CHAPTER 32
Unedited....
"Julie, huwag mong dibdibin ang mga pinagsasabi ni Mandy, alam mo naman ang ugali no'n," malumanay na pakiusap ni Aron at hinagod ang likod nito dahil bigla na lang itong umiyak.
"T-Totoo bang wala kayong relasyon?" tanong ni Julie at hinarap ang binata.
Napabuntonghininga muna ito bago magsalita, "Yes, wala naman talaga kaming relasyon. I am sorry for the tremendous damage she had caused."
Mapait na ngumiti si Julie at hinawakan ito sa kanang kamay. "Do you believe her?"
"Ikaw lang ang paniniwalaan ko," seryosong sagot ng binata at dinala ang kamay nito sa mga labi niya para halikan pero hinila ng dalaga at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Ang guwapo ni Aron, wala siyang masabi pero alam niyang hindi ito ang lalaking magpapasaya sa kaniya.
"Believe her," mahinang sabi niya.
"B-Bakit?" kinakabahang tanong ng binata. Tama ba ang pinagsasabi ni Mandy?
"'Cause she's telling the truth, I'm sorry, Aron, si Jerome talaga ang mahal ko!" sagot ni Julie kaya hindi nakakilos ang binata. Ilang taon siyang nabuhay na si Julie ang gusto niyang mapapangasawa pero heto ngayon, isinisigaw nito sa mukha niya na may mahal na itong iba!
"J-Julie, kung i-iniisip mo si Mandy, ako ang bahala sa kaniya--"
"Hindi si Mandy ang dahilan," mahinang sagot ni Julie at napayuko nang tumulo na naman ang mga luha. Hindi niya kayang makitang nadudurog ang mga mata ni Aron. Ang sama niya para saktan ito. Alam niya kung gaano siya nito kamahal at ramdam niya ang sinsiridad sa bawat kilos nito. Minsan din naman nangarap siya na makasama niya ito habambuhay. Aron is the perfect husband for her. He is the one! Pero nang bumalik si Jerome, lahat nagbago na. Lahat ng pinangarap niya kasama si Aron, naglaho na lang na parang bula.
"A-Ayaw kong maniwala..."
"S-Sorry, pero iyon ang totoo. Hindi na kita mahal, Aron. S-Si Jerome na ang mahal ko kaya sana, huwag na nating ipilit ang mga bagay na wala na talaga." Nasasaktan siya pero kailangan niyang magpakatotoo. Hindi habang buhay, aasa na lang si Aron na magkabalikan pa sila. Masakit man pero alam niyang balang araw, magiging okay at masaya rin ito.
Ilang minuto nang wala si Julie ngunit nakatulala lang ang binata. Masakit ang nangyari noon pero mas masakit ang makumpirmang hindi ka na nga talaga niya mahal.
"Ate Mandy!" sigaw ni LL nang matumba ang dalaga. Pupunta sana ito sa dance floor para sumayaw. Tinitigan lang ni Aron ang magpinsan habang pinapatayo si Mandy.
"Shit!" sambit niya nang nahiga na ito sa sahig kaya tumayo siya para lapitan ang mga ito.
"Ano ang nangyari?" tanong ni Aron kina Jacob.
"Lasing na po siya, eh," sagot ni Lance Leonard.
Napansin nga niyang kanina pa ito umiinom sa kabilang table.
"Matulog na me here! My gosh! Lasing na me!" natatawang sabi ni Mandy at napatingin sa maduming sahig. "Kama! I want kama!"
"Ate naman kasi, huwag kang magpabigat, tumayo ka na po," nahihirapang sabi ni Jacob.
"Ayaw!" naka-pout na sabi ni Mandy na nasa namumungay pa ang mga mata.
"Tumayo ka na, nakakahiya na!" sabi ni Aron kaya sa kaniya naman tumingala si Mandy pero hindi ito nagsasalita.
Nang hindi makatiis ay binuhat na ni Aron ang dalaga na wala namang angal.
"Kuya, uuwi na po kami," sabi ni LL dahil inaalala nila si Anndy.
"Ayaw!" tutol ni Mandy. Bagsak na ang katawan niya pero ang bunganga, ayaw papigil.
"Sige," sagot ni Aron na buhat pa rin ang dalaga. Sila na nga ang pinagtitinginan. Ang iba ay busy sa kakasayaw sa dance floor.
"Ayoko nang umuwi!"
"Maiwan na lang po muna si Ate Mandy sa 'yo," sabi ni LL. Ang mga kapatid ay nasa Exit na.
"Sige, papatulugin ko na lang siya. Sa loob," pagsang-ayon ni Aron at dinala si Mandy sa silid niya rito sa bar.
Pagkasara niya ng pinto, tumahimik ang paligid. Sound proof ito para kapag gusto niyang magpahinga, hindi niya maririnig ang malakas na musika.
"Ang bigat mo!" reklamo niya nang ilapag si Mandy sa malambot na single bed.
"Wala namang nagsabing buhatin mo ako!" wika ni Mandy. Lasing siya? Medyo lang. Nahihilo lang siya at nasusuka pero ang utak ay gumagana pa. Tanging bunganga lang niya ang hindi niya mapigilan kanina. Siguro dahil sa ingay rin sa paligid nila.
"Mandy, bakit ka ba nagpakalasing?" tanong niya at napatingin sa mini closet pero wala siyang pambabae na damit para ipalit ni Mandy.
"Galit kasi ako sa 'yo!" sagot ng dalaga at niyakap ang hotdog pillow. Hinihila na siya ng antok.
"Ano ba ang kasalana ko sa 'yo? Mula noon, ganiyan ka na sa akin. Kung ituring mo ako, para akong isang kampon ng kasamaan na maghahasik ng lagim sa sanlibutan. Bakit ganiyan ka sa akin? Kung may problema ka, tapatin mo ako!" mahabang saad nu Aron dahil sobrang naguguluhan at suko na siya. Walang mananalo sa kanila kung ganito na lang palagi.
"Mandy!" singhal niya saka hinila ang unan para hindi makatulog.
"Ano ba!"
"Sagutin mo ako!"
Naupo si Mandy at tinitigan siya ng maigi. "Gusto mong malaman? Dahil ayaw ko sa 'yo! Wala kang karapatang magmahal at mahalin dahil hindi ka naman karapat-dapat na mahalin!" sagot ni Mandy. Umiikot na nga ang paligid dahil nahihilo na siya, dagdagan pa nitong si Aron. "Isa kang demonyo na nag-aanyong tao!"
"Sumusobra ka na--"
"Ano?" hamon ni Mandy nang mahigpit siya nitong hinawakan sa braso, "Sasaktan mo na naman ako? Papatayin mo ako? Sige! Wala ka namang puso kaya gawin mo!"
Natigilan si Aron. Nanlilisik ang matapang na mukha ni Mandy kaya binitiwan niya ito.
"G-Ganiyan ka naman eh, wala naman akong mabuting ginawa para sa 'yo!" naiiyak na sabi ni Mandy.
"B-Bakit hindi ka na lang kaya mag-boyfriend?" suhestiyon ng binata, "Para kahit paano, maranasan mo naman ang magmahal. Hindi 'yong puro ka na lang panira sa relasyon ng iba!"
Inagaw sa kaniya ni Mandy ang unan saka bumalik sa paghiga. "Ayaw kong magmahal," sagot ni Mandy at ipinikit ang mga mata, "Wala namang taong kaya akong mahalin."
Nang ipinikit ni Mandy ang mga mata, tuluyan na siyang hinila ng antok. Tumutunog ang cellphone nito sa loob ng dalang pouch.
Binuksan niya ito at kinuha ang iPhone. Nang makitang "Mommy" ang tumatawag ay sinagot niya.
"Saan na ba kayo, Mandy?" tanong ni Cheska sa kabilang linya.
"Tita, si Aron po ito..."
"Oh, ikaw pala 'yan, Aron? Nasaan si Mandy at bakit ikaw ang sumagot ng tawag ko?"
"Tulog na po eh," sagot ni Aron at napasulyap kay Mandy na mahimbing nang natutulog.
"Bakit diyan siya natulog? Ang quadruplets? Kanina pa sila hinihintay rito sa bahay!"
"L-Lasing na po si Mandy kaya iniwan na nila. Pauwi na po ang qudruplets kasama si Anndy."
"Ba't nagpakalasing 'yan? Bantayan mo at huwag mong pagsamantalahan ang anak ko!" pagbabanta ni Cheska sa kabilang linya pero may tiwala naman siya sa binata kahit parang aso't pusa ang dalawa.
"Opo, ako na po ang bahala kay Mandy," sagot ni Aron. Matapos itong makausap ay si Cheska na ang pumutol ng tawag.
Naupo si Aron sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha ni Mandy. Simple lang ito. Walang makapal na makeup kaya tila kay lambot ng pisngi kung pagmasdan. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nito para malayang pagmasdan ang mukha nito.
"Bakit ganito na lang ang galit mo sa akin? Hindi naman ako masamang tao kagaya ng inaakala mo." Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito. Para itong pinakamataas at malayong bituin na nagniningning sa gitna ng madilim na kalangitan na 'kay hirap abutin. Alam niyang walang pag-asang magugustuhan siya ni Mandy. Malabong magkakasundo sila dahil si Mandy ang babaeng hindi marunong magmahal.
"Mandy..." sambit niya sa pangalan nito habang nakatitig sa dalagang alam niyang noon pa man ay hindi na siya gusto, ang babaeng firt love niya, si Mandy!