27

2K 81 1
                                    


OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Unedited....
"Mandy? Seryoso ba talaga kayo ni Kuya Aron sa relasyon ninyo?" tanong ni Jairah na nasa harapan ni Mandy habang ngumunguya ng piattos na cheese flavor. Pareho silang may free time ngayong alas dos hanggang alas tres 'y medya kaya rito sila sa tambayan.
"Bakit mo natanong?"
"Nag-date kasi kayo kahapon kaya naisip ko lang na baka nag-next level na ang hate and love relationship ninyo," nakangiting sabi niya at binuksan ng malaki ang onion piattos.
"Hate lang walang love!" nakasalubong na sabi ni Mandy, "Pakisabi nga sa kuya mo na sa susunod, 'wag siyang magyaya ng date na wala siyang pera!" Nag-date pa sila e Victoria Secret lang na cologne ang nabili niya.
"Pagpasensiyahan mo na si Kuya, kuripot talaga 'yon at masinop," sagot ni Jairah at idinantay ang mga paa sa center table. Mula noon, hindi nito ugaling bumili ng mamahaling gamit. Branded naman ang mga gamit nito pero kapag hindi ganoon kahalaga ang isang bagay, hindi niya bibilhin dahil ayaw nitong mag-aksaya ng pera.
"Bakit ba hindi n'yo na lang totohanin ang relasyon ninyo ni Kuya? Malay mo, kaya pala kayo galit sa isa't isa e, mahal n'yo naman tala--"
"Stop it!" bulalas ni Mandy. "Kilabutan ka sa pinagsasabi mo!" Nanayo na ang balahibo niya. Siya? Mahalin si Aron? What the fuck!
"Ang arte nito! Parang suhestiyon lang!"
"Hindi magandang suhestiyon! Nakakakilabot!"
"Bakit ba ayaw mo kay Kuya? Guwapo naman siya, maganda ang pangangatawan at may sex appea--"
"Tanga! Idagdag mo pa ang pagiging tanga niya!"
"Alam mo, Mandy, hindi ko kayo maintindihan." Tumayo si Jairah at inayos ang sarili.
"Saan ka pupunta, Jai-Jai?"
"Maghahanap ng kausap. Hindi ko nga alam kung ba't nakakatagal akong makipag-usap sa 'yo," prangkang sabi niya. Isang minutong makipag-usap kay Mandy na walang singhal o sigaw, himala na sa iba.
"Duh! As if na gusto rin kita!" Tumayo rin si Mandy at sumunod kay Jairah.
"Bakit nakasunod ka?"
"Ay, pag-aari mo ang daan? Sa 'yo ang school? Baka nakalimutan mo, sampid lang ang tita Ann mo sa mga Lacson!" panunuya ni Mandy.
"Makasampid ka, ah!" Madalas ay nakakasakit din ang pagiging prangka ni Mandy. Noong una, ilang beses pa siyang nasaktan at umiyak pero nang hindi maglaon, nasanay na siya. Sila ng pamilya niya. Sa katunayan, wala nang epekto ang masasakit na salita ni Mandy sa kanila. Lalo na si Aron, matindi talaga ang pang-insultong inabot kay Mandy. Masyadong personal ang atake ng dalaga. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit patuloy pa rin siyang nakikipagkaibigan kay Mandy na ne minsan, hindi kaibigan ang turing sa kaniya.
"Bakit? Totoo namang sampid lang ang mga Rodriguez! Lalo na ang si Stupidman, sampid na nga siya sa inyo, nakikiapid pa sa amin. Kawawang tanga!" Napailing pa siya na para bang galing sa presuhan si Aron at may nakakahawang sakit.
"Bakit ka ba ganiyan kay Kuya? Wala naman siyang ginagawang masama sa 'yo!" Mahal niya si Aron kaya kahit paano, nasasaktan siya kapag may makarinig na mang-insulto sa kapatid.
"Akala mo lang wala!" Hinawakan siya ni Mandy sa kanang braso at hinarap. "Makinig ka, Jairah, mabait siya sa inyo pero ang totoo, may sakit sa utak ang kapatid mo. Killer talaga siya," giit ni Mandy kaya napanganga na lang si Jairah.
"Mandy naman! Hindi ako nakipagbiruan!"
Binitawan siya ni Mandy.
"Ang kapal ng mukha mo, hindi rin ako nakipaglaro! Killer talaga si Stupidman! Siya lang ang hero na mamamatay tao kasi nga, istupido siya!"
"Mandy naman! Tigilan mo nga si Kuya!" Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad. Magulo kausap si Mandy lalo na pagdating sa kapatid niya. Minsan, naisip niya na baka may sakit na ito sa utak at nahawa na ang kuya Aron niya.
"Sino 'yan?"
"Hala, break na sila ni Mandy?"
"Mukhang mas masaya siya kaysa si Mandy ang kasama!"
Nang marinig ni Mandy ang pangalan, sumulpot bigla ang sungay niya. Sa pagkakaalam niya, walang ibang Mandy sa paaralang ito kundi siya lang.
Nakita niya si Aron. Kasama nito ang pinsan ni Liam at nagtatawanan pa ang dalawa.
"Kawawa naman si Mandy, iniwan ni Aron?"
"Ganoon talaga ang mga lalaki, kapag tapos ka nang pagsawaan, basta ka na lang itatapon. Si Julie nga na sobrang mahal no'n, iniwan lang para kay Mandy. Cycle lang 'yan. Kapag nang-agaw ka, aagawin din siya ng iba. Mga lalaki pa!" mahabang sabi nito na tila may hinuhugutan kaya mas lalong humaba ang imaginary sungay ni Mandy. Ang pinakaayaw niya ay ang kaawaan at maging tanga sa harapan ng lahat. Hindi siya makapapayag!
Naglakad siya palapit kina Aron. Siya pa ba, magpapatlo sa teritoryo niya?
"Aron ko!" tawag niya habang naka-pout.
"Shit!" mahinang sambit ng binata nang malamang makakasalubong nila si Mandy.
"Aron ko, I missed you!"
Napakagat si Aron sa ibabang labi. "Not now, Mandy," hiyaw ng isip niya na umaasa siyang makarating kay Mandy. Mag-uusap sila ni KC ngayon kaya ito naparito. Mag-uusap ng tungkol sa budget at materyales kung saan bibili ng ipapatayong hotel.
"Jairah, may pupuntahan kayo ng kaibigan mo, 'di ba?" makahulugang sabi niya sa kapatid para ilayo si Mandy. Sana lang ay makuha nito ang nais niya.
"Opo, Mandy, alis na tayo. Manood pa tayo ng movie, 'di ba?" yaya ni Jairah at hahawakan sana si Aron pero tinabig nito ang mga kamay niya.
"Ewww!" nandidiring sabi ni Mandy kay Jairah. "Kailan pa kita naging kaibigan? The last time I checked, wala pa akong friend!"
Isang matalim at nagbabantang mga titig ang ibibigay niya kay Mandy pero mukhang tuwang-tuwa pa ito sa pagsabotahe niya.
"Ikaw ang ka-date ni Liam noong isang araw, 'di ba?" nakasalubong ang kilay na tanong ni KC. "Umikli kasi ang buhok mo."
Nagkatitigan sina Jairah at Aron sa sinabi ni KC at napatingin kay Mandy na mukhang tinubuan na ng buntot sa ulo. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Ow? Ikaw pala 'yung pinsan ni Liam? Buhay ka pa pala?" ani Mandy. Galit siya! Sa lahat pa naman ba na pupunain, ang buhok pa niya.
"Let's go, KC?" tanong ni Aron.
"Saan kayo pupunta?" usisa ni Mandy. Si Jairah at umalis na dahil may pasok na siya. Bahala na kung ano man ang kahinatnan ng drama ng nga ito.
"Sige, Aron," sagot ni KC at dinedma si Mandy. Bago pa man niya mahawakan si Aron, hinatak na siya ni Mandy at ipinulupot ang kamay nito sa kanang braso ni Aron.
"Makinig ka, Aron," bulong ni Mandy at hinila ito para maglakad. "Tumingin ka sa akin dahil kung hindi, mag-iiskandalo ako!"
Tumingin naman si Aron kay Mandy. Hanggat kaya niyang iwasan ang kaguluhan sa harap ni KC, gagawin niya.
"Tandaan mo, ako pa rin ang girlfriend mo sa harap ng mga estudyante rito at oras na lokohin mo ako, ilalabas ko ang katotohanang wala naman tayong relasyon at niloko ka talaga ni Julie!" naiinis na sabi ni Mandy. Wala siyang pakialam sa buhay ni Aron pero kung nakikita niyang nadadawit ang pangalan niya, magkaalaman na.
"Maliwanag, Aron?" nakangiting bulong niya Mandy pero ang mga mata nito, magbabadya ng panganib.
"May relasyon ba kayo?" tanong ni KC nang malapit na sila sa parking lot.
"Ano ba ang paki mo kung meron?" balik-tanong ni Mandy.
"Hindi ba't nagde-date kayo ng pinsan ko?"
"So? Wala namang masama kung mag-date kami. In fact, problema na namin iyon! Mind your own bullshit business!" Siniko siya ni Aron dahil sa sagot pero dedma lang si Mandy.
Nang buksan ni Aron ang fronseat, nilingon ni Mandy si KC na nakabusangot. "Sa likuran ka maupo, ako sa unahan!" Saka pumasok siya sa upuang nasa tabi ni Aron.
Tahimik ang biyahe nilang tatlo hanggang sa makarating sila sa isang mamahaling coffee shop.
Hanggang sa pagkain, wala pa ring imik ang dalawang babaeng kasama ni Aron.
"KC!" tawag ng lalaking papalapit sa kanila kaya tinakasan ng kalay ang pisngi ni Mandy.
"Liam! Mabuti naman at dumating ka kaagad!" sabi ni KC na lumiwanag ang mga mata.
"Oo naman!" nakangiting sagot ni Liam at napasulyap sa mga kasama ng pinsan.
Napayuko si Mandy at pasimpleng inipit ang buhok sa tainga. Wala na. Buko na siya ni Liam. Nagsisi tuoy siya kung bakit pinaputulan niya ang kaniyang buhok.
"Hi, Mandy!" bati ng binata at hinila ang silya sa tabi niya at naupo. "Nagpagupit ka?"
Napahigpit ang pagkahawak ni Mandy sa baso. Kung puwede nga lang durugin niya ito sa kamay, gagawin niya dahil sa pagkapahiya.
"Alam kong hindi maganda ang hairstyle ko ngayon! Hindi talaga in lalo na ang bangs ko pero kahit paano, kumportable ako!" Inunahan na niya ito bago pa siya ma-bully. Kung si Aron pa, siya raw ang human version ni Does at hindi niya iyon mapapalampas. Subukan lang nitong insultuhin ang buhok niya at ipapakalbo niya si Liam.
Tumawa ang binata saka nginitian siya. "Bagay sa 'yo ang new look mo, nagmumukha kang bata sa sa edad mo."
"G-Gusto mo? H-Hindi ka napapangitan sa akin?" nauutal na taong niya.
Umiling si Liam, "Hindi, bagay nga sa 'yo eh. Ang cute mo, Mandy!" puri nito kaya pumalakpak na naman ang tainga ng dalaga.
"Lilipat lang kami ng table," sabi ni Aron at tumayo saka niyaya si KC sa kabilang table dahil kailangan nilang makipag-usap. Hindi naman ito tumutol kaya nagpasalamat si Aron.
Si Mandy ay mukhang wala nang pakialam sa kanila kaya nakahinga siya nang maluwag.
Habang nakipag-usap siya kay KC, hindi niya maiwasan ang mapasulyap kina Mandy dahil panay ang tanga ng sa kabilang table. Nakangiti ito habang nakatitig kay Liam. Ngayon lang niya nakitaang nagkaroon ito ng interest sa isang lalaki.
"Nakikinig ka ba, Aron?" napipikong tanong ni KC.
"H-Huh? Oo naman," sagot ng binata at ipinilig ang ulo para hindi niya mapuna sina Mandy.
"Ganito kasi iyon..." Ipinaliwanag ni KC ang lahat ng nais nito sa project nila kaya sinubukan niyang unawain ang dalaga.
"Uuwi na kayo?" tanong niya nang tumayo sina Liam.
"Oo, gusto na raw umuwi ni Mandy," sagot ni Liam na napahawak sa bewang ng dalaga.
"Sabay na tayo," sabi ni Aron.
"Huwag na!" sabat ni Mandy. "May sasakyan naman si Liam kaya ihahatid niya akong mag-isa!" Napasulyap si Aron sa kamay ni Mandy na ipinulupot sa braso ni Liam saka lumabas na.
"Sila na kaya?" tanong ni Aron sa sarili. Parang ang bilis naman yata kung sila na?

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon