51

2.3K 74 0
                                    

OH MANDY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 51

Unedited...
"Salamat naman at dito mo naisipang mag-dinner," masayang sabi ni Aira.
"Actually, hindi naman po talaga kasi kay Liam--"
"Opo, masaya po talaga si Mandy na paunlakan ang imbitasyon ninyo, Mommy," sabat ni Aron kaya sumimangot si Mandy. Masaya naman siya kahit paano pero hindi iyong naka-oo na siya kay Liam kahapon.
Nagpapasalamat si Aron dahil hindi na umimik pa ang pamilya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Tita? Sa bahay po matutulog si Aron mamaya ha?" sabi ni Mandy habang nasa sala na sila at nagkukuwentuhan.
"Bakit?" agad na tanong ni Jairah kaya hinarap siya ni Mandy at binigyan ng nakakamatay nitong titig. Iyong nagpapahiwatig na kapag magsalita ka pa, durog ka sa akin.
"Dahil gusto kong katabi siyang matulog, may reklamo?"-Mandy.
"Bakit hindi na lang kayo magpakasal? Tutal, iyon na lang yata ang kulang sa inyo."
"Huwag kang atat! Wala pang ipon ang kapatid mo. Hindi pa niya ako kayang buhayin!"
Hinarap niya ang katabing kasintahan, "Aron ko? Sa bahay ka na matulog mamaya, ha. Ipinaalam na kita sa parents mo."
Namumula ang pisngi ni Aron sa sinabi ng kasintahan. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga magulang.
"Kuya, paano mo napakisamahan si Mandy?" tanong ni Jairah kaya tinubuan na naman ng sungay si Mandy.
"Ganoon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng ginagawa niya ay nagiging tama sa paningin mo," sagot ni Aron kaya isang nakakasuyang ngiti ang ibinigay ni Mandy rito.
"See? Mahal niya ako kaya huwag ka nang umangal diyan! Palibhasa wala kang boyfriend!" pagmamalaki ni Mandy at ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso ni Aron.
Pasado alas onse na nang ihatid siya ni Aron.
"Dito ka na matulog," sabi ni Mandy nang nasa loob na sila ng bahay. Tulog na raw ang mga magulang niya sabi ng katulong na bumukas sa kanila.
"Mandy ko, uuwi na ako. Alam mo namang pagalitan tayo ng parents mo kapag--"
"Sabing dito ka matulog!" singhal ni Mandy, "Ayaw mo? Ayaw mo akong katabi? Ano?"
"P-Pero--"
"Umuwi ka, huwag kang magpakita sa akin bukas o sa susunod na araw!"
"Ang parents mo kasi, magagalit sil--"
"Mamili ka, sila ang magalit o ako?" -Mandy.
Napabuntonghininga si Aron. May laban ba siya?
"Ano'ng oras na, bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ni Cheska na pababa ng hagdan. Firstime ni Mandy na umuwi ng ganitong oras na hindi nakapagpaalam sa kanila pero nakahinga siya nang maluwag nang malamang si Aron naman ang kasama.
"Good evening po, Tita," magalang na bati ng binata.
"Good evening. Saan kayo galing?"
"Nag-dinner po sa bahay," sagot ng binata.
"Mom? Dito po si Aron matutulog," paalam ni Mandy at hinawakan ang kanang kamay ng kasintahan.
"Sure. Mamili ka lang kung saan mo gusto, Aron," sabi ni Cheska.
"Sa kuwarto ko po, tabi kami," sabat ni Mandy kaya napataas ang kilay ng ina, "Magtatabi kami ni Aron ko na matulog."
"Hindi ba't mali ang gagawin ninyo? Masyado pa kayong bata para riyan?" tanong ni Cheska. Babae pa rin ang anak niya.
"Ayaw n'yo ho?" balik-tanong ng dalaga.
"Mandy, marunong ka naman sanang pahalagahan ang sarili mo. Bigyan mo naman ng respeto," pagbibigay payo ng ina. Si Aron ay hindi makasagot. Siya ang nahihiya sa kasintahan. Hindi naman sa ayaw niya pero ano na lang ang sasabihin ng mga magulang nito? Okay lang kapag sa bahay nila dahil naiintindihan sila ng kaniyang mga magulang.
"Marunong ako magpahalaga sa sarili ko sa ibang paraan basta matutulog dito si Aron ko!" giit ni Mandy.
"Siya pa talaga ang patutulugin mo sa kuwarto mo? Mahiya ka naman!" naiinis na sabi ni Cheska. Kung hindi lang siya nahihiya kay Aron, kanina pa niya tinaboy ang binata.
"Ano ho ba dapat? Ako ang matulog sa kuwarto niya? E di sasama ako sa kaniya pabalik!"
"Mandy!" singhal ng ina, "Makinig ka naman sa akin!"
"Nakikinig naman ako! Pero basta matutulog sa kuwarto ko si Aron ko!" giit ng dalaga.
"Marami ang kuwarto riyan, patulugin mo sa guest room pero huwag sa kuwarto mo!" Tumaas na ang presyon ni Cheska. Sino ang matinong magulang na patulugin ang kasintahan ng anak sa mismong kuwarto nito?
"Okay," pagsuko ni Mandy, "Sa guest room siya matutulog." Hinila niya ang binatang hindi kumikibo patungo sa guest room. Sinamahan pa sila ni Cheska.
"Pagpasensiyahan mo na ang kuwarto, last week pa ang bedsheet pero wala namang natutulog dito," paumanhin ni Cheska.
"Okay lang po. Salamat, Tita," sagot ng binata.
"Maiwan na kita rito, Aron ko," paalam ni Mandy at lumabas na kasama ang ina.
Nakahinga nang maluwag si Aron nang ilapag ang backpack na may damit sa kama. Pumasok siya sa shower room para maligo.
Matapos ang labintatlong minuto, lumabas siya. Nagulat pa siya nang makita si Mandy na nakahiga sa kama at nakayakap kay Pooh. Ang cute nito pagmasdan sa suot na pantulog na pajamanv may design ni Pooh.
"Mandy ko?" pabulong na sabi niya saka niyugyog ito dahil mukhang tulog na ito, "M-Mandy?"
"Ano ba!" inaantok na sabi ni Mandy at inamoy si Pooh. Napangiti si Aron. Hanggang ngayon, nasa kaniya pa rin ang peace offering niya.
"B-Bumalik ka na sa kuwarto mo, magagalit sina Mommy mo."
"Ayoko! Sabi niya, dito ka raw matutulog. Bawal tayo sa kuwarto ko!"
Napanganga si Aron habang nakatitig sa kasintahang muling ipinikit ang mga mata.
"Patayin mo ang ilaw at matulog ka na! Gusto kong yakapin mo 'ko!" sabi ni Mandy na idinilat ang mga mata at nakipagtitigan sa kaniya.
"S-Sige," sagot ni Aron at pinatay nag ilaw. Pahamak talaga si Mandy. Paano kung mahuli sila kinabukasan? Pero mahalaga pa ba iyon kung nakasama naman niya si Mandy magdamag? Nahiga siya sa tabi nito. Ang bango nito, amoy vanilla. Maliwanag ang buwan kaya naaninag niya ang mukha ng dalaga dahil humarap ito sa kaniya.
"Gusto ko, yakapin mo ako buong gabi, Aron ko," malambing na sabi ni Mandy at niyakap siya sa bewang.
"Bakit gusto mong yakapin kita?" ganong niya saka gumanti sa yakap nito.
"Para maramdaman kong akin ka at mahal mo 'ko," mahinang sagot ni Mandy at mas lalong isiniksik ang mukha sa dibdib ni Aron. Mainit kaya ang sarap sa pakiramdam.
"Mahal kita kahit na walang yakap,tandaan mo 'yan," bulong ng binata at hinalikan ito sa noo. Kung alam lang ni Mandy, nagtitimpi lang siya. Lalaki lang siya at may panganailangan at ngayong gabi, katawan ni Mandy ang gusto niya pero hindi puwede. Ayaw niyang masira ang tiwala ng parents nila.
"Aron ko?"
"Hmmm?"-Aron
"Kiss mo 'ko."-Mandy
Mahinang tumawa ang binata saka hinalikan ito sa labi.
"Good night," pabulong na sabi ni Mandy at tuluyan nang hinila ng antok.
Kinabukasan, maaga pa silang nagising. 'Laking pasalamat ni Aron dahil tulog pa ang mag-asawa. Kaninang alas kuwatro pa siya gising, sarap na sarap si Mandy aa pagtulog kaya pinagmasdan lang niya ito hanggang sa magmulat ng mga mata. Siyempre, kiss agad ang hiniling nito. Medyo nagtatampo pa nga ito dahil agad na tumigil siya at naligo sa shower room. Namilit pa nga itong sabay na silang maligo pero hindi siya pumayag. Mahirap na.
"Aron?" tawag ni Mandy habang kumakain sila. Masama nga ang loob nito sa kaniya dahil sa tono ng pananalita.
"Yes, Mandy ko?"
"May lunch date kami mamaya ni Liam kasama ang parents niya," pagbibigay alam ni Mandy.
"Akala ko, hindi na matuloy?"
"Hindi na nga natuloy ang dinner date namin kaya lunch date na lang mamaya."
"Bakit hindi mo sinabi?" mahina pero puno ng hinanakit na tanong ng binata.
"Sinasabi ko nga sa 'yo ngayon, 'di ba?"
"Hindi puwede!" pagtutol ni Aron.
"Anong hindi puwede?"
"May lakad tayo," sagot ng binata.
"Saan? Wala akong natatandaang may usapan tayo!"
"Mandy naman, mamasyal tayo kung saan mo gusto. Alam mo namang na-miss kita dahil ang tagal ng bakasyon ninyo sa Barcelona, 'di ba?" sabi niya. Sana lang ay maniwala ang kasintahan sa kaniya.
"Bukas. Magkasama na tayo magdamag. Madali lang naman iyon. Isa pa, nahihiya ako sa parents ni Liam. Ang bait nila sa akin," sabi ni Mandy kaya sumimangot si Aron at tumigil sa pagkain.
"Ayaw mo nang kumain?"
"Nawalan na ako ng gana!" salubong ang kilay na sagot ni Aron. Sinulyapan niya ang katabi. Parang balewala lang dito na naiinis na siya, "Kung ayaw mong mamasyal tayo, makipagkita na lang ako kay KC."
"E di makipagkita ka," sagot ni Mandy at maganang kumain. Naikuyom ni Aron ang kamao. Wala talaga itong pakialam sa kaniya.
"Basta pagkatapos ninyo, sunduin mo ako sa restaurant ha," sabi ni Mandy.
"Magpahatid ka kay Liam mo!" sabi ni Aron at tumayo dahil sa inis.
"Saan ka pupunta, Aron ko?" nagtatakang tanong ni Mandy.
"Uuwi na! Tutal, wala ka namang ganang makasama ako!" sagot ng binata at padabog na lumabas ng bahay nina Mandy.

Oh MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon