37

156 7 0
                                    

CHAPTER 37

Unedited...
"Hijo, mali naman pala talaga ang ginawa mo kay Mandy e," malungkot na sabi ni Aira. Matutulog na sana sila ni Tyron nang kumatok ito para raw kausapin sila.
"I know, Mom, pero bata pa ako noon, hindi ko alam ang gagawin ko at nainis talaga ako sa ginawa niya," depensa niya.
"Naiintindihan kita," sabat ni Tyron na nakaupo sa couch. Kanina pa ito nakikinig sa kanila. Si Aron ang tipo ng batang mula noon, hindi nagrereklamo. Kahit na nga palagi niya itong iniiwan para asikasuhin ang paghahanap kay Aira, hindi ito nagtampo sa kaniya. Isa pa, sabik na sabik itong makita ang ina niya kaya hindi na nila muna itinama ang akala nitong si Aira ang tunay nitong ina.
"Kawawa naman pala si Mandy. Kaya siguro naging maldita 'yon dahil sa 'yo," sabi ni Aira. Minsan din naman siyang inabuso at sinaktan kaya nga umalis siya noon at nangibang bansa.
"Hindi a," tanggi ni Aron, "Ganoon naman talaga siya!"
"Mabait naman si Mandy dati. Ang bibo nga e," wika ni Aron. Minsan na nila ito nakita sa party at ang bait na bata. Binigyan pa nga nito ng barbie ang anak ng katulong ng kakaklase nila. Nang tanungin niya kung sino ang batang iyon, pamangkin daw ni Dylan.
"Mali naman kasi ang sinabi mong walang nagmamahal sa kaniya!" sabi ni Aira.
"Bata pa nga po ako noon. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisisihan iyon," desperadong sabi ni Aron at napahilamos sa mukha, "Mom? Paano ako makakabawi sa kaniya?"
Nagkatitigan ang mag-asawa.
"Aron?" Tinapik ni Aira ang balikat ng anak.
"Mom?"
"Aminin mo nga sa amin, may gusto ka kay Mandy, ano?" nakangiting sabi ni Aira saka sinundot ang tagiliran ng anak.
"Mommy?" bulalas ni Aron, "Huwag nga kayong ganiyan!"
"First love mo siguro si Mandy kaya ganiyan ka!" dagdaga ni Aron na may laman ang mga ngiti nito.
"Of course not!" tanggi ni Aron na namumula na ang mukha.
"Baby? Ang cute mo! Uy, si Mandy pala ang first love ng unico hijo ko?" tukso ni Aira nang mapansing hindi ito mapakali.
"Hindi kayo nakatulong!" nakasimangot na sabi ni Aron. Kaya nga siya pumunta rito para pag-usapan ang nangyari noon dahil inuusig na siya ng kaniyang konsensiya.
"Ano ba kasi ang gusto mong mangyari?" tanong ni Aira na tinakpan ang bibig para hindi matawa. Ngayon lang ito nag-confess sa kanilang mag-asawa. Hanggat kaya nito ang problema, sinusubukan ni Aron na bigyang solusyong mag-isa.
"Huwag na nga!" napipikon na sabi niya saka tumayo, "Hindi talaga akyo nakakatulong!"
Pagbukas niya ng pinto, napatigil siya nang magsalita ang ama, "Kung mahal mo, huwag kang mahiyang umamin. Malay mo, magkakagusto rin siya sa 'yo."
"Hindi ko siya gusto, dad!" sagot niya.
"Minsan ko na rin 'yan nasabi sa Mommy Aira mo."
"Magkaiba tayo!" giit ni Aron.
"Anak kita kaya alam ko. Maniwala ka, gusto mo siya noon pa!"
Humarap siya sa ama pero bago pa niya ibuka ang bibig, nagsalita na ito, "Huwag mong hayaang makuha siya ng iba sa 'yo. Balita ko, palagi silang magkasama ni Navarro?"
"Matulog na ako," wala sa modong sagot ni Aron bago lumabas sa kuwarto ng mga magulang.
----------------
"Ate Mandy? Kayo na ba ni Liam?" tanong ni Jacob sa pinsan nang pumasok ito.
"Bakit mo natanong?" patanong na sagot ni Mandy at napasulyap kay Aron na nagce-cellphone. Baka nagte-text o tawag naman ito kay Bakeshop niya kaya bahala na ito sa buhay niya. Wala siyang panahon na isipin pa ito lalo na't palagi silang magkasama ni Liam.
"Palagi ka kasi niyang hinahatid at sinusundo," sagot ng pinsan. Isa-isa niyang pinagmasdan ang apat na may mga hawak na cellphone at may kaniya-kaniyang ginagawa.
"We're just friends. Happy ako sa company niya at masaya akong nakikita ang new products nila. Ang galing nga e, dinala niya ako noong Linggo sa factory nila. Ang dami palang shoes na ini-import at ganoon pala gumawa ng shoes?" manghang sabi niya na nagliliwanag pa ang mga mata. E sa shoe lover siya.
"Kaya pala pumuti lang ang mga mata ko, hindi ka umuwi noong Linggo!" sabat ni Aron. Swimming lesson nila pero umalis daw ito at nang patawagan niya sa katulong, pauwi na raw pero matapos ang dalawang oras, walang Mandy na dumating hanggang sa umuwi na lang siya.
"Sabi ko na sa 'yong hindi ako uuwi dahil may lakad ako!" sagot ng dalaga.
"Ang sabi mo, pauwi ka na!"
"O, pauwi naman talaga ako ah, na-traffic lang," depensa niya kaya mas lalong nainis si Aron.
"Hindi na kita tuturuan ng swimming. Bahala ka na sa buhay mo! Last na iyon kaya sa iba ka na magpaturo!" Alam ba nitong may dapat pa sana siyang asikasuhin sa Quezon dahil nagkagulo sa resto bar niya pero mas inuna pa niyang turuan ito dahil nextweek na ang final exam nila.
"E di huwag! Hindi naman kita pinipilit! Kaya kong maghanap ng trainor!" Sino ba ang tinakot nito?
"E di maghanap ka! Bakit ba ako nagpapakahirap sa 'yo? Mabuti pa nga ang batang turuan kaysa sa isip bata!"
Nagsaksak ng earphone ang quadrulets dahil paunti-unting lumalakas ang boses ng dalawa.
"Ako? Isip bata? How dare you!" singhal ni Mandy na nakapamewang.
Hindi na umimik si Aron, tumayo siya at lumabas sa tambayan.
"Ate Mandy? Ano ba ang grade mo sa swimming at nagpapaturo ka pa kua Kuya Aron?" tanong ni Lance Leonard.
"Correction, hindi ako nagpapaturo sa kaniya! Sina Mommy kaya ang kumuha sa tangang 'yon!" nandidiring sabi ni Mandy. As usual, tumutulis na naman ang nguso niyo.
"Ano ho ba ang grade mo Ate?" usisa ni Jacob. Sina JM at Lee Patrick ay walang pakialam sa kanila.
"Sev--" Natigilan si Mandy. Ngayon lang niya naalalang 72% siya. Sa exam ay wala siyang problema pero sa praticum ay wala talaga. Kahit na ano mang pilit ng guro, hindi talaga siya lumangoy at ngayong finals ang chance niyang makabawi. Ang magiging exam nila ay ang paglangoy ng iba't ibang swimming strokes.
"Hindi ka na hahanapan ng trainor nina Tita dahil alam nilang walang magtatagal sa 'yo," wika ni Jacob.
"At babagsak ka," dagdag ni Lance Leonard kaya napasimangot si Mandy.
"Nakakainis talaga!" Padabog na lumabas si Mandy sa tambayan at hinanap si Aron.
"Jairah!" tawag niya rito nang makitang patungo ito sa classroom, "Nakita mo si Stupidman?"
"Wala!" sagot ng dalaga. Naiinis siya kapag tawagin nitong stupid ang kuya niya.
"E di wala!" Tinalikuran niya si Jairah. Wala siyang panahong patulan ito dahil kailangan niyang mahanap si Aron.
Pumunta siya sa classroom ng binata at nakahinga nang maluwag nang makitang nakikipag-usap ito kay Joyce.
"Psst!" sabi niya habang palapit sa dalawang nagtatawanan, "Umalis ka sa tabi ng kasintahan ko!" pagtataboy niya na nakakumpas pa ang kanang kamay na para bang bumubugaw lang ng langaw.
"Kasintahan? Hindi ba't si Liam ang kasintahan mo?" Umuugong ang balitang nakikipag-date ito kay Liam dahil marami ang nakakakita sa dalawang nagde-date kaya naisip ng karamihan na hiwalay na sila ni Aron.
"Friends lang kami kaya kami pa rin ng Aron ko. Huwag kang umasa, akin pa rin siya!" pagmamaldita niya na naka-crossed arms pa, "Umalis ka sa tabi ng boyfriend ko kung ayaw mong mapatalsik sa paaralang ito!" pagbabanta na niya dahil mukhang lalaban si Joyce.
Padabog na tumayo si Joyce at lumipat ng upuan. Uupo na sana si Mandy pero tumayo si Aron at tuloy-tuloy sa pintuan.
"Aron!" tawag niya sa binata pero hindi ito tumitigil sa paglalakad.
"Aron naman! Kausapin mo naman ako. Nagbibiro lang talaga ako sa sinabi ko kanina. Ang totoo, ako pa nga ang pupunta sa bahay ninyo sa weekends para mag-practice tayo," sabi niya habang nakasunod dito.
"Aron ko!" tawag ni Mandy at hinila ang laylayan ng jacket nito, "Nagbibiro lang talaga ako kanina." Err! Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang magmakaawa o humingi ng tulong sa iba. Sana lang ay pumayag na ang binata.
"Bitiwan mo nga ako, Mandy!" sabi ni Aron na nakasalubong ang kilay. Siya pa nga ang agrabyado tapos ito pa ang mag-iinarte? Napilitan lang naman siya dahil sa mga magulang nito.
"Eee... Pumayag ka na kasi, sige na!"
"Hindi mo ako kailangan, 'di ba? Puwes, maghanap ka. Marami naman kayong pera na pambayad sa magtuturo sa 'yo!" Kung ayaw nitong turuan at unahin pa ang pakipaglandian sa iba, bahala siya. May buhay rin siyang kailangang atupagin.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa pool pero ang bigat bg jacket niya dahil sa kamay ni Mandy na nakahila sa kaya tumigil siya.
"Aron ko?" naka-pout na wika ni Mandy, "Turuan mo na ulit akong maglangoy, please?" parang batang pagmamakaawa niya habang nakatingala sa binata. Ang cute pa nito tingnan dahil sa hair clip sa itaas ng kanang tainga.
Ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ni Aron, "Sige na, Aron ko! Promise, magpapakabait na ako basta turuan mo na ako, please?"
Nakatitig lang ang binata sa kaniya kaya naiilang siya. Nag-worry tuloy siya sa bangs niya. Baka nagmumukha siyang ewan? Sobrang iksi kasi ng bangs niya. Kalahati talaga ng noo niya ang hindi natatakpan.
"Sige na, Aron ko. 'To naman, para kang hindi kasintahan!" kunwari ay nagtatampo siya. Kunting drama na lang para maawa at mapapayag niya ito. Pero nakatitig pa rin ito sa mukha niya.
"Aron ko?" pukaw niya kaya sumingkit ang mga mata nito at sumalubong ang mga kilay pero dedma lang niya. Sanay na siya rito.
Nginitian niya ito ng ubod ng tamis saka niyakap ang kanang braso, "Aron ko? Tuturuan mo na ako, 'di ba?" maamong tanong niya kaya tinaasan siya nito ng kilay. Kung wala lang siyang kailangan, sasapakin talaga niya ito sa ikinikilos.
"Puro ka Aron ko, Aron ko!" wika ng binata.
"Kasi, Aron ko naman talaga ikaw!" nakasimangot na sagot ni Mandy. E sa ito talaga ang gusto niyang itawag kay Aron lalo na kapag maglambing siya bilang pang-asar. Namumula pa kasi ang mukha nito sa inis.
Hinawakan siya ni Aron sa baba kaya napatingala siya rito at sinalubong ang mga mata nito.
"Paano kung Mandy ko rin ang itatawag ko sa 'yo?" malambing na tanong ng binata kaya natigilan si Mandy, "Ibig bang sabihin, akin ka na?"
"H-Huh? K-Kuwan..." natarantang wika ni Mandy. Naramdaman niya ang pagluwag nang pagkakawahak nito sa braso niya hanggang sa tuluyan siya nitong binitiwan.
"Hmm? Sige, tuturuan na kita sa paglangoy, kawawa ka naman kasi," sabi niya saka tinalikuran ang dalaga pero tumigil siya at nilingon ito, "Mandy ko," nakangiting dagdag niya bilang pang-asar sa nakasimangot na dalaga


Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon