapagod lalo na ang tainga niya sa kakasigaw ni Mandy.
"Ano ba ang pinag-awayan ninyo, Kuya?" tanong ni Jairah.
"Wala!" sagot ng kapatid.
"Kuya naman. Hindi ba talaga kayo magkakasundo ni Mandy? Palagi na lang kayong ganiyan!"
"Bahala siya!" Tumayo si Aron at naglakad palabas ng tambayan. Siya na nga itong naagrabyado, siya pa ang may kasalanan kung bakit umiiyak si Mandy.
Napadaan siya sa hagdan patungo sa rooftop kaya tumigil siya at tumingala. Ngayon lang niya nakita na ganito kalakas umiyak si Mandy. May dalawa siyang options, una, dumiretso sa classroom at hayaan ang dalaga at pangalawa, puntahan ito para kausapin at sa bandang huli, mas pinili niya ang pangalawa.
"Ang sama niya!" bulong ni Mandy habang umiiyak na nakatalikod sa kaniya. "H-Hindi naman ako ang nagpunit ng damit niya e!"
Napasandal si Aron sa likod ng pinto at pinagmasdan lang niya ang dalaga saka nakikinig sa mga pinagsasabi nito.
"Kasalanan ko ba kung tanga siya? E sa niloloko lang talaga siya ng bakeshop na 'yon!"
Sa totoo lang, alam niyang wala ring kasalanan si Mandy sa mga naging actions ni Julie noong nasa pool sila. Kahit paano ay nagpasalamat siya rito. Kung wala si Mandy, paano na lang kaya siya? Ano ang sasabihin niya sa mga taong nakatingin sa kaniya? Na kawawa siya? Na niloloko lang siya ni Julie? Rinig na rinig niya kung paano nito sambitin ang mga salitang mahal nito si Jerome. Cool off pero wala pa ngang isang linggo, ipinagpalit na siya kaagad sa kaibigan niya.
"W-Wala na si Liam, hindi na niya ako magugustuhan," humihikbing sabi nito at nilalaro ang bangs.
"Tumayo ka na nga diyan!" sabi niya at lumapit sa dalaga. "Tingnan mo nga ang mukha mo, para kang pulubi!"
"Wala kang pakialam!" singhal ni Mandy at napayuko. Ang pula na ng mga mata nito dahil sa kakaiyak.
"Ano ba ang problema mo?"
"Ikaw! Kailan ka pa mawala sa buhay ko na tanga ka? Mula nang makilala kita, ginulo mo na ang mundo ko!" sumbat ni Mandy.
"Mas ginulo mo ang buhay ko, Mandy! Ano ba ang inaalburuto mo?" Suko na siya. Wala siyang mapapala sa babaeng ito. Lahat ng bagay, ginawa na niya para lang lumayo ito pero mukhang mas pinaglapit pa sila ng tadhana para mag-away. Buong buhay niya, away lang nang away. Ayaw pa nitong magpatalo.
"Si Liam!" sagot ni Mandy. "Nag-date sana kami kung hindi mo pinutol ang buhok ko! Kailangan ko pang magtawag ng hair stylist bago humarap sa kaniya!"
"Tumayo ka na diyan!" Utos ni Aron at hinawakan ito sa kaliwang braso para tumayo.
"M-Masakit!" daing ni Mandy nang tumayo at hinimas ang braso. "Para akong hindi tao kung saktan mo!"
"Hindi kita sinasaktan! Tumatanggi ka lang kaya ka nasasaktan!"
"Hayaan mo na ako rito! Hindi naman kita inaano bakit ka naparito?" Hindi na siya umiiyak. Ang kaninang pagdadrama niya, napalitan na ng pagkainis dahil sa lalaking kaharap.
"May pupuntahan tayo," sagot ni Aron at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa. "Suklayin mo muna ang buhok mo para maayos ka namnang tingnan." Magulo na ang buhok nito lalo na ang bangs. Ito yata ang pinagdidiskitahan niya habang umiiyak.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta!"
"Hindi ako sasama sa 'yo, baka papatayin mo ako!" pagtanggi ni Mandy. Ayaw niyang makita si Aron dahil sobrang sama ng loob niya rito.
"Hindi kita papatayin. Sumama ka na bago pa kita kaladkarin!"
"Ayaw!" Maupo na sana siya muli pero hinila na siya ng binata para pumasok sa elevator.
"Ano ba ang gagawin mo?" Pinaghahampas niya si Aron nang sumara ang elevator pero nahawakan nito ang mga kamay niya at isinandal siya.
"Isang hampas pa, hahalikan na kita!" pagbabanta niya kaya agad na itinikom ni Mandy ang bibig. Hindi kasi ito nagbibiro. "Good!" sabi ng binata at binitiwan ang kamay ng dalaga.
Pagdating sa parking area, sumakay si Mandy sa frontseat.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang hindi na makatiis.
"Glorietta."
"Ano ang gagawin natin doon?" nagtataka niyang tanong.
"Date!" Labag sa loob na sagot ni Aron.
"Hindi ako nakipagbiruan," nakasimangot na sabi ni Mandy na nakatutok ang mga mata sa unahang daan.
"Mas lalo na ako," sagot ni Aron at naghanap ng mapaparkingan.
"Ayaw kong makipag-date sa 'yo!"
"Mas lalo na ako!" sagot ni Aron. "Magbabayad lang ako ng kasalanan ko kaya huwag kang umasa na gusto talaga kitang i-date."
"Inamin mo na ring may kasalanan ka!"
"Para ka kasing batang nagta-tantrums sa rooftop. Isa pa, okay na 'yun, huwag ka lang manggulo sa loob ng mall."
"Bakit mo gagawin ito?"
"Dahil para kang mamatay na hindi lang nakasama kay Liam kanina na puwede mo namang magawa 'yon bukas."
"Basta ide-date mo ako?" nakangiting tanong ni Mandy kaya nabahala bigla si Aron.
"Iba ang date kaysa shopping kaya wala kang ipapabili." Inunahan na niya ito kaya napasimangot ang dalaga. Wais din 'tong si Mandy kaya kailangan niyang alalahanin ang wallet niya.
"Nakakainis ka, Aron!"
"Bumaba ka na."
Nang nasa loob na sila ng mall, sinabayan niya si Mandy sa paglalakad. Kung saan-saan gumagala ang mga mata nito pero mayamaya pa'y sumisimangot na kapag may makitang sapatos.
Tumigil ito at humarap sa kaniya. "Bili mo 'ko shoes."
"Bumili ka kung may pera ka!"
"Kuripot mo namang ka-date! Mabuti pa si Liam, pinadalhan ako ng shoes!" reklamo ni Mandy.
"Sila naman ang may-ari nun kaya hindi kawalan sa kaniya," sagot ni Aron at iginala ang mga mata sa palibot dahil baka may kakilala siya pero wala.
"Bakit ba kasi bar ang negosyo mo? Sana shoes na lang para libre mo 'ko. Para kang hindi boyfriend!" Napansin niya na maraming kababaihan na napapalingon kay Aron at napatitig sa mukha nito kaya sinabayan na niya ang binata sa paglalakad.
"Hindi ko gusto ang mga sapatos," prangkang sagot niya. Masyadong magastos at malaki ang budhet para sa imported shoes dahil hindi basta-basta ang mga materyales at ang iba ay sa ibang bansa mo pa bibilhin. Unlike sa bar, may kakilala na ang daddy niya at hindi mahirap ang shipment sa imported na inumin.
"Pero gusto ko!" naka-pout na sabi ni Mandy.
"E di magpatayo ka ng sarili mong sapatusan!" suhestiyon niya. Kaya naman nila kung gustuhin. Mas mayaman ang mga ito kaysa sa kanila.
"Nextime 'pag may time!"
"Aron?" Napalingon sila nang may tumawag sa kanila.
"Mia!" bulalas ni Aron at hinalikan ang dalaga sa pisngi.
"So, totoo pala ang balitang nagkahiwalay na kayo ng pinsan ko?" Napasulyap siya kay Mandy. Hindi niya gusto ang hairstyle nito.
"Oo, bakit? Gusto mong mag-apply bilang new girlfriend ni Aron?" sabat ni Mandy.
"Ikaw pala ang ahas na rason ng breakup nila?" puno ng galit na sabi nito.
"Hindi ko na problema kung bakit nagpakamot sa iba ang pinsan mong mula sa angkan ng mga higad!" sabat ni Mandy na medyo tumaas na ang boses. Siya, ahas? Nanaginip ba ang babaeng ito?
"Huwag mong pagsalitaan ang pinsan ko ng ganiyan!" nakapamewang na sabi nito kaya nanewang din si Mandy.
"Ayaw mong tanggapin na santa santita demonyita ang pinsan mo?" Bakit ba siya magpapatalo sa mukhang impaktang ito?
"Mandy, tama na," saway ni Aron at hinawakan ito sa braso sabay pisil para tumahimik na ito.
"Hindi ka pala kawalan kay Julie, Aron. 'Yan lang pala ang ipinalit mo sa pinsan ko? Shame on you!"
"Mas mahiya ka sa balat mo!" sabat ni Mandy at susugurin na sana ito pero pinigilan na naman ni Aron.
"Wala kang alam sa tunay na nangyari sa amin ni Julie, Mia. Kaya huwag mong husgahan si Mandy na para bang siya ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay," mahina pero puno ng hinanakit na sagot ni Aron. Nakakakuha na sila ng atensyon.
"Narinig mo 'yon? Wala akong alam sa pagpakamot ng pinsan mo kay Jerome!" nakataas ang kilay na sabi ni Mandy. Ipinulupot niya ang kamay sa braso ni Jerome. "Kaya huwag mo na kaming pakialaman dahil masaya na kami!" Isinandig pa niya ang ulo sa braso ng binata. "Halika na, Aron ko, date na tayo," malambing na sabi niya saka pinandilatan si Mia bago ito talikuran.
"Kapal ng mukha e pangit naman!" bulong ni Mandy na nakapulupot pa rin ang mga kamay kay Aron.
"Hayaan mo na. Hindi lang nila alam ang mga nangyari. Isa pa, may kasalanan ka rin naman," sagot ni Aron at sa ipinasok si Mandy sa mamahaling restaurant.
"Sila na nga. Ang sweet pa nila," sabi ng bakla na nadaanan nila ang table ng mga ito.
"Kilala mo?" bulong niya kay Aron.
"Journalists," sagot niya. "Ikaw ang nagpatawag ng presscon tapos hindi mo sila maalala? Palibhasa puro ka drama!" sagot niya. Mukhang TV personality ang mga costumer. "Dito na tayo maupo, Mady."
Dalawang table mula sa counter niya pinaupo ang dalaga. "Bibili lang ako ng pagkain."
"Hindi pa ako kumakain kaya kailangan ko ng rice," nakalabing sabi ni Mandy na nakatingin sa kaniya.
"Maupo ka lang dito, o-order ako."
Pumila na siya. Puro seafoods ang in-order niya kaya napasimangot ang dalaga nang mai-serve na ang pagkain.
"Bakit puro seafoods?"
"Paborito ko," sagot ng binata. "Ayaw mo?"
"Ayaw ko. Hindi ako kumakain."
"E di huwag kang kumain," sabi ni Aron at nagsimula nang kumain. Napansin niyang nakatitig si Mandy sa kaniya na tumutulis ang nguso.
"Kung ayaw mong kumain, mag-order ka ng para sa 'yo."
"Wala akong pera! Sabi mo, mag-date tayo tapos ikaw lang ang kumakain!"
"Subukan mo lang kasi ang seafoods, masarap naman lalo na itong bangus!" Kinuha niya ang isang hiwa ng tiyan ng bangus sa sinigang at inilagay sa plato ni Mandy.
"Matinik!" sagot ni Mandy. Minsan na siyang natinik kaya hindi na niya sinubukan pang kumain ng kahit ano'ng isda pero kumakain siya ng mga hipon basta iyong walang tinik na lamang-dagat.
"Wala 'yan," sabi ni Aron at ipinagpatuloy ang pagkain. Puro isda ang in-order niya kaya wala itong choice.
"Kakain ka ba?" Tumigil siya nang hindi nito ginagalaw ang pagkain.
"Matinik nga!"
Ilang segundo siyang nakipagtitigan kay Mandy pero sa huli ay siya rin ang sumuko. Inurong niya ang sariling plato at kinuha ang plato ni Mandy.
"Oh ayan, wala nang tinik 'yan! Siguro naman makakakain ka na?" may himig ng pagkairita sa boses niya nang ibalik kay Mandy ang plato.
Ngumiti ang dalaga. "Salamat, Aron ko," malambing na sabi ni Mandy saka nagsimula nang kumain kaya napailing na lang si Aron. Never pa niyang nagawa ito sa kambal na kapatid lalo na sa dati niyang kasintahan.
Naiilang tuloy siyang sumubo dahil sa mga matang nakatitig sa kanila. Nawawalan na siya ng privacy.
"Bilisan mo nga ang pagkain," bulong niya kay Mandy.
"Aron ko? Gusto ko pa ng bangus," sabi ni Mandy.
"E di kumuha ka!"
"Matinik!"-Mandy.
"Shit!" mahinang sambit niya at naiinis kinuha na naman ang plato ni Mandy saka nilagyan ng bangus at tinanggalan ng tinik.
"Dahan-dahan lang, baka matinik ka," natatakot na sabi ni Mandy.
"Oh, tapos na senyora, kumain ka na!" Para siyang alalay nito kaya nabu-buwesit siya.
Pagkatapos nilang kumain, nagyaya ang dalaga na pumunta sa Department Store dahil may bibilhin daw.
"Huwag kang magturo! Para kang bata!" Kapag mapapadaan sila sa mga sapatos, tumuturo si Mandy na ibili raw niya.
"Ano ba namang ka-date 'to, walang kuwenta!" sabi ni Mandy at ipinulupot ang kamay sa braso ni Aron kaya hinayaan na lang niya.
"Mandy?" tawag niya kaya inosenteng tumingala sa kaniya ang dalaga. "Mag-boyfriend ka na kaya para mabawas-bawasan ang ugali mong kasuklam-suklam!"
Sa halip na makipagtalo, tumawa si Mandy. "Ayaw ko," seryosong sagot nito.
"Why? Nasa legal age ka na. Malapit ka nang mag-nineteen kaya okay lang iyon kina Tita Cheska," sabi niya. Para kahit paano, mag-concentrate naman isa kasintahan at hindi na siya magulo pa.
"Ayokong mag-boyfriend, mamamatay akong walang boyfriend!" sagot ni Mandy at hinawakan ang kamay ni Aron para lumayo sa mga sandal. Hindi na talaga siya bibili ng sandal sa kahit saan mang Department store.
"Pero gusto mo si Liam, 'di ba?" sabi ni Aron habang pumipili si Mandy ng mga damit sa D&G pero sa huli ay binitiwan niya nang mapansing class A lang ito.
"Ayaw ko siyang maging boyfriend. Ayaw ko ngang mag-boyfriend!" sagot ni Mandy. Mula noon, nakatatak na sa utak niya na hindi siya makapag-asawa. Para ano pa? Wala namang lalaking gustong makasama siya. Mabuti pa ang shoes, may forever sila.
"Ikaw ang magbayad nito, ha!" sabi niya at kinuha ang Victoria Secret na cologne.
"Sige, bayaran natin tapos umuwi na tayo," sabi ni Aron.
"Okay!" sabi ni Mandy at ipinulupot na naman ang mga kamay sa braso ni Aron patungo sa counter kaya napabuntonghininga na lang ang binata.
"Ang hirap naman pala makipag-date sa pobre," panunuya ni Mandy pero wala siyang panahon para makipagtalo pa kay Mandy. At least cologne lang ang nadali nito sa kaniya.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon