62

241 12 0
                                    



CHAPTER 62

Unedited...
"Fuck!" sigaw ni Aron na natumba pagkalabas niya ng shower room. Nauna pang bumagsak ang puwet niya kaya napahawa siya rito, "putiks!"
"Sorry! Ang cute mo!" natatawang sabi ni Mandy habang hawak ang cellphone na vine-video-han siya.
"Mandy, stop it!" sigaw niya na namumula na ang mukha sa galit. Sino ba ang hindi magulat? May malaking ahas sa tapat ng pinto na naapakan pa niya.
"It's a toy!" ani Mandy na ang saya pa talaga nito. Inilagay niya ang hawak na cellphone sa ibabaw ng kama at napaupo sa kakatawa, "Look at your face, Aron ko! Ang cute mong magulat!"
"Are you happy? Are you satisfied?" Tumayo siya paika-ikang naglakad palapit sa kama. Ang sakit talaga pero si Mandy, ang saya pa.
"No!" nakasimangot na sagot ng dalaga, "galit ka e!"
"Sino ang hindi magagalit? Mamamatay na nga ako sa gulat, nasaktan na nga ako, masaya ka pa!"
"E di sorry na!" napilitang paghingi nito ng sorry, "imamasahe na lang kita!"
"Huwag na!" sagot ni Aron.
"Hindi tayo lalabas hanggat hindi ka papayag!" giit ni Mandy at nakipagtitigan sa kaniya.
"Fine! Bakit ba kasi naisipan mo 'yan?" pagpayag ni Aron.
"Kasi dumaan dito sina Blue, naiwan ni Red ang laruan niya kaya naisip kong i-prank sa 'yo. Hindi naman kasama sa plano ang pagkadulas mo!" sagot ni Mandy at inumpisahang hubarin ang pantalon ni Aron.
"Ba't mo 'ko hububaran?"
"Imamasahe nga kita, 'di ba? Bilis na!"
Wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Matapos ang ilang minuto, tapos na si Mandy. Hinayaan lang niya ito sa ginagawa. Ayaw niyang magreklamo dahil magdudulot lang ng gulo.
"Galit ka pa ba?" tanong ni Mandy.
"Hindi na," sagot ni Aron, "masaya ka e."
"Puwede ka namang magalit, Aron ko. Sorry na ha."
"Forget it. Wala na iyon. Hindi na rin masakit. Nabigla lang ako kanina," sagot ng binata. Kung sina Taira at Jairah lang siguro ang gumawa nito sa kaniya, maghapon ang panenermon niya sa mga kapatid.
"Aron ko? Samahan mo akong bibili ng panregalo kay Mommy sa birthday niya," masiglang yaya ni Mandy. Oo nga pala, four days na lang, birthday na ng ina nito at magpro-propose na siya. Sana lang ay makabili ng engagement ring ang ama na nasa California. Nasa business trip ang mga magulang niya at bukas ang uwi.
"Sige, after ng klase natin sa hapon," sagot ni Aron, "magbihis ka na, aalis na tayo. Dapat sumabay ka na sa akin sa paliligo e."
"Pagod ako. Alam kong iba ang gagawin mo sa akin sa loob ng shower room!" sagot ng dalaga at tumayo na para pumasok sa shower room.
"Mandy ko? Mauna na akong bababa, maghahanda lang ako ng pagkain," paalam niya.
"Sige..." pagsang-ayon ng dalaga.
Pagbaba niya, nag-iisang kumakain si Jairah sa dinning room.
"Miyerkules ngayon pero nandito soya natulog?" tanong ng kapatid. Hanggang ngayon, may part sa utak niya na hindi makapaniwala na official at legal na ang relasyon ang dalaga. Sanay kasi siya na nag-aaway ang mga ito.
"Tinatamad na akong maghatid kagabi," sagot niya pero ang totoo, si Mandy talaga ang may gustong matulog ito rito.
"Alam mo, Kuya? Nakaka-miss din minsan ang pag-aaway ninyo. Iyong sigawan at sapakan!" natatawang sabi ni Jairah.
"Huwag mo nang ibalik, masaya na kami!" sagot ni Aron.
"Kailan mo balak na pakasalan siya?" tanong ng dalaga dahil sigurado siyang hindi na makakawala ang kapatid kay Mandy. Kung iiwan nito ang kasintahan, mas matindi pa sa Marawi ang giyerang mangyari.
"After graduation," sagot niya, wala siyang balak na ipaalam sa kapatid ang tungkol sa binabalak na proposal sa linggo. Baka mamaya, mabuko pa sila.
Hindi muna siya kumain. Inayos niya ang plato nila ni Mandy. Nang bumaba ang dalaga, saka na siya kumain.
Sumabay sa kanila si Jairah.
"Aron ko? Pahiram ng cellphone mo, lalaro ako," sabi ni Mandy.
"L-Lowbat," pagdadahilan ni Aron. Baka mag-text sina Blue at mabasa ni Mandy. Ang triplets pa naman at sina Lyn ang pinakiusapan niya para hindi makahalata si Mandy sa balak niyang gawin.
"Pahiram nga. I-charge natin mamaya sa tambayan," ani Mandy.
"May tatawagan pa ako mamaya, mahalaga 'yon!"
"I-charge nga natin. Sino ba?"
"Hinihintay ko ang tawag nina Daddy. Baka may importanteng sabihin tungkol sa naiwang business," sagot ng binata na pinakalma ang sarili para hindi mahalata ni Mandy. Matalino pa naman ito kapag tinopak.
"Ilang percent na ba?"
"Twenty percent," sagot niya pero ang totoo, 50% pa naman talaga.
"Puwede pa 'yan!" giit ni Mandy at palihim na pinag-aralan ang mukha ni Aron. Kailan pa ito pinagkait ang cellphone sa kaniya?
"Importante lang talaga, Mandy ko," giit din ng binata.
"Okay," pagsuko ni Mandy pero sinusulyapan ang mga daliri nitong gumagalaw.
" Kapag malaman kong may tinatago ka, malilintikan ka talaga sa 'kin!" bulong ni Mandy.
"Wala ka bang cellphone at kay Kuya pa ang gamitin mo?" sabat ni Jairah sa likuran nila.
"Lowbat din. Sa 'yo na lang ang hiramin ko," sagot ni Mandy.
"Ayoko nga!" tanggi niya. Ginagamit pa naman niya ito para makinig ng music. Ganito siguro kapag single ka, music is life.
Pagdating sa paaralan, hinatid siya ni Aron sa classroom nila.
"Mandy ko? Alis na 'ko," paalam ni Aron pero mahigpit na hinawakan siya ng dalaga sa kanang braso.
"Tapatin mo nga ako, Aron, nagmamadali ka ba?"
"H-Ha? Hindi a!" sagot niya. Kapag magduda si Mandy, wala na. Mahirap nang magpaliwanag dito. May apat na araw pa siyang natitira kaya kailangan niyang umaktong normal.
"Sigurado ka?"-Mandy.
"Oo naman!" Inakbayan niya ang dalaga saka hinalikan sa pisngi, "hindi ako nagbibiro, wala akong inililihim sa Mandy ko," aniya. Bahala na. Para naman sa kanila itong ginagawa niya.
"Kiss mo 'ko!" sabi ni Mandy kaya napangiti siya at hinalikan ito sa mga labi.
Nang makaalis na si Aron, sinundan ito ng matalim na tingin ng dalaga. Iba talaga ang pakiramdam niya. Hindi good actor si Aron kaya sigurado siyang may tinatago ito.
Matapos ang first subject, pinuntahan niya si Aron sa classroom ng mga ito pero wala raw ang binata at sabi ng isa nitong kaklase, nakita niyang umakyat ito sa rooftop kaya dali-dali siyang pumunta.
Marahan niyang binuksan ang pinto para mahuli ito kung sino ang kasama pero wala naman kaya nakahinga siya nang maluwag. Nakatayo ito na nakapamewang at may kinakausap sa cellphone kaya dahan-dahan niya itong nilapitan.
"Sure ka? Kung kulay blue na rosas na lang kaya para mas romantic?"
Napatigil si Mandy at biglang nandilim ang paningin niya.
"Yes! Gusto ko ako mismo ang magbibigay sa kaniya ng flowers. Puwede bang huwag mong ipaalam kay Mandy? Magagalit iyon, sige na, bye!" pakiusap ni Aron na kinakabahan sa gagawin. Napaharap siya sa pintuan, "Shit!" sambit niya at nabitawan ang cellphone nang mukha ni Mandy ang nakita. Para itong demonyo na may sungay na anumang oras ay tutuhugin siya.
"Sino ang bibigyan mo ng blue roses?" seryosong tanong ni Mandy pero nakakamatay ang mga mata nitong nagliliyab na sa galit.
"S-Si..." Kailangan niyang mag-isip, "si Mommy mo. Birthday niya kaya ayoko sanang ipaalam sa inyo para surprise pero nalaman mo na," pagdadahilan niya. Lahat na yata ng santo ay nadasalan niya sa isip para hingian ng tulong. Sana lang ay maniwala si Mandy sa alibi niya.
Ngumiti si Mandy sa binata, "Okay, pero black roses ang favorite namin ni Mommy kaya black at bilhin mo para sa kaniya," sabi ni Mandy.
"Gano'n ba? Sige, kausapin ko sila Mandy ko," aniya at nakahinga nang maluwag dahil napaniwala niya ito.
"Ganoon ba? Balik na ako sa classroom ko. Gusto ko lang ipaalam sa 'yo na mahal kita, Aron ko," sabi ni Mandy at niyakap si Aron.
"Mahal din kita, Mandy ko, mahal na mahal kita!" bulong ni Aron.
Kumalas si Mandy at nagpaalam na sa kaniya. Inihatid niya ito sa classroom at umalis din kaagad. Ang dami pa niyang asikasuhin. Kailangan lahat ng pamilya ay mapadalo niya sa party, magpapagawa pa siya ng cake at tarpaulin. Basta marami pa.
Nang makaalis si Aron, lumabas si Mandy at tumakbo patungo sa classroom ni Jairah.
"O? Bakit ganiyan ang mukha mo?" natatawang tanong ni Jairah. Silang lima na lang ang nasa classroom dahil wala na silang pasok.
"Si Aron..." mahinang sagot ni Mandy.
"Ano'ng meron sa kapatid ko?" nagtatakang tanong niya dahil namumutla si Mandy.
"M-May... M-May iba na s-siya..." sagot niya at humagulgol sa pag-iyak, "h-hindi na niya ako mahal! M-May iba na siya!" parang batang sumbojg niya at pinahidan ang mga luha.
"H-Huwag ka ngang umiyak!" saway ni Jairah, "Nakakahiya ka! Kapag may makakita sa iyo, baka isipin nilang inaway kita!"
"K-Kasi nga a-ayaw na niya sa akin. M-Maniwala ka, m-may iba na siya!" napahagulgol na naman ito sa pag-iyak. Kanina pa niya pinipigilan ang mga luha. Ang sakit lang.
"Na-misinterpret mo lang. Hindi iyon magagawa ng kapatid ko. Kilala ko ang kuya ko, hindi siya ganoong tao!" depensa ni Jairah. May paninindigan si Aron mula noon. Isa pa, maliban kay Julie, wala na.
"Alam ko!" pasigaw na sabi ni Mandy, "r-ramdam ko! Nahuli ko na siya! Maniwala ka, n-niloloko na niya ako!"
Nakatitig lang si Jairah kay Mandy. Ngayon lang niya nakita itong umiyak ng ganito at aaminin niya, kahit na palagi siyang inaaway nito, naaawa siya habang pinagmasdan ang kaibigan.
"Paano mo nasabi? Baka mali lang--"
"Mali man ako ng pandinig o interpretasyon pero may itinatago si A-Aron at maniwala ka, Jai, m-may ibang babae talaga si A-Aron ko!" Hinihila pa nito ang palda ni Jairah na para bang batang nangangalimos, "H-Hindi na ako m-mahal ng kapatid mo!"
Napansin nga ni Jairah kanina sa sasakyan nang humiram si Mandy. Mukhang may itinatago nga ang kapatid niya dahil ang alam niya, ayaw pa istorbo ng parents nila ngayong araw dahil sa business meeting. Isa pa, hindi cellphone ang ginagamit ni Aron kapag tumawag kundi landline.
"Sige, kapag matuklasan kong may iba siya at niloloko ka lang niya, ipapaalam ko kaagad sa 'yo para magiyera mo ang babae niya, okay?" sabi niya kaya medyo huminahon si Mandy. Ngayon pa lang ay natutuwa na siya sa kahihinatnan ng babae ng kapatid niya.
"K-Kapag mapatunayan kong niloko niya ako, puputulan ko siya ng ano tapos lalagyan ng sili ang pekpek ng babae niya tapos hihiwalayan ko si Aron kahit na mahal ko siya!" sagot niya saka pinapakalma ang sarili.
"Fine!" pagsang-ayon ni Jairah, "mag-iimbestiga ako sa bahay mamaya at ipaalam ko sa 'yo ang lahat ng ikinikilos niya."
"P-Paki-video para sure t-tayo..." humihikbing pakiusap ni Mandy.









Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon