19

1.7K 75 1
                                    

Title: Oh MandyAuthor: Sha_sha0808Chapter 19"A-Aron? S-Sa bahay mo ako ihatid ha," malumanay na sabi ni Mandy at pasimpleng binuksan ang pinto pero ayaw bumukas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Title: Oh Mandy
Author: Sha_sha0808
Chapter 19
"A-Aron? S-Sa bahay mo ako ihatid ha," malumanay na sabi ni Mandy at pasimpleng binuksan ang pinto pero ayaw bumukas.

"Wala ka namang ibang inuuwian, 'di ba?" tanong ni Aron at napasulyap kay Mandy na namumutla ang mukha.

"O-Oo nga," sabi nito at napalunok ng laway. "Ang shoes ko," bulong ng isip ng dalaga. Bawal siyang makipag-away. As in bawal talaga. Hindi pa naman iyon nailabas sa market kaya gusto niyang siya ang maunang magkaroon dito sa Pinas.

"Kamusta ang araw mo?" tanong ng binata habang nakatingin sa unahang kalsada.

"Okay naman," sagot ni Mandy at muling bumulong, "Just don't ruin everything, Aron."

"Ah, mabuti naman. Saan ka kumain kanina? Sa tambayan?"

Nanindig talaga ang balahibo ni Mandy the way he speaks.

"Nang na-hospital ka? Wala bang sinabi ang doctor? Tungkol sa sakit mo, rason ng pagkawalan mo ng malay at ang mga gamot mo, iniinom mo ba?" pag-iiba ni Mandy.

"Okay naman ako. Napagod lang dahil kulang sa tulog," nakangiting sagot nito kaya natigilan si Mandy at napakunot ang noo. May mali talaga e.

Hindi na siya kumibo pero pinakiramdaman niya ang bawat kilos ni Aron. Sa tuwing liliko sila, napapahigpit din ang paghawak niya sa seatbelt. Kahit na nangangati ang kamay para tingnan ang cellphone, sinikap niyang pigilan ang sarili. Kailangan niyang makita kung nasa tamang daan pa sila.

"We're here..." ani Aron nang tumigil sa tapat ng bahay nila saka tinanggal ang seatbelt at bumaba. Napakagat sa ibabang labi si Mandy nang umikot ito para pagbuksan siya ng pinto.

"Dito na pala tayo," naiilang na sabi niya nang bumaba.

"Yes," sagot ni Aron kaya tiningala niya.

"Ano ang drama mo?" mahinang tanong niya. Baka may binabalak itong masama sa kaniya at gustong sirain ang araw niya para mawala ang upcoming shoes niya?

"Drama?" nakakunot ang noong tanong ni Aron.

"Huwag mo akong pinagloloko, kilala na kita!" mahina pero puno ng inis ang boses ng dalaga.

"Really? Kilala mo na ako?" Sabay turo pa ng sarili kaya mas lalong uminit ang dugo ni Mandy.

"Bakit ka ganiyan? Ano ang problema mo?" prangkang tanong niya. Hanggat maaari, bawal ang makipagsigawan.

"Problema? Marami akong problema, Mandy. Una, nawalan ako ng kasintahan. Pangalawa, ang tarantado ko pang kaibigan ang ipinagpalit niya sa akin. Pangatlo--" Napaatras si Mandy nang makahulugang tumigin si Aron sa kaniya. "Nagkaroon ako ng instant girlfriend."

"H-Hindi mo naman ako girlfriend," nandidiring sabi ni Mandy. Hinawakan ni Aron ang mga kamay niya saka pinisil. Nabigla siya kaya hindi niya mabawi.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon