CHAPTER 49
Unedited...
Pagmulat ni Aron ng mga mata si Mandy ang nakita niya na nakayakap sa kaniya at nakasiksik sa dibdib niya ang mukha nito. Pagtingin niya sa alarm clock, alas sais na ng umaga kaya nakakalusot na ang sinag ng araw sa kaniyang kurtina.
Tumingala si Mandy sa kaniya. Walang nagsalita, nagtitigan lang silang dalawa. Ilang sandali pa ay ngumiti si Aron at inayos ang magulong buhok na tumatakip sa pisngi nito.
"M-Mandy..." sambit niya nang gumulong ito at pumatong sa kaniya.
"Gusto ko pang matulog," sabi nito at parang pusang yumakap sa kaniya at ipinikit ang mga mata. Hindi naman masyadong mabigat si Mandy.
"Aron ko?" mahinang wika ni Mandy.
"May nararamdaman ako, matigas."
Ngumiti si Aron at niyakap si Mandy, "Ganiyan talaga siya kapag umaga na."
"Sa lahat ng babae?" Hinampas ni Mandy ang dibdib niya.
"Sa 'yo lang. Ikaw lang naman ang unang babaeng nakasama niyang gumising sa umaga," sagot ni Aron. Damn! Naramdaman niyang mas lalo itong tumigas. Si Mandy naman kasi, ang lambot ng boobs niya.
"Si Bakeshop? Ang ibang babae?" nakasimangot na tanong ni Mandy. Naiinis talaga siya kapag
"W-Wala pang nangyari sa amin ni Julie," sagot ni Aron at iniwas ang mga mata nang tumingala si Mandy. Mataas ang respeto niya sa dating kasintahan. Oo, naghahalikan sila pero hanggang do'n lang 'yon.
"Sa ibang babae?"
"W-Wala," sagot niya. Biglang uminit yata ang paligid dahil namamawis siya. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Mandy na nasa dibdib niya.
"Virgin ka pa?" tanong ni Mandy na nanlaki ang mga mata.
"H-Ha? K-Kuwan..."
"Uy, Aron ko? Ayieeee... Virgin ka pa?" humagikhik si Mandy nang mapansing kasing pula ng kamatis ang pisngi ng binata. Pagapang na ipinantay niya ang mukha kay Aron.
"Tumingin ka sa mga mata mo." Utos ni Mandy pero hindi sinunod ni Aron. Ang lakas ng tibok ng puso niya at sigurado siyang nararamdaman iyon ni Mandy.
"Kapag hindi ka tumingin, kay Liam ako matutulog mamayang gabi!" pananakot niya kaya mabilis na nakipag-eye to eye si Aron. Ngumisi naman si Mandy at bumulong sa tainga niya na nagpatindig ng kaniyang balahibo, "Huwag kang mag-aalala, kahit gabi, magigising siya kapag ako ang 'yong kasama."
Napapikit si Aron. Ngayon pa lang, mukhang magkakaproblema na siya kay Mandy. Handa na ba siya?
"Aron ko?" malambing na tawag ni Mandy at nilalaro pa ang tainga niya, "Kiss mo 'ko."
Dumilat siya nang maramdaman ang mainit na mga labi ng dalaga.
Hindi na niya kaya. Mandy is a good teaser. He wrapped his hands around her waist and pressed his lips against her. She moans. Parang napakamalambot na unan ang katawan ni Mandy na 'kay sarap yakapin sa malamig na madaling araw.
"Aron? Hindi ba't may--"
Natulak ni Aron si Mandy nang makita ang inang nakasilip sa pinto at mukhang natigilan sa nakikita.
"I-I'm sorry," paumanhin ni Aira at mabilis na isinara ang pinto. Hindi siya makapaniwala, si Aron, ang anak nila ni Tyron, may kasamang ibang babae sa kama.
"M-Mandy, sorry," paumanhin ni Aron, "Nagulat lang ako kay Mommy kaya natulak kita."
"Uuwi na ako! Ang bastos mo!" galit na sabi ni Mandy saka bumangon.
"Hindi ko sinasadya," sabi niya saka sinundan ang dalaga patungo sa banyo.
"Labas! Matapos mo akong halikan, itulak mo lang ako? Labas!" singhal niya.
"S-Si Mommy kasi..."
"Wala akong pakialam sa mommy mo! Magkasintahan tayo at normal lang naman na matulog ako sa kuwarto mo!" Lahat yata ng dugo sa katawan niya ay umakyat sa ulo. Parang napahiya siya.
"S-Sorry--"
"Huwag mong iparinig sa akin ang salitang 'yan!" galit na sabi ni Mandy, "Dahil kahit ilang libo mo pang sambitin ang salitang sorry, wala nang halaga 'yan dahil paulit-ulit mo rin akong sinasaktan!"
"Hindi na kita sasaktan!" depensa ni Aron, "Believe me, hindi na kita sasaktan. Magsimula tayo muli."
Isinara niya ang pinto gamit ang kanang paa at isinandig si Mandy sa ilalim ng shower, "Mahal kita, kahit na sinaktan kita noong una," seryosong sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Mandy, "Kung ayaw mong maniwala sa salitang sorry, sana naman maniwala ka kapag sinabi kong mahal kita!"
Tumulis ang nguso ni Mandy at nakipagtitigan kay Aron, "Bakit sa dinami-rami ng battery, solar pa ang ginamit mo?"
Natigilan ang binata at umiwas ng mga mata, "K-Kasi, w-wala na akong makitang baterya noon e. 'Yon lang ang n-nakita ko," sagot niya. Hindi naman kasama ang recorder kay Pooh, pinagawa lang niya ito sa matanda sa kanto.
"Bata pa lang tayo, tanga ka na?" Tinaasan niya ng kilay si Aron.
Nang mapansin niyang naiilang si Aron, nginitian niya ito, "Pero okay lang kahit na tanga ka, kiss mo na lang ako!"
Napailing ang binata at masuyong hinalikan ito sa mga labi pero agad namang humiwalay nang naitulak siya ni Mandy dahil sa kalabog sa labas ng shower.
"Nextime, sa bahay na lang tayo matulog, nakakainis ang pamilya mo!" naiinis na sabi ni Mandy, "Lumabas ka muna, humuhubad ako kapag maligo!"
Walang nagawa ang binata kundi lumabas na lang kahit na gusto pa niya sanang sabayan sa paliligo ang kasintahan.
"Kuya? Sino ang babaeng dinala mo rito sa bahay?" tanong ni Jairah. Paglabas niya, nakaupo sa sofa ang ina at kapatid niya.
"H-Huh? Ahmm--"
"Si Julie ba? Nagkabalikan kayo?" usisa ni Jairah. Impossible namang si Mandy dahil maarte ang babaeng 'yon.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang ulo ni Mandy, "Aron ko? Pahingi ako ng bra at panty, wala ako e," pakiusap ni Mandy at inirapan si Jairah na napanganga nang mamukhaan siya.
"Si Mandy?" hindi makapaniwalang tanong ni Jairah nang isinara na nito ang pinto ng shower room.
"N-Nag-sleepover lang naman siya," sagot ni Aron na hindi makatingin sa dalawang babae na parang lalamunin siya ng mga mata nila.
"Mag-uusap tayo sa labas kapag tapos na kayong magbihis," seryosong sabi ni Aira at niyaya na ang babaeng anak na lumabas para magkaroon naman ng privacy ang dalawa.
-------------------
"Wala hong nangyari sa amin ni Aron dahil sa totoo lang, naistorbo po kami," sabi ni Mandy. Nasa harapan nila ni Aron ang tatlong pamilya ni Aron. Si Taira ay nasa condo na ni Sky natutulog. Umuuwi lang kapag mainis sa asawa. Kanina pa sila nakaupo sa harap ng hapag-kainan at nakikiramdam sa bawat kilos ng isa't isa kaya siya na ang bumasag sa katahimikan.
"Hindi naman kami nagtatanong," sagot ni Jairah na inirapan din siya kaya tumigil si Mandy at tumingin kay Jairah saka tinaasan ng kilay.
"Wala kang pakialam pero ganiyan ang inaasal mo?" prangkang tanong niya. Siya talaga ang taong hindi kayang manahimik sa isang lugar kapag alam niyang iniinsulto na siya ng nasa paligid niya.
"M-Mandy," mahinang saad ni Aron at hinawakan ang kaliwang kamay niya saka pinisil para huminahon pero binalewala ng dalaga at hinila ang kamay.
"Kung ang pinoproblema mo, Jairah, ay kung may nangyari sa amin ni Aron, huwag kang mag-alala, pananagutan ko ang kuya mo para masaya ka na!"
Napayuko si Aron. Siya ang nahihiya sa inasal ng kasintahan sa harap ng pamilya niya. Hindi ganito si Julie. Kahit sinong babae, hindi naman ganito kung umasta sa harap ng pamilya ng mga kasintahan nila.
"Alam mo, Mandy, hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil ikaw ang girlfriend ng kuya ko!" sagot ni Jairah na sinaway rin ng ina pero wala ring balak na magpaawat. Si Tyron ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Dapat lang na matuwa ka!" naiinis na sabi ni Mandy. Kung hindi lang sobrang bastos ang isampal ang palangganang may lamang kanin sa kaharap, kanina pa ito lumipad sa mukha ni Jairah, "At least sa akin, sigurado kayong nag-iisa lang si Aron sa buhay ko kaya walang lokohang mangyayari!"
Napasulyap si Aron kay Mandy, walang bahid ng kasinungalingan sa mukha nito. "Psh! Gigil mo 'ko e!" dagdag ni Mandy saka nanggigigil na tinusok ang hotdog saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Ang mag-asawa ay hindi na kumibo. Alam nila ang pinagdadaaanan ng anak. Ang akala nga nila, si Julie na ang makakatuluyan ni Aron pero niloko lang pala ito.
"Huwag ka na kasing umasta ng ganiyan! Ayusin mo ang pag-uugali mo," suhestiyon ni Jairah.
"Walang masama sa ugali ko! Sadyang masasama lang talaga ang mga taong nasa paligid ko kaya ako ganito!" depensa ni Mandy. Kapag mabait o hindi naman siya pinapakialaman, wala naman siyang pakialam sa makakasalubong niya. Walang pakialaman ng buhay, okay na siya.
Pagkatapos kumain, inihatid ni Aron si Mandy sa mansion ng mga ito pero nakiusap si Mandy na dumaan muna sila sa mall kaya pumayag si Aron.
"Alisin mo ang kamay mo sa damit ng kasintahan ko kung ayaw mong ipaligpit ko ang buhay mo!" pagbabanta ni Mandy sa saleslady at hinila ito palayo kay Aron, "Huwag mong agawin sa akin si Aron ko!"
"I-Inaayos ko lang po ang damit niya," natarantang sabi ng saleslady. Sumusukat si Aron ng damit at paglabas niya ay pinaayos ng binata sa saleslady ang kuwelyo dahil busy sa kakapili ng damit si Mandy.
"Inaayos mo?" naka-poker face na tanong ni Mandy, "Ako ang kasintahan niya kaya ako ang mag-aayos!"
"M-Mandy, ako naman ang nakiusap sa kaniya," depensa ni Aron.
"Ah? Ikaw ang nakiusap? Gusto mo rin ba, Aron?" nanggigigil na tanong ni Mandy, "Gusto mo siya? Ano?
"Mandy naman, mali ang ipinapartaang mo," mahinang sabi ni Aron at hinawakan ito sa balikat.
"Mandy? Mandy na lang? Nasaan ang ko?" Tumaas na ang boses ni Mandy, "Mandy na lang dahil maraming tao?"
Napatingin ang mga costumer sa kanila.
"Hubarin mo ang damit na 'yan, ARON! Palitan mo, ang pangit niyan! Hindi bagay sa 'yo!" Tinulak niya ang binata pabalik sa fitting room, "Magpalit ka kung ayaw mong maglakad ng hubad palabas sa mall na ito dahil sa kalandian mo!"
Walang nagawa ang binata kundi nagpalit ng damit. Paglabas niya, nakatayo si Mandy sa tabi ng manniquen at nakaguhit ang pagkainip sa mukha.
"Mandy? Ito na lang ang bilhin ko," mahinahong sabi niya dahil sila pa rin ang tinitingnan ng mga tao.
"Kung ayaw mong dagdagan ang pangalan ko ng 'ko', irerespeto kita pero huwag mo rin akong sisihin kung makatagpo ako ng lalaking aangkin sa akin!" mahina pero puno ng galit na sabi ng dalaga.
"Mandy ko, bayaran ko na 'to," yaya ni Aron para magbayad na sa counter. Sana lang umiba na ang timpla ng modo nito.
"Magbayad kang mag-isa mo!"
"Mandy ko, huwag ka nang magtampo, hindi pa kasi ako sanay," pagpaliwanag ni Aron. "Huwag kang mag-alala, sa 'yo naman ako e," bulong niya at hinapit sa bewang ang dalaga.
"Hmp? Malandi ka!" pagmamaldita ng dalaga pero sumunod naman sa binata patungo sa counter, "Akin ka lang e," bulong ni Mandy.
Habang nakapila, ipinulupot ni Mandy ang mga kamay sa braso ni Aron kaya napangiti ang kalooban ng binata. Alam niyang nag-uumpisa pa lang sila, marami pa ang pagdadaan at pag-aawayan pero dahan-dahan, makaka-adjust din sila. Sana ay dumating ang araw na matutunan nilang pakisamahan ang isa't isa at mapunan ang pagkukulang ng bawat isa. Marami pa sila ang puwedeng baguhin at tanggapin sa relasyon nila basta as of now, okay na sila ni Mandy, iyon ang mahalaga.