CHAPTER 28
Unedited...
"Salamat sa paghatid," pasalamat ni Mandy kay Liam. Hindi ito boring kausap at kahit paano, napapasaya siya nito.
"Tungkulin ko na ihatid ka," sagot ng binata.
"Pang ilang araw mo na itong paghatid sa akin. Nakakahiya tuloy," ani Mandy.
"Sus, wala naman akong ginagawa kaya okay lang."
"Bakit mo ito ginagawa, Liam?" tanong ni Mandy.
Ngumiti ang binata sa kaniya bago magsalita, "Dahil gusto ko, dito ako masaya, Mandy."
"Masaya ka talaga? Okay!" sagot ng dalaga at tinaasan ito ng kilay para ipaalam na mahirap siyang kalaban pero mukhang walang epekto kay Liam. May inabot ito sa backseat at ibinigay sa kaniya ang isang box.
"I hope you will like it!" puno ng pag-asang wika niya. Mandy has a high standard when it comes in fashion taste.
"Oh my gosh!" tili niya at hinarap si Liam. "Can I open it?"
"Sure!"
"Hindi ko na kailangang manghula pa, right?" she giggled.
"Yeah. Isn't it obvious?" he laughed. Para itong batang excited na bubuksan ang regalong alam naman niya ang laman.
"Ang ganda!" manghang sabi niya at niyakap ang white glittering high heeled shoes.
"I hope na magustuhan mo. It's our new design na hindi pa nakalabas sa market."
"Really? Sobrang nagustuhan ko and well, palagi kaming bumibili ng shoes ng mommy ko na wala pa sa market," pagmamalaki ni Mandy. For them, behind their success, is a fabolous pair of shoes.
"Mabuti naman. Nang makita ko ang design na 'yan, ikaw kaagad ang naisip ko," sagot ni Liam at nawiwiling pagmasdan ang natutuwang mukha ni Mandy. He knows her. Sabi nga nila, give a girl the right shoes and she can conquer the world. Napupuna niyang shoes is life kay Mandy at masaya siyang ibigay rito ang latest design ng negosyo nila.
"Bakit sapatos ang gusto ninyo?" usisa ni Mandy. Wala pa siyang balak lumabas dahil masyado siyang nawili kay Liam.
"My mom loves shoes," tipid na sagot ni Liam.
"Oh, I'd like to see your mom! Where is she?"
"She has gone to China for business tour," he answered. "She was planning to introduce Navarro's shoes sa market para makapagpatayo kami ng another branch doon."
"Good luck sa inyo," sabi ni Mandy. Wala siyang pakialam sa business ng pamilya nito dahil wala naman siyang balak na magpatayo ng business. Basta siya, buyer lang siya.
"Liam? Bakit mo ginagawa ito sa akin?" seryosong tanong ni Mandy.
Hinarap siya ng binata. "Because I like you, Mandy."
Ilang segundo ang namagitan sa kanila.
"I like you too, Liam!" pag-amin ni Mandy kaya natigilan ang binata. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Mandy. Sa pagkakaalam niya, wala itong kaibigan at masyadong mailap ang dalaga. "Okay na, friends na tayo. Salamat sa shoes, Liam!"
Tinanggal na ni Mandy ang seatbelt pero hinawakan ng binata ang kaliwang braso nito. "Mandy, gusto kita hindi bilang kaibigan lang," pagbibigay linaw ni Liam.
"Hala, bilang nanay mo?"
"Bilang kasintahan ko!" pag-amin ng binata. Hindi naman siya napipikon kay Mandy. Nasanay na siya sa pagtataray nito dahil sanay na siya kay KC na mataray rin.
Hindi nakasagot si Mandy. Iniisip pa niya kung tama ba ang narinig niya.
"Hindi naman ako nagmamadali, Mandy. Kaya kong maghintay. Sana huwag mo lang masamain at huwag kang umiwas dahil--"
"Hindi kita gusto!" sabat ni Mandy at hinarap si Liam. "I'm sorry pero bilang kaibigan lang talaga ang mai-offer ko sa 'yo."
"O-Okay lang, kaya kong maghintay," Sinisikap niyang maging masigla ang boses dahil sa lahat ng niligawan niya, kay Mandy siya nakakuha ng agarang sagot at hindi pa pabor sa kaniya. Usually, mag-iisip pa raw sila at kung ano'ng excuse para tumagal kahit paano ang ligawan.
"Huwag kang maghintay, masasaktan ka lang!" sabi ni Mandy saka hinarap si Liam. "Nanliligaw ka ba sa akin?"
"Yes," sagot ng binata kaya tumaas ang kaliwang kilay ng dalaga.
"Could you open the door for me, please? Gosh! Nanliligaw ka tapos hindi mo ako pagbuksan ng pinto? Where did all the gentlemen go?" maarteng sabi ni Mandy na para bang minaltrato siya ng ka-date.
"S-Sorry," nataranta namang lumabas si Liam para pagbuksan si Mandy ng pinto.
"Salamat. Nextime, mag-training ka para hindi ka magmukhang tanga sa nga ka-date mo!" sabi ni Mandy kaya napakamot na lang ang binata sa ulo.
"Oh my gosh, ang shoes nakalimutan ko!"
Binuksan ulit ni Liam ang pinto saka kinuha ang sapatos sa loob ng sasakyan.
"Thank you sa shoes, Liam!" nakangiting pasalamat ni Mandy at nag-doorbell para buksan ng katulong ang gate.
--------------
"Mandy, gumising ka na diyan, nasa baba na si Aron."
"Later..." tinatamad na sagot ng dalaga at itinakim sa tainga ang unan dahil daig pa ng ina ang alarm clock niya sa kakatalak.
"Bahala ka pero aalis na kami ng daddy mo. Ikaw na ang bahala kay Aron. Pameryendahan mo naman 'yung tao."
Narinig niyang nagsara ang pinto kaya pumikit ulit siya. Hindi siya puwedeng mag-swimming dahil ang bigat ng pakiramdam niya. Masyado siyang napagod dahil bago sila umuwi ni Liam, gumala muna sila sa seaside ng MOA. Masarap ka-date si Liam dahil mapera ito at lahat yata ng gusto niya ay ibinibigay nito pero ayaw niyang umabuso kaya sa pagkain na lang siya bumabawi. Kung sa gamit lang, tikom and ang bibig niya. Baka isipin nito na oportunista siya gayong wala naman siyang balak na sagutin ang binata.
"Mandy!" Napabangon siya nang may malakas na sumigaw sa kaniyang tainga.
"Haist! Bakit ka ba sigaw nang sigaw?"
"Alam mo bang magkakahating oras na akong naghihintay sa 'yo sa baba?" Nakatayo si Aron sa gilid ng kama at gigil na gigil ang hitsura na nakatingin sa kaniya.
"Huwag na muna tayong mag-swimming, napapagod ako!" Muling nahiga si Mandy sa kama at nagtalukbong ng kumot.
"Shit! Bumangon ka na nga!" Hinila ni Aron ang kumot pero mas hinigpitan ni Mandy ang pagkahawak.
"Seryoso, ang sama talaga ng pakiramdam ko," naiiyak na sabi ni Mandy. Kagabi pa na parang mabibiyak ang ulo niya pero tinatamad lang siyang ipaalam sa mga magulang dahil ayaw niyang uminom ng gamot.
"Bumangon ka na sabi!" Binuhat na niya si Mandy kaya nahulog ang kumot.
"P-Please, ayaw kong maligo..." sambit ng dalaga kaya natigilan si Aron.
"Mainit ka..."
"Masakit ang ulo ko," naka-pout na sabi ni Mandy.
"Nakainom ka na ba ng gamot?" Muling ibinalik niya si Mandy sa malambot na kama nito.
"Huwag na," sagot nito at muling nagtalukbong ng kumot saka niyakap si Pooh. "P-Puwede bang pakipatay ng aircon? Giniginaw ako..."
Narinig niya ang pagtigil ng aircon.
"Kumain ka na ba?"
"Ayaw ko. Salamat, iwan mo na ako..." pakiusap ni Mandy. Nanginginig na ang buong katawan niya sa lamig na nararamdaman.
"Sige, uuwi na ako," sabi ni Aron saka tumalikod. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Mataas yata ang lagnat ng dalaga.
Muling hinila ng antok si Mandy. Napabalikwas siya nang may tumapik sa kaniyang balikat. "Bumangon ka na diyan at kumain!"
Si Aron na nakaupo sa gilid ng kama ang namulatan niya.
"Akala ko ba, umuwi ka na?"
"Kumain ka na muna para makauwi na ako."
"Ayaw kong kumain," nahihilong sagot ni Mandy.
"Kaya ka nagkakasakit at nahihilo dahil matigas ang ulo mo. Lagyan mo naman ng mainit na sopas ang sikmura mo!" Hinila na niya ang kumot ni Mandy dahil mukhang walang pag-asa na sumunod ito sa kaniya.
"Wala akong gana--ano ba!" reklamo niya nang buhatin siya ni Aron at pinaupo sa gilid ng kama.
"Kumain ka para makauwi na ako." Hinila niya ang maliit na mesa at inilagay sa harapan ni Mandy.
"Oh, kumain ka ng sopas at uminom ka ng gatas!" Inilapag niya ang dalang tray kanina.
"Nandiyan naman sina Yaya--"
"Walang ibang tao rito dahil umalis ang mga katulong para mamalengke at wala rin ang parents mo kaya anytime ay puwede kitang patayin kapag hindi ka pa kumain!"
Napahawak si Mandy sa kutsara at nakatingin kay Aron. Oo nga pala, gusto siya nitong patayin.
"Sumubo ka na!"
"Subuan mo 'ko..."
Napa-poker face ang binata. "Kumain kang mag-isa!"
"Hindi ako kakain, nanginginig ang mga kamay ko," nanghihinang sagot ni Mandy. Bahala ito pero hindi siya kakain.
Napilitang dinampot ni Aron ang kutsara. "Kumain ka na," mahinang sabi niya na pinipigilan lang ang galit.
Hinawi ni Mandy ang buhok saka isinubo ang sopas na inaalok nito. "Isa pa!" sabi ni Aron.
"Masarap!" sabi ni Mandy. "Sino ang nagluto?"
"Ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Mandy. "Ikaw ang nagluto nito? Wala bang lason?"
"Kung papatayin kita, hindi dahil sa lason kaya kumain ka pa!" naiinis na sabi niya. Para itong donya na pati sa pagkain, sinusubuan pa niya. Maganda at malawak ang kuwarto ni Mandy. Kulay itim ang mga gamit pero sa bawat sulok ng silid, puno ng sapatos ang shoe rock. Ang dami ring bag na nakasabit kahit saan pero malinis naman sa mata tingnan.
"Bakit masarap kang magluto?" tanong ni Mandy. "Bakla ka ba?"
"Resto bar ang negosyo ko at hindi ko inaasa ang ibang lasa sa chef ko!" sagot ni Aron.
"Ayaw mo ng shoes?" nakalabing tanong ng dalaga.
"Makakain ko ba ang sapatos?" balik-tanong ni Aron.
"Kung makakabenta ka, malamang mabilis mo ng pagkain, nasaan ang common sense mo? Tanga ka talaga!"
"May sakit ka na nga, nagawa mo pang manlait!" sabat ni Aron.
"Huwag ka kasing tanga para hindi ka malait!"
"Kumain ka na lang para gumaling ka! Dami mo pang satsat!"
Naparami ang kain ni Mandy. Kahit ang gatas niya ay naubos din niya.
"Saan ang gamot ninyo?"
"Nasa ref," sagot ng dalaga kaya tumayo si Aron at binuksan ang mini ref nito.
"Inumin mo 'to para hindi pa sumakit ang ulo mo." Binigay niya ang mineral water na hawak kay Mandy at niligpit ang pinagkainan nito.
"Aron?" tawag ni Mandy kaya lumingon ang binata.
"Salamat pala dahil pinakain mo ako," pasalamat niya saka nginitian ito.
"Magaling ka rin palang magpasalamat kapag may sakit ka!' ani Aron.
"Salamat talaga sa pagkain, Aron ko!" ani Mandy. Nagustuhan niya ang lasa ng sopas. In fairness, masarap pala itong magluto.
"Ano ba kasi ang ginawa ninyo kahapon ni Liam at sumakit ang ulo mo?"
"Wala naman. Namasyal lang sa likod mg MOA."
"Umaambon kahapon!"
"Nagsilong naman kami sa Padis."
"Inumin mo na ang gamot mo at uuwi na ako," sabi ni Aron saka binitbit ang tray palabas ng kuwarto ni Mandy.
