54

2.2K 82 0
                                    


OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 54

Unedited...
"Ba't gising ka pa?" tanong ni Aira kay Aron. Alas otso na ito nakauwi. Kanina pa niya tinawagan si Mandy at ang sabi ng dalaga, alas singko pa lang ay naghiwalay na sila. Ngayong alas dose na ng madaling araw ay nasa terrace ang anak at may kinakausap sa cellphone.
"H-Hindi lang ako makatulog," sagot ni Aron at itinago ang cellphone sa bulsa na para bang takot mabasa ng ina ang kung ano man ang itinatago nito.
"May problema ba? Ano ang narinig kong kandila?" tanong ni Aira. Emergency at kandila lang ang malinaw sa pandinig niya dahil mukhang natataranta ang anak habang may kinakausap.
"H-Huh? Baka ho mag-brownout kaya sabi ng kaibigan ko, maghahanda siya ng kandila for emergency purposes," pagdadahilan nito.
"Sige na, matulog ka na. Nagising lang ako dahil iinom lang ako ng tubig dahil naubusan kami sa ref. Nakalimutan kong magdala kanina," ani Aira at bumaba na kaya muling pumasok si Aron sa kuwarto at pinatay ang ilaw saka nahiga.
"Mandy!" galit na sambit niya sa pangalan ng kasintahan. Kung alam lang nito ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hindi talaga siya makatulog. Buwesit na buwesit siya. Paano kung hindi nito nagustuhan ang inihanda niya? Masyado naman kasing maaga. Kilala niya si Mandy at kapag may sabihin ito, talagang gagawin nito.
Bukas ng hapon aayusin ng mga tauhan ang resthouse sa Batangas. Sana lang ay walang pumuntang pamilya o kamag-anak niya. Ito lang naman ang may jacuzzi na resthouse nila.
Pasado alas dos na siya nang hilain ng antok kaya paggising niya ng alas sais ay para siyang zombie na wala sa sariling naglakad patungo sa CR.
Paglabas niya, tumunog ang cellphone niya. Gusto niyang itapon nang makita ang "Mandy ko" na tumatawag. Hindi dahil sa naiinis siya rito kundi dahil nape-pressure siya.
"Bakit ang tagal mong sagutin?" tanong kaagad ng dalaga nang pindutin niya ang answer button.
"N-Nasa shower room ako, kakalabas ko lang," sagot ng binata.
"Aron ko?" malambing na naman ang boses nito kahit sa cellphone lang.
"M-Mandy ko?"
"Remind lang kita, mamayang gabi ha. Alam mo na 'yon," paalala nito kaya napalunok ng laway si Aron.
"S-Sige..." Matagal pa naman gumabi pero kinakabahan na siya pero mas nanaig pa rin ang excitement.
"Ahmm... Aron ko? Huwag mong kalimutan ang condom, ha."
"Shit!" -Aron.
"Galit ka?" malamig ang boses na tanong ni Mandy. Kahit na wala ito sa tabi niya, nai-imagine na niya ang mukha ng dalaga na kulang na lang ay lamunin siya ng buo.
"Hindi. Nakalimutan ko kasi. Sige, bibili ako mamaya," sabi ni Aron.
"Ah, makakalimutin ka talaga. Dapat lang!" ani Mandy. Sasagot pa sana si Aron pero tinapos na nito ang tawag.
Bago siya pumasok, dumaan muna siya sa drug store at bumili ng iba't ibang klase ng condom. Bahala na. Normal lang naman sa lalaki ang bumili nito pero medyo nailang siya sa cashier. Ang dami kasi ng pinamili niya.
"Ito po lahat, sir?" tanong nito.
"Yes, bachelor party namin mamaya kaya iyan ang ibigay namin sa groom to be na kaibigan namin," sagot niya. Halata talagang may kalokohan siyang gagawin dahil masyado siyang defensive. Dapat kalmado lang pero ano ang magagawa niya? Siya lang talaga ang binatang kinakabahan dahil planado ang first love making nila.
Pagdating sa paaralan, hindi na niya hinanap si Mandy at natulog sa classroom pero kakapikit lang niya ng mga mata, may mahinang sumipa na sa tuhod niya.
"Mandy ko," sambit niya.
"Aron ko? Bakit ganiyan ang mukha mo? Nanlalalim ang mga mata mo," tanong ni Mandy, "Nagpuyat ka ba kagabi?"
"Inihanda ko kasi ang nasa listahan mo," sagot ni Aron saka umayos ng pagkakaupo. Napasulyap siya sa mga labi nito. Mamaya, mapapasakaniya na ang katawan nito. Napilig niya kaniyang ng ulo sa naisip. Kagabi pa siya hindi mapakali sa gagawin nila mamaya.
"Kawawa naman ang Aron ko," naawang sabi ni Mandy. Sana pala nagbigay man lang siya ng oras para sa makapaghanda si Aron, "Huwag na lang kaya natin ituloy, next time na lang."
"Huwag. Okay na ang lahat," sagot ni Aron. Sayang naman ang effort niya. Iniwas niya ang mga mata nang mapansin ang mga titig ni Mandy.
"Okay, sabi mo e."-Mandy
"May pasok ka na yata?" tanong niya. Pasado alas siyete 'y medya na. Ang alam niya ang may pasok si Mandy ng alas siyete.
"Nagpaalam lang akong mag-CR. Aron ko?"
"Hmmm?"
"Kiss mo 'ko!" Utos ni Mandy at siya na mismo ang yumuko sa binata at binigyan ng smack kiss, "Alis na 'ko, matulog ka muna."
Pagtingin niya sa paligid, napansin niyang sa kaniya nakatingin ang mga kaklase niya. Para siyang si Mandy, paunti-unti na niyang natutunan ang art of dedma dahil sa kasintahan. Kung sabagay, kahit nga pamilya at kaibigan nila, nagtataka kung paano nauwi sila sa magkasintahan. Well, may pag-ibig talagang dumarating na hindo natin inaasahan.
Nang magtanghalian, dumiretso siya sa tambayan dahil kanina pa siya nagugutom.
"Aron ko?" tawag ni Mandy na nakaupo sa couch. Ang pogi talaga ng kasintahan niya. Dati, ang pangit nito sa paningin niya pero ngayon, ang guwapo na.
"Mandy ko?"
"Matulog ka muna, gigisingin kita kapag kakain na tayo," malambing na sabi ni Mandy at pinaupo ito sa tabi niya.
Nahiga si Aron sa couch at ginawang unan ang mga hita ni Mandy. Kanina pa nga talaga siya inaantok. Pinipigilan lang niya ang sarili.
"Ang sweet naman ng dalawa, parang hindi galing sa giyera a!" sabi ni Jairah nang pumasok. Huling-huli talaga niyang pinagmasdan ni Mandy ang mukha ng kapatid niya habang natutulog.
"Huwag kang maingay, kitang natutulog ang tao e!" saway ni Mandy at binigyan ito ng pamatay na tingin.
"Fine! Ipagpatuloy n'yo lang 'yan! Kapag maghiwalay kayo, ewan ko lang!" pagsisinuplada ni Jairah.
"Ang negative ninyo!" naiinis na sabi ni Mandy, "Hindi kami maghihiwalay!"
"Talaga? Sigurado ka?"-Jairah.
"Oo!" taas noong sagot ni Mandy, "Dahil kakalbuhin ko ang lahat ng tumutol at maging dahilan kung bakit mag-aaway kami!"
"E di kayo na! Relationship goal n'yo 'yan e!" pagtataray ni Jairah at pumasok sa kuwarto.
Ala una na nang ginising ni Mandy si Aron para kumain. Masakit na nga ang mga hita niya pero ayaw naman niyang magising ito. Kawawa naman kasi ang mga mata nitong nanlalalim at nangingitim sa gilid.
Alas kuwatro nang sunduin ni Aron si Mandy at pumunta sa parking lot para pumunta sa Batangas. May tatlong oras silang biyahe pero okay lang, nakatulog naman siya kanina.
"H-Huwag na lang kaya tayo tumuloy," sabi ni Mandy na humarap sa binata.
"Bakit?" tanong ni Aron. Kahapon, ito ang atat na atat pero sa nakikita niya sa hitsura nito, parang asong naputulan ng buntot.
"Kinakabahan ako," pag-amin ni Mandy. Para silang magtatanan. Parehong hindi alam ng mga magulang nila na hindi sila uuwi.
"Sige, balik na lang tayo?" tanong ni Aron. Wala naman siyang magagawa kung ayaw o hindi pa handa si Mandy.
"Ituloy na lang natin. Dito rin naman tayo hahantong e," pagbawi ni Mandy, "Basta Aron ko, panagutan mo ako ha."
Ngumiti si Aron. Kung siya ang tatanungin, gusto na nga niyang magsama na sila ngayon din. Hindi siya ganito kay Julie. Lahat ay planado noon at nasa ayos. May goal siya sa buhay bago sila magpakasal pero kay Mandy, hindi na niya magawang mag-isip pa ng tama. Basta kapag kasama niya ito, lahat ay nagiging tama kahit na baluktot pa sa paningin ng iba.
Kung anu-ano ang pinag-usapan nila habang nasa biyahe hanggang nakarating sa private resort ng mga Rodriguez.
"Halika," yaya niya kay Mandy at hinawakan ang kanang kamay nito papasok sa resthouse. Kumain na sila kanina sa fastfood na nadaanan kaya busog pa sila.
"Wow!" manghang wika ni Mandy nang pumasok. Puno ng petals ang buong paligid. Lahat ng naaapakan niya ang may rose petals na iba't ibang kulay.
"Halika sa taas," yaya ni Aron. Pagpasok niya, sumalubong sa kanila ang pinaghalong vanilla scent at mahalimuyak na rosas.
Ang bedsheet sa kama, si Pooh ang design. Lahat ng nakikita ni Mandy ay mamahaling gamit. Kinuha ni Aron ang lighter sa ibabaw ng bedside table at sinindihan ang malalaking kandila na nakapalibot sa buong kuwarto. Tuwang-tuwa naman si Mandy nang mapansing hugis sapatos ang mga kandila. Pinatay ni Aron ang ilaw para kandila ang magsilbing ilaw nila.
"Gusto mong maligo?" tanong ni Aron.
"Sa jacuzzi? Sige!" excited na sagot ni Mandy. Kinuha niya ang black bikini sa backpack na dala at isinuot habang nakatalikod si Aron na nagbihis din.
"L-Ligo na tayo?" naiilang na sabi ng binata at napalunok ng laway. Ngayon lang niya nakita si Mandy na nakasuot ng two piece. One piece na palagi ang suot nito. Ngayon ay kitang-kita niya ang makinis nitong balat at ang ganda pang pagmasdan ang legs nitong tila walang hanggan.
Inalalayan niya si Mandy na lumusong sa heart shape jacuzzi na may ilang rose petals na nakalutang sa tubig.
"Ang sarap naman ng tubig!" sabi ni Mandy at napatingin sa kasintahan, "Aron ko, kiss mo--uhmp!" Hindi pa niya natapos ang sasabihin nang halikan na siya ng binata sa mga labi kaya napahiga siya pero ang ulo niya ay sinusuportahan ni Aron para hindi lumubog.
Tumigil si Aron at pinagmasdan siya sa mukha, I love you, Mandy ko!"
"I love you too, Aron ko," sagot ng dalaga at ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito saka siniil ng halik si Aron.
Napaigtad siya nang maramdaman ang mainit na kamay ng binata na gumagapang sa katawan niya sa ilalim ng tubig habang ang mga labi ay nakipagharutan sa mga labi niya. Nakapatong na si Aron sa kaniya kaya lahat ng init sa katawan nito ay nakipagsanib puwersa sa katawan niya.
"M-Mandy ko?" namamaos na sambit ni Aron at sinalubong ang mga mata niya. Tanging ang mukha ng isa't isa ang nasilayan ng kanilang mga mata na puno ng pananabik at pagmamahal, "Hindi ko na kaya!"
Tumayo si Aron at pinangko si Mandy patungo sa kama.
"Basa tayo," natatawang sabi ni Mandy kaya bago pa man makarating, ibinaba na siya ni Aron. Iniwas ng binata ang mga mata dahil wala na palang nakatakip sa dibdib ni Mandy. Biglang uminit ang paligid niya.
"M-Magbanlaw muna tayo," yaya ni Aron at inabot ang puti at malambot na tuwalya para itakip sa dibdib ni Mandy.
"Mauna ka na. Mamaya na ako," nahihiyang sabi ni Mandy. Baka hindi pa sila makapagpigil at sa shower room pa mapitas ni Aron ang mahalimuyak niyang bulaklak. Nakuha naman ni Aron ang nais ni Mandy kaya mag-isa itong tumungo sa shower room.
Alam niyang medyo matagal na siya sa ilalim ng shower dahil pinapahupa muna niya ang kaba. Nang handa na siya ay ipinulupot niya ang malapad na puting towel sa bewang at lumabas.
"Mandy ko, tapos na ako," sabi niya at natigilan sa ginagawa ng dalaga, "A-Ano ang ginagawa mo?" natarantang tanong niya kaya tumigil si Mandy sa pagpapalobo ng condom.
"Wala kasi tayong balloons, nakalimutan kong isulat," sagot ni Mandy. Nasa ibabaw ng kama at sahig na ang mga napalobo nitong condom.
"Ilan na lang ang natira?" Parang magago na tanong ni Aron.
"Ito na lang," inosenteng sagot ni Mandy at itinaas ang kulay orange na napalobo.
"Shit! Ano pa ang gagamitin ko?" Nawalan na siya ng kulay sa mukha habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kasintahang tuwang-tuwa pa sa ginawa.
"Sige, tanggalan na lang natin ng hangin ang isa," suhestiyon ni Mandy.
"Pasaway!"
"Kyaaah!" tili ni Mandy nang itulak siya ni Aron pahiga sa kama.
"M-Magbabanlaw ako," natarantang sabi niya pero naramdaman niya ang matigas na bagay sa gitna ng hita nang hilain ni Aron ang tuwalyang nakapulupot sa bewang.
"Later!" nanggigil na sabi ni Aron at inangkin ang mga labi niya hanggang sa tuluyan nang sumuko ang katawan ni Mandy at sinabayan ang ritmong ginawa ni Aron. Sa una ay masakit pero sa kalagitnaan, nagustuhan na niya.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon